"Yang Forever na yan !!!
SUS !! months lang yan, baka nga 1 week lang e !
hindi yan totoo !! yung mga taong hanggang salita lang, kasi nga inlove !! Sus !
pustahan pa tayo, isang libo, anu?? payag ka? Forever, forever, PUWEDE BA ??!!
Hindi ako bitter nagsasabi lang ako ng totoo.
Alam niyo kasi yang Love na yan dapat pinag iisipan ng maraming maraming beses
hindi dapat basta basta nagpapadala sa tibok ng puso lalo na tayong mga babae, naku ! sinasabi ko sa inyo Say No to your feeli——."
"Pwede ba tiffany kung puro negative lang sasabihin mo wag ka na umimik, "
" so galit ka na nan? nagsasabi lang ako ng totoo Kristina"
"kahit na, minsan ka ding naniwala sa forever kaya dapat naiintindihan mo ako! dapat masaya ka para sa akin" sabay walk out
Ako pa? ako pa yung masama? yun na nga e, naransan ko na yun kaya nga.... AHHHH !!
ginulo gulo ko yung buhok ko habang naglalakad, nakakainis talaga nagalit pa sakin yung bestfriend ko, anu na tuloy gagawin ko. nakatungo lang ako habang naglalakad nasusura talaga ako bat ba di niya naiintindihan sinasabi ko A'a. Pinagsasapok ko yung ulo ko gamit yung librong hawak ko.
"Ang Bobo mo talaga tiffany, tama siya dapat di ka nalang umimik" sabi ko sa sarili ko, patuloy parin ako sa paglalakad ng biglang
Bogshh !!!
natumba ako sa sahig. may nakabangga sakin. Takte naman oh, badtrip na nga yung tao babanggain pa . pambihira !!
" anu ba? hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! pasigaw kong sinabi sabay tayo.
"ikaw? hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?"
" ikaw yung tinatanung ko, porket lalaki ka feeling mo di kita papatulan? gago ka a"
" miss, hindi ako nakikipag away ikaw yung hindi tumitingin sa dinadaanan, nayuko ka habang naglalakad"
"So kasalanan ko na naman? ganun ba?"
"Hindi sa ganu...."
"Sige !! lagi naman Sige ! Sorry ha NA-BANG-GA Ki-TA
bwisit na buhay to o! napakang walang kwenta
papasok na ako ng classroom ng biglang nakasalubong ko si lay
pany!!! kamusta ka na?! tagal na nating di nagkita a. namiss mo ba ako? ha? ha? sobra kitang namiss alam mo ba yun ha?
hindi ko siya pinansin dirediretso lang ako hanggang makaupo ako. napakapapansin ng taong yan lagi nalang akong ginugoodtime kaya minsan napapangiti nalang ako kahit sobrang badtrip ako, ang kulit kasi e, parang baklang nakawala sa hawla. Pero hindi sia bakla masiado lang talga siyang maingay. naalala ko nga noong sobra akong nasaktan feeling ko katapusan na ng buhay ko, naligaw ako ng landas gimik dito gimik dun hindi kami close ni hindi ko nga sya kilala pero ni minsan hindi sya nawala sa tabi ko. hindi ko alam kung panu nangyari at kelan.
hoy pany! kausapin mo naman ako,tulala ka na naman. alam mo ba
hindi. hindi ko alam.
makinig ka muna bago ka magsalita. alam mo may crush ako.
alam mo para ka talagang bakla, bakla ka ba? hindi naman ako magagalit e.
-
YOU ARE READING
YOLO (You Only Love Once)
Teen FictionEverything Happens for a reason. It's just a matter of having faith, believing and trusting to make those imperfect perfect.