Kakabreak lang namin ng ex ko.
Hindi na ako nasaktan. Siguro dahil habang mag-"on" kami eh ramdam ko nang doon din mapupunta ang lahat. Mas masakit pa nga yung mga araw na alam kong may problema na pero hindi pa rin namin magawang tapusin ang lahat. Iyon yung mga araw na pakiramdam ko hindi tinatantanan ng mga kutsilyo ang puso ko. Kaya nung sabihin niyang "Ayoko na. Tapusin na natin 'to.", imbes na gumuho ang mundo ko, nakaramdam ako ng kaginhawaan. Para akong ibon na matagal nang nakagapos at sa wakas ay pinakawalan. Siguro hindi na ako nasaktan dahil sa gitna ng bawat sakit habang magkasama kami, unti-unting nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Minahal ko siya ng sobra, pero may mga bagay na hindi itinadhana.
Ngayon, ikukuwento ko ang mga pangyayari pagkatapos kong mahalin at makipagbreak sa ex ko na dati kong "best friend" at hanggang ngayon ay ka block mate ko. Talk about being awkward!
BINABASA MO ANG
Let's see how this story goes
Teen FictionBasically me just writing anything everytime my imagination run wild.