Dalawang taon tayong nagsama , kapag nagseselos ako parati mong sinasabi " ang papanget kaya nila Ikaw lang gusto ko at ikaw lang Ang mamahalin ko ,PAPAKASALAN pa kita tandaan mo to."
Andaling sabihin pero ang hirap panindigan . Kaya nga Ang hirap ding paniwalaan dahil sa huli ginago mo ako ng harapan tila binabaliktad pa ang mga storya kapag ikaw ay tinatanong ng karamihan.
._._._._._._._._._."Tres"
Mahal nang ika'y aking binitawan,
Alam kong ika'y aking masasaktan,
Sa mga oras at araw na nagdaan,
Yung akala kong sakit na di ko na mararanasan,
Mas sumakit pa nung ika'y aking nasilayan, kasama ang babaeng dati mong kinamumuhi.an ,
Na ngayo'y ipinaparamdam mo ang kaligayahan.
Nakikita ko sa mga Mata mo na ika'y nasisiyahan , tatlong buwan nang nagdaan simula nung tayo'y naghiwalayan,
Akala ko Madali lng kitang kalimutan ,pero hanggang ngayon binibilang ko parin ang mga buwan ,
At mag dadalawang taon na sana tayo sa susunod na buwan.
Paalam Mahal parin kita pero di na muling maibabalik pa ang dating ating nakasanayan.
Ang gusto ko lng ay ang Hindi ka makitang nahihirapan , Kaya kapag Ang tulong ko ay kailangan , andito parin ako bilang kaibigan. Paalam aking kasintahan na minsan pinaradam kung paano Ang lumaban pero di ko naggamit nung dumating na sa ating dalawa ang bakbakan,
Di Kita pinaglaban di dahil di Kita Mahal kundi dahil ayaw ko ng masaktan .._._._._._._._.
Sa loob ng isang skwelahan, parati kong masisilayan mga mukha mong kay sarap tingnan kahit alam kong galit ako , pero pag ikaw na yung nagpapatawa , tumatalikod ako para ilabas mga ngiti ko . Pero ba't tayo humantong sa ganito ansaya natin noon pero ba't ang hirap na magtiwala at ibalik ang dating noon.
Para kang isang kuto ang hirap mong tanggalin sa ulo ."Tres II "
Simula nang ating lakbay
May kasabay na hirap at tagumpay,
Sa araw na lumipas,
Tila damdamin natin ay kumukupasKalagitnaan puso'y humiwalay,
Sa mga bagay na walang kamalay-malay
Pinipilit ang damdamin sa nakalipas,
Tila pag ibig para sa isa't-isa'y walang kupas,
Damdamin ko ay patay
Para sa'yo ako'y magiging mataray
Sa bawat Iyak ako'y mananatiling matigas
Kahit sa loob gusto ko nang kumawalas,Sa huli ang binabalikan ng pusong malumbay,
Ay Ang pag-ibig mong walang humpay
Kahit ito'y nasasaktan ng marahas
Tulo'y pa ding magmamahal kahit wala ng bukas.._._._._._._._.
Hanggang dyan lng muna
paalam.
BINABASA MO ANG
Storya natin to
PoetrySa bawat storya may kaakibat na saya sa bawat saya may lungkot na madarama . Ito'y isang sulating maibabahagi ko sa karamihan patungkol sa aking nararamdaman . Sana ay inyong magustohan.