CHAPTER 15: The Master

251 12 0
                                    

ANDRASTE

Kagigising ko lang mula sa pagkakaidlip, kaso hanggang ngayon hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko.

Nakabalik na ako rito sa kwarto ko sa mansyon. Ibinalik ako rito ni Crovax kahapon matapos kong magwala sa tapat ng mental hospital para tulungan sana si Rhiannon. Subalit bago pa man ako makatakbo papunta sa kanya o makasigaw man lang ng tuluyan, tinakpan na ni Crovax ang bibig ko at muli akong binitbit sa balikat niya pabalik dito.

Ewan ba kasi kung anong trip niya at dinala-dala pa niya ako dun kung alam naman niya na hindi ko mapipigilan ang mangialam, lalo na at kapakanan ng kaibigan ko ang nakasalalay sa mga nangyayari.

Ganun pa man, simula nang makabalik ako rito ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Hindi naman ako mainit, pero para akong lalagnatin sa ginaw na nararamdaman ko. Dahil dito, kahit yung damit ko hindi ko na napili ng maayos matapos kong maligo kanina. Basta na lang ako humablot sa wardrobe ko ng pwedeng maisuot---na nagkataong isang hanggang tuhod na long-sleeved nightdress---saka ako nagpadala sa isa sa mga housekeeper ng agahan sa kwarto ko na hindi ko naubos.

Speaking of housekeepers, mukhang nagsibalikan na pala ulit sila rito matapos nilang mawala na parang bula kahapon. Sa palagay ko, kasabwat din 'tong mga 'to sa mga nangyari rito sa mansyon.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga, namaluktot, at mas lalo pang hinigpitan ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Mukhang wala talaga akong kakampi ni isa rito sa mansyon na 'to.

"I can warm you up if you want," a very familiar baritone voice said in a low tone.

I quickly scanned my eyes around the room, but found nothing. So I looked up to the ceiling, instead, and found him. Hayun at nandun nga si Crovax sa sulok ng kisame. His arms and legs were extended to his sides, pressing them against the walls to hold himself up. Bumangon ako mula sa higaan ko at niyakap ang mga tuhod ko.

"Nice one, Spiderman," nakatitig na pansin ko sa kanya.

He was in all black, along with his leather jacket and steel-toed boots. His short, curly brown hair was stuck around his ears and forehead. May lollipop na nakasubo sa bibig niya kung saan yung white stick lang ang nakikita ko. I almost snorted. Siya lang yata yung demonyong nag-lolollipop.

His red eyes were glowing with amusement as he said, "triumphant entry, huh?" Kininditan niya ako na ipinagwalang-bahala ko.

"Anong ginagawa mo riyan sa taas?" I asked, curious.

Crovax smirked and landed on the floor with a thud, then stood up straight. "Overrated na kasi ang paggamit ng mga pintuan."

"Baliw."

"Tell me something I don't know," saad niya at kaswal na naupo sa upuan malapit sa glassed double-doors ng balkon.

"Bakit ka nandito?"

"Pinuntahan kita para bisitahin. Isa pa," he paused as he took the lollipop out of his mouth, "gusto ko ring ipagmayabang yung acting skills ko. Naniwala kang iba talaga yung kaharap mo kahapon imbes na ako," saad niya at saglit na tumawa. "You fell for that one so easily, Andraste."

Sinimangutan ko siya. "Siraulo."

"I'm a genius, and apparently, an amazing actor as well," very proud na sabi niya.

"Marami kayang lapses sa acting mo," kontra ko nang hindi ko na matiis pa ang kayabangan niya. "Ni isang segundo hindi mo talaga ako napaniwala na isa kang demon hunter at na pwede kang pagkatiwalaan. Oo, napaniwala mo ako noong una na hindi ikaw 'yan, pero kulang pa rin yun kaya huwag mong tatawagin ang sarili mo na 'amazing.' You're not yet on that level. At saka nakarating lang naman ako doon sa mental hospital na yun kahapon dahil pinwersa mo na akong sumama sa huli," I reminded him, then added, "tapos yung mga mata mo rin..."

DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon