Why I'm here?
Asan ako? Pano ako napunta dito?'Itim'
Itim lahat, kahit saan ako tumingin lahat itim.
Tumakbo ako paharap, baka sakaling may liwanag na lumitaw at ako'y ibalik sa dati.Pero, habang tumatakbo ako-
"Kliss"
Napalingon ako sa likod dahil may tumawag sakin,
Pero walang tao.
"Kliss"
Umikot ako para mahanap kung sino ang tumatawag sakin.
"Kli--"
"Who are you?! Magpakita ka!" sigaw ko habang hinahanap ang tumatawag sakin.
"Kliss...Kliss...Kliss" tawag sakin, hindi ko napigilang takpan ang mga tenga ko at pinagpatuloy ang pagtakbo.Pero patuloy parin ng patuloy ang pagtawag sa pangalan ko.
"Sino ka ba?! Bakit mo ako kilala?!" sigaw ko at tumigil sa pagtakbo at hinanap ulit kung saan nanggagaling ang boses na iyon."Kliss tulungan mo ako, tulungan mo kami" sabi ng boses.
"Tulungan mo kami" napa-urong ako dahil may bumulong sakin.
May mga hangin akong nararamdaman na pumapalibot sakin.Hanggang sa may naririnig akong mga iyak, sigaw, mga taong sumisigaw ng tulong.
"K-kliss parang-awa mo na, t-tulungan mo kami"
"Tulungan mo kami!"
"Iligtas mo ang anak ko, Kliss"
"Wag mo siyang papabayaan"Para na akong nababaliw dito, maraming bumubulong sakin na humihingi ng tulong, pero isa lang ang naiintindihan ko.
"Kliss,wag mo siyang papabayaan"
Pagkatapos ng nun, nagbunyi nanaman ang katahimikan sa paligid, at biglang nag-blackout.