Kabanata 17

1.1K 40 0
                                    

Nicole's Pov

"Mauna na ako"-malamig na sabi ni cleo ng makalabas kami ng canteen..

Hindi ko alam pero parang iba ang pakikitungo nito kanina pa. Katatapos lang namin kumain.

" Ha, san ka pupunta? "-tanong ni haze sa kanya.

"None of your business"-sagot ni cleo kay haze at saka na ito naunang maglakad sa amin.

" Hoy cleo yung chix mo dito ay este girlfriend mo pala! "-bulyaw ni haze sakanya.

Ngunit hindi siya nilingon ni cleo sa halip ay dire-diretso lamang ito sa paglalakad na tila ba walang narinig.

Paki ko naman!?

" Oh, heurt san din punta mo? "-biglang tanong ni lee na katab ni haze kay heurt.

" May aasikasuhin "-sagot ni heurt kay lee at saka na rin naunang maglakad sa amin.

" Ang werdo talaga niyang dalawang yan haha"-natatawang sabi ni haze na bumaling sa akin.

"Alam mo nic dapat sinasanay mo ang sarili mo sa dalawang yun"-sambit ni haze saka ako nito inakbayan.

" Lalo na si cleo "-sabat naman ni lee na natatawa sa gilid!

" Pero nakakapagtaka lang "-seryosong sabi ni haze.

Kumunot ang noo ko dahil biglang sumeryoso ang awra ng dalawa...

"Sira, lika na nga hatid na natin si nic sa room nila"-si lee saka ito tumabi sa akin at hinila ako!

Habang hila hila ako nang dalawa ay maraming studyante ang nagbubulong bulungan sa paligid at ang iba naman ay tumitili habang dumadaan kami!

Napansin kong kanina pa kaway ng kaway ang dalawa at ngiti nang ngiti sa bawat studyanteng madadaanan namin!

Napailing nalang ako..

......

"Mitch! "-sigaw ko.

Palabas na ako ng gate nang makita ko siyang naglalakad habang bitbit nito ang libro niya.

Lumingon ito sakin. " Nic! "-saka lumapit sakin.

" Sabay na tayong umuwi? "-tanong ko sakanya habang nakangiti..

Medyo pagabi na din kasi ngayon..

" Sige ba"-nakangiti ding sabi nito saka niya ako niyakap sa braso.

"Mukhang ang saya saya mo ahh nawala ka lang nang isang araw"

Kumunot ang noo nito sa tanong ko. "Masaya? Hi-hindi naman"-utal na sabi nito.

Yung ngiti kasi nito ay kakaiba ngayon..

"Eh ba't yang mga ngiti mo ay kakaiba? "-sabay sundot ko sa tagiliran niya.

" Ano ba nic, tama na nakikiliti ako eh! "-saway nito sakin habang natatawa..

Natigil kami sa pagtawa nang may marinig kaming kalabog sa di kalayuan.

" Ano yun? "-tanong mitch.

Maging ako ay hindi ko alam nakakaramdam ako ng kaba ngayon! Mukhang nanggagaling ito sa likod nang wall..

" Nic! "-pigil sakin ni mitch.

Nag aalalang mga mata niya ang sumalubong sa akin.

" Titignan ko lang "-sabi ko sa kanya na agad naman ding tumango nang alanganin.

Hindi ko alam pero parang may bagay na humahatak sakin palapit sa pinanggalingan nang kalabog na yun.

Unti unti akong lumapit...

Lapit

Lapit

Unti pa

Ayan na!

Nagulat ako sa tumambad sakin isang duguan na lalaki ang nakahandusay sa sahig habang nakatalikod sa akin ang isang tao.

Nakasuot ito nang leather jacket, maong na pants at naka sombrero ito nang kulay puti..

Nagulat ako dahil bigla itong humarap sa akin at nagtama agad ang aming mga mata. Nanlilisik ang kilay nitong nakatingin sa akin.

"Si-sino ka wag kang lalapit sakin! "-kinakabahang sambit ko.

Hindi ito nakinig sa sinabi kodahil patuloy pa rin itong unti unting lumalapit sa akin!

Halos mapatalon ako sa gulat ko nang tumama ang malamig na wall sa likod ko!

Wala na akong maatrasan!

Halos lagutan ako nang hininga nang makatapat ko na ito.

Matangkad ito, maputi, magandang katawan at teka bat ba pinupuri ko pa tong stranger na to?!

Walang paligoy ligoy na hinampas ko ito nang libro sa muka at saka mabilis na tumakbo..

" Tulong, tulungan niyo ako saklolo! "-hiyaw ko habang tumatakbo.

Natigil ako sa pagtakbo dahil wala na si Mitch sa iniwanan kong lugar..

Bigla nalang may tumakip sa ilong kong panyo. " Hmmmp "

"Wag kang maingay"-sambit nito

"Anong ginagawa mo? "-tanong nang isang kadarating lang..

Hindi ko ito makita dahil nakatalikod ako.. Pero pamilyar sakin ang amoy nang taong nakayakap sakin ngayon habang nakatakip ang ilong ko..

Maya maya lang ay nakaramdam ako nang antok.. Pero bago pa ako tuluyang mawalan nang malay ay may narinig akong nagsalita uli..

" Ingatan mo siya "




RAINBOWFADED

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon