EPILOGUE

21.5K 763 77
                                    

Eksatong sampong buwan makalipas kaming ikasal ni Lukas, pinanganak ko ang aming panganay na pinangalanan naming Tove Karoline (Tovah Karolinah) Borsett. Labis na natuwa ang mga in-laws ko lalung-lalo na ang masungit kong father-in-law na si Andreas Borsett. For the first time in more than two hundred years daw kasi ay nagkaroon ng little girl sa pamilya Borsett.

"Tusen takk," maluha-luha niyang sabi sa akin habang ginagagap ang isa kong palad. Nakakapagsalita na siya nang matuwid at nakakalakad na rin nang paunti-unti gamit ang tungkod. Ramdam ko ang sinseridad sa pasasalamat niya. Dahil bihira siyang naging emosyonal sa akin, iyon pa nga lang siguro ang kaunaunahang pagpapakita niya ng mabuting asal na hindi pakitang-tao, pinangiliran din ako ng luha.

Proud kong pinakita sa kanya ang kanyang apo habang hawak-hawak ito malapit sa aking dibdib. Napatili sa kagalakan ang mother-in-law ko na nasa tabi niya.

"Look at her, Andreas! Isn't she lovely?"

Tumangu-tango si Andreas at hinagkan niya sa sentido ang asawa. "She looked like you, darling," ang sabi pa nito.

"I'm so thankful, my dear. We are both very thankful," maluha-luha ring sabi ng mother-in-law ko sa akin. Payak na ngiti lang ang naging sagot ko.

Masaya kaming nagtatalo kung sino ang kamukha ni Tove nang humahangos na dumating si Lukas. Hindi ito umabot sa mismong araw ng pagle-labor ko. Kahapon dapat ang dating niya pero dahil may emergency sa shipyard, hindi siya nakaalis agad. Marahil nasabihan na siya ng mga magulang na babae ang anak namin. Nakakainis nga. Gusto ko sanang sorpresahin siya. Na hayaang siya mismo ang makatuklas sa kasarian ng anak. Kaso sobrang excited ang dalawa, e. Hindi na nakapaghintay.

"Is it really a girl?" naitanong niya sa bungad pa lang ng pintuan ng private room ko. Nakangiti akong tumango. Halos mapasubsob siya sa paanan ng kama ko sa kamamadaling masilayan ang anak niya. Nang makita ito, napasigaw siya na parang nanalo sa lotto.

"You're crazy!"natatawa kong saway sa kanya.

Niyakap niya kaming mag-ina at hinalikan ako sa labi.

"It was worth the wait. I am so glad we didn't let the doctor tell us the baby's sex. We won't be this deliriously happy if we already knew in advance." Humalakhak na siya nang todo at hiningi niyang mahawakan ang bata. Napaupo siya sa gilid ng kama ko pagkabigay ko sa kanya kay beybi. Natakot siyang baka mahulog daw niya ito. Ang lambot daw kasi. Parang manika lang daw ang hawak niya.

"She is so beautiful. She looks like you," nakangiti niyang sabi na agad namang tinutulan ng kanyang mga magulang. Mas kamukha raw kasi nila ang bata. Sa pagkakataong iyon, tingin ko, may punto sila. Paano ko naman magiging kamukha? Brownish ang buhok ng bata at light brown ang mga mata. Ang sa akin nama'y itim pareho. Idagdag pa roon, matangos ang ilong ni Tove habang ang sa akin nama'y hindi gaanong katangusan. Kahit saang anggulo tingnan, Caucasian ang features ni beybi. Pero sumang-ayon naman ako kay Lukas na ang kapal ng labi ng anak namin ay sa akin minana, pati na rin ang hugis ng kilay.

"This is the best day of my life, babe," madamdaming sabi pa ni Lukas at kahit nandoon pa ang mga magulang, siniil niya ako ng halik sa labi habang kalung-kalong si Tove.

**********

Napangiti ako nang mapansing sobrang naging maalalahanin nila Mamma't Pappa kay Zyra. Mamma made sure she ate on time. Halos ay hindi na ito naalis sa tabi ng asawa ko para mabantayang mabuti kung tama at nasa oras ang pagkain nito at pagpapadede kay Tove. Si Pappa nama'y naging magiliw din. Unlike before, lagi na itong nakangiti at maaliwalas pa ang mukha. Minsan nga'y, pinagalitan ko na silang dalawa ni Mamma dahil halos ay sa ospital na sila titira para round the clock na makita ang apo nila. Pero sa isang banda, naintindihan ko rin naman ang kanilang damdamin. Ganoon siguro talaga kapag unang apo at unang babaeng Borsett. Hindi nga ako makapaniwala. Natupad na nga ang pangarap naming magkaroon ng honeymoon baby, naging babae pa siya. Life is really good!

"I heard you just have a baby girl," nakatawang bati ni Nikolai sa telepono nang tumawag nang araw na iyon. Second day pa lang sa mundo ng baby girl ko no'n.

"Yeah. A beautiful baby girl. Just like her mom."

"Pambayad-utang!" pang-aasar agad sa akin ng bwisit sa lenggwahe namin.

"That will never happen. I'll make sure of that."

"You'll never know. What if Trond's boy will---"

"Stop! You bastard!"

Halakhak ang sagot ni Nikolai.

"Please give my regards to Zyra. I'll drop by the hospital later."

Hindi na niya hinintay pa ang pamamaalam ko, nag-hang up agad ang hudas. Tatanungin ko pa sana kung may balita na siya tungkol sa ex-gf niyang Pinay. Panay kasi ang pang-uusisa sa akin ni Zyra.

Kabababa ko lang ng phone nang lumapit sa akin si Pappa. Inakay niya ako palayo sa kinaroronan ng mag-ina ko. Lumingon pa muna ito kay Zyra bago naupo sa isang pang-isahang sofa. Sinenyasan niya akong maupo rin sa harapan niya.

"Gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa iyo," deretsahan niyang sabi sa Norwegian. "Nagkamali ako, anak."

Hindi ako sumagot.

"Sana mapatawad mo ang pagmamalabis ko sa asawa mo noong magnobyo pa lang kayo. I hope you understood my side. All I wanted then is ----" Hindi na niya itinuloy ang gusto sanang sabihin. Napabuntong-hininga siya at dumukwang para pisilin ang isa kong palad. "Thank you. You gave your mama and me the best gift in the world."

Lumingon siya sa kinaroroonan nila Zyra at Mamma na masinsinan ring nag-uusap. Nang dumating ang nurse na kalungkalong si Tove para padedehin ito sa ina, tumayo na si Pappa at agad na nagpaalam sa akin. Tumayo na rin ako para puntahan ang mag-ina ko, pero nauna pa si Pappa roon kahit na paika-ika sa paglalakad gamit ang tungkod niya. Napailing-iling na lang ako sabay ngiti.

**********

"Mamma told me she wanted to name our baby Ragnhild (Rangnil) after her and her mother but I said we already have a name for her. She seemed disappointed. Please talk to her," nag-aalala kong sabi agad kay Lukas nang nasa tabi ko na siya. Umalis kasi sa tabi ko ang mama niya nang pahindian ko ang suhestiyon nila. Inakay pa si Pappa para lumayo rin sa amin.

Tumawa si Lukas. "Don't worry about them. It's not their baby. Plus, Ragnhild is a difficult name to pronounce in the Philippines. For sure, she would have a hard tme explaining it to her cousins and Filipino relatives someday."

"But they seemed disappointed. Mamma might get mad at me again."

Inakbayan ako ni Lukas at hinagkan sa buhok.

"Do you still have to worry about that? You are calling her Mamma now. That means a lot to us, Norwegians. Unlike in the Philippines, we don't usually let in-laws call us the way a family member does."

"But just in case, explain to them why we can't name the baby Ragnhild, okay?"

Tumangu-tango siya, hinagkan si beybi sa pisngi at nilapitan ang mga magulang na ngayo'y nasa isang sulok at nag-uusap. Mayamaya pa, narinig ko ang tawanan nilang tatlo. Pagbalik ni Lukas sa tabi ko, pinaliwanag niyang walang kaso raw ang pag-decline ko sa sinuhestiyong pangalan ng mga magulang. Kaya raw sila lumayo saglit dahil pinag-usapan nila kung paano baguhin ang last will and testament na pinagawa ni Pappa noon. Dapat daw kasi malaki ang porsyentong makukuha ni Tove sa family business pagdating ng araw na wala na sila pareho sa mundo. At ora mismo raw ay ipapabago na nila iyon.

Napamulagat ako sa narinig. Hindi ko sukat-akalain na ganoon sila ka saya sa pagdating ng kanilang apo. Sapat na sana sa akin ang paghingi nila ng paumanhin. Pero ang marinig ang ganitong balita, nakaramdam ako ng labis na katuwaan. Hindi dahil sa pinag-interesan ko ang malaking mamanahin ng anak ko balang-araw kundi sa implikasyon ng ganoong gesture mula sa kanila. I realized they have finally truly welcomed me into the Borsett family. And for that, I am so thankful. Wala na akong mahihiling pa. Isa na lang sana ang hinihingi ng puso ko. Na sana balang araw ay magkita uli kami ni Leigh. Miss na miss ko na siya.

WAKAS

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon