"Para sa Juanito Alfonso ng buhay ko"
Ni:Camille Malate
Ika'y nagpakilala noong una na ikaw si Juanito Alfonso
At ako ang Binibini mo
Nung una na kornihan ako
Ngunit kinalaunan ito'y nagustuhan ko
Ang ideyang ikaw si Juanito at ako si Carmela
Ay talaga namang nagustuhan ko
Dahil sa wakas nahanap ko na,
Nahanap ko na si Juanito Alfons
Ang lalaking aking pinapangarap
Ang lalaking sinisigaw ng aking puso at nais makasama sa hinaharap Labis ang aking tuwa ng ika'y aking nahanap
At hindi maipagkakaila ang saya at kilig na aking nararamdam sa tuwing tayo'y magkakausap Alam mo? Ikaw lang ang lalaking nag patibok sa aking puso
Nagparamdam na ako'y espesyal sayo
Na ako ay may halaga diyan sa puso mo
Na ako'y mahal na mahal mo
Sayo ko lamang naramdaman ang labis na pagtibok ng aking puso
Na hindi ko naman nararamdaman noon
Hindi ko inakalang mahuhulog ako at ikaw ang unang pag-ibig ko
Ganito pala yon?
Nagagawa ko ang dati'y hindi ko ginagawa
Ikaw ang naging bunga ng saya
Saya na kailanman ay hindi ko inakala
Na mararamdaman ko kasama ka
Lagi kitang hinahanap
Hindi mapakali pag ika'y hindi nakakausap
Naiinis pag hindi ka tumutugon saaking mga mensahe
At naiisip ko na may iba ka ng babae
Oa na kung oa pero mahal kase kita
Nahulog ako sa mga matatamis mong salita
Sa pagpaparamdam na ako'y iyong iniibig
Na, nararamdaman ko rin na may kasamang kilig
Ako'y nagtiwala sayo
Dahil sabi mo rin na ako'y iniibig mo
Ito'y iyong inamin noong tayo'y matalik na magkaibigan pa
Labis ang naramdaman kong tuw
Dahil sa wakas, si Juanito Alfonso na hanap ko
Ay mahal rin pala ako,
Ang dating hindi nag eexist sa mundong ito
Ay nag exist ng dahil sayo
Akala ko dati imposible na ako'y makahanap ng Juanito Alfonso
Ngunit ako'y nagkamali dahil ikaw ay nahanap ko
Kaya naman ika'y mahal na mahal ko
Na hanggang ngayon ay hindi nagbabago
Sa araw- araw Juanito Alfonso ikaw lang ang iniisip ko
Ikaw lang ang palaging laman nitong aking puso
Hindi ko lang talaga malaman kung bakit ka nagbago
Dahil sa tuwing ika'y aking papadalhan ng mensahe ay hindi ka tumutugon na para bang ika'y nagtatago Ngunit ang sabi mo
Ikaw lang ay abala sa pag aaral mo
Inintindi ko lahat ng iyon
Kahit na ako'y nasasaktan
Dahil alam ko na mas mahalaga ang pag aaral mo kaysa saakin
Ngunit dumating ang araw na kinatatakutan ko
Hindi na ako makapag padala ng mensahe sayo
Dahil bnlock moko ng hindi ko alam ang dahilan
Alam ko madalas na ako'y nababaliwala mo
Ngunit hindi iyon naging hadlang para ika'y mahalin ko
Hanggang ngayon umaasa parin ako
Na maibabalik natin ang dating meron tayo
Juanito Alfonso, yan ang tawag ko sayo
At ako naman ang binibini mo
Alam kong pag nabasa mo ang gawa kong ito
Maiisip mo na ikaw ang Juanito Alfonso na tinutukoy ko
Oo tama ka,
Ikaw nga ang tinutukoy ko
Kahit anong mangyari ako'y maghihintay gaya ng sabi mo
Dahil tutuparin natin ang mga pangako at pangarap na sinabi mo kasama ka.. Je't aime, ich liebe dich, te amo tatlong magkakaibang lenggwahe pero iisa ang ibig sabihin mahal kita Juanito Alfonso ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
Thơ caYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...