You know what I don't understand? I don't understand love!
Ang drama, pang-teleserye. Pero, oo nga naman 'no? Mahirap talagang intindihin ang love. Siguro nga kung may subject lang nito, hay naku! Babagsak ako sa prelim, midterm, finals at pati na rin sa removal exams. Kasi nga I can't stop myself from falling for you. Ooopps! Bago pa umulan ng kakornihan, bili mo na kayo ng gamot baka magka-epidemya pa.
Seryoso, saan ba nagsisimula ang love? Sa letter L? Sa "Landi-landi Lang"? Pwede rin. Uso na rin yan ngayon eh. It's because we're now in the current century of the Anno Domini era or the Common Era, in accordance with the Gregorian calendar. It began on January 1, 2001, and will end on December 31, 2100. It is the first century of the 3rd millennium. In short, nasa 21st century na tayo. Hindi na pareho nun na kapag nahawakan mo lang ang kamay ng babae, ipapakasal na kayo agad dahil mabubuntis daw. Hindi na uso yung balot na balot ang katawan ni girl, na wala kang makikita kahit ni isang buhok sa kanyang katawan. "Landi-landi lang" malay mo, bukas-makalawa, magkaka-MU rin at magiging kayo na.
Pero malabo kapag ganyan. Napupunta sa infatuation lang. Yun ba kamong, hanggang trip-trip lang. May magseseryoso, may masasaktan.
Akala mo yun na, pero mapupunta lang sa breakup lines. "Hindi ka naman nagkulang, ako lang talaga ang may problema, I'm breaking up with you", "Hanapin muna natin ang sarili natin, I'm sorry", "You deserve someone better", etc. Yung mga ganito. Bakit kaya ang sarap mag-english kapag nagdadrama 'no? Sagutin mo na lang kaya ng, "Hanapin muna natin ang sarili natin? Ganun? Tara! Hide and seek tayo, ako taya!" o "Tara! Break na! Tom Jones na rin ako eh!" o "Pucha naman oh! Sinong kaya mong mahalin? Ito?" at marami pang iba.
Marami na talagang nagbago sa panahon ngayon. Yun nga lang sa mga pagbabagong ito, maraming mga bagay rin ang naaapektuhan. Bihira na lang ang nanghaharana. Ngayon, ime-message lang yung link ng kanta, kinikilig na. Wala na ring nagsisibak ng kahoy. Malamang, naka-LPG na. Yung balot na balot ang katawan, taken na yan. Pero kapag single, yun yung may nakikitang puwet sa dibdib.
So, saan nga ba talaga nagsisimula ang love? Sa letter L? Sa "Lucky Friendship".
Sa pagiging friends naman talaga dapat magsimula ang lahat. Lucky nga lang kasi mutual yung feelings at walang nafi-friendzoned. Yun ba kamong, unexpected ang pagkakilala niyo, at hindi niyo namalayang nagiging super close na kayo. Nagiging vocal na kayong dalawa. Magkaramay sa lahat ng kabaliwhan at katangahan sa mundo. May nabubuong pagtitiwala. Shoulder-to-lean-on niyo na ang isa't isa. It's a great feeling to have a true friend na handang intindihin ka. Kung nagsisimula kasi sa pagiging friends, mahirap putulin yung bond na nakakonekta sa inyong dalawa.
We can't avoid that feeling na parang nafa-fall tayo sa isang tao, lalo na kapag malapit na sa puso natin. Kalaunan, mapapaisip ka na lang kung in-love ka na ba o hindi pa.
Lahat naman talaga mahirap sa umpisa. Hindi mo naman malalaman kung nafi-friendzoned ka o wala, kung hindi mo susubukan, di ba? Two-way kasi ang love. Hindi yung magpapakamartir ka na lang. Dapat may response, kung wala, edi wala. Masakit, pero ayos lang yan. May pitong bilyong tao sa mundo, makakahanap ka rin ng mapapangasawa mo. Yun nga lang, nakakapagod maghanap, lalo na kapag na-stuck ang puso mo.
May dalawang posibilidad kasi. Yung una, yung hanggang friends lang talaga kayo. Masakit yun! Kasi nga sa bond na nabuo, mahirap mag-let go. Nakaka-bitter. Nakakainis. Nakakapanghinayang. Dahil akala mo yun na, akala mo lang pala. Masyadong assuming, kesyo sweet sa'yo may gusto na, eh sa lahat pala sweet siya. Yun! Masakit. Ang sakit-sakit.
Pero alamin mo muna ang rason niya. Baka hindi pa siya naka-move on sa ex, o hindi ka lang talaga attractive. Aray! Let's be honest, yung ibang kababaehan nowadays, kapag gwapo, love at first sight na. Ano yun? Mata na ang tumitibok? Remember that what initially attracts is often what later irritates.
Yung pangalawa, yun yung masarap sa feeling. Yung hindi pa nga kayo pero may "I love you" at "I love you too" na. Yung feelingero at feelingera kayo kasi may feelings kayo pareho. With matching "Ayiiieee!" sa ibang friends niyo. Yung hanggang smile na lang kasi deep inside, gustong-gusto. Hay naku!
Love is learned. Hindi ito basta darating na lang at kakatok sa puso natin. Natutunan nating mahalin ang tao dahil sa kanilang ipinapakitang kabutihan sa atin. Hindi totoo yang "love at first sight" na yan. Dahil sa love, dapat nage-exert ng effort. At malalaman mo kung mahal mo na ang isang tao, kapag hindi mo na ma-explain pa ang nararamdaman mo sa tuwing kasama mo siya.