Nakalabas na kami ng bahay at medyo tahimik lamang kaming dalawa ni Marc.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng hindi na ako makatiis.
Nagkamot naman ito ng ulo at tumuro sa malayo.
"Doon tayo. Kakain lang naman tayo and magkekwentuhan. Okay lang ba iyon?" nahihiyang sabi niya sa akin.
Okay na okay. Mas mabuti nga iyon at may makakapagkwentuhan ako e.
"Alright." ngiting sabi ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Medyo malayo layo na rin pala ang nalakad namin.
Pumasok kami sa isang parang bahay ngunit ang loob pala nito ay isang modern karinderya. Maayos ang pagkakagawa nito at talagang marerelax ka sa ambiance ng lugar.
Umorder na muna si Marc bago kami naupo.
Nagsimula na kaming kumain. Masarap ang mga luto nila dito. Sariwa ang mga isda at malinamlam ang mga sabaw. Dalhin ko kaya si Dave dito? Mukhang magugustuhan niya rito.
"Kamusta ka na?" tanong ni Marc ng makalipas ang ilang saglit.
Natigil naman ako sa pagkain dahil sa tanong niya. Kahit na casual lamang ang pagkakasabi nito ay feeling ko ay may alam siya sa nangyayari sa akin. Nababaliw na ata ako.
"I'm fine." nakangiting sagot ko.
"That's good." sabi niya.
"How about you? Tapos na ba ang mga inaasikaso mo? Lagi kasi kitang nakikitang puyat at stress e." natatawang sabi ko sa kaniya.
Ngumiti lamang siya ng malungkot sa akin.
"Hmm. I'm working on it." malumanay na sabi niya.
Kaya siguro gusto niya ako makausap ngayon ay dahil para pag-usapan ang problema niya. Nasabi ko pala sa kaniya roon na kung gusto niya ng kaibigan ay andito lamang ako para sa kaniya.
"Ahm. Ano bang problema mo? Care to share?" nagaalangan kong sabi.
Hindi naman sa nangingialam ako pero gusto ko lamang malaman. Hindi ko kasi siya matutulungan kung hindi ko alam kung ano ang problema niya.
Tumahimik ito at napatingin sa malayo. Medyo nagalangan naman ako dahil lumungkot ulit ang mukha niya. Para na rin tuloy akong nalulungkot.
"Matagal ng nawawala ang kapatid ko. 3 years old palang siya noong nawala siya. My Mom was so devastated that time, Dad too. Syempre 3 years old mong anak na babae nawala ng parang bula sinony hindi mababaliw ng ganoon?" panimula niya.
Nabigla naman ako. Grabe pala ang kwento niya. Mahirap siguro talaga sa pamilya nila lalo na't 3 years old palang nawala na ang kapatid niya.
Hindi ako nagsalita at nakinig lamang sa kaniya.
"Honestly, my family is into a dangerous business but its legal. My Dad owns a agency that provides security sa mga kilalang tao like senator, delegates, artist, and business tycoons. Maraming kalaban ang business ni Dad since malalaking tao ang client niya kaya we suspected na isa sa kanila ang kumuha sa kapatid ko. But we are wrong."