1789Hindi mawari ang pagkasabik ng buong Pilipinas sa darating na araw ng Biyernes.
Lahat ay abala, lalo na ang mga inanyayahan sa araw na iyon.
Sa Biyernes na kasi ang ika-pitumpung kaarawan ng pinakamamahal na si Haring Juancho. Isang napakaengrandeng piging ang idaraos para lamang mahal na hari.
Ang mga maimpluwensiyang pamilya sa bansa ay kanya-kanyang pili ng mga magagandang damit at mamahaling alahas para magpakita na rin ng kanilang kapangyarihan.
Hindi lang kasi ito isang simpleng piging na nagbubunyi para sa mahal na hari. Ang piging na ito ay isang pasikatan kung sino ba ang karapat dapat na maging asawa ng tatlong makikisig na anak na lalaki ni Haring Juancho.
Si Prinsipe Antonio, ang panganay sa magkakapatid. Dalawampu't siyam na ang edad ngunit hindi pa rin nag-aasawa. Aniya'y wala pa raw sa isip niya ang mga bagay na iyon. Tahimik lamang ito ngunit magaling mangilatis ng tao. Napakagaling nito sa larangan ng politika. Kaya nga, bagay lamang sa kanya ang humalili sa pwesto ng ama. Tikom naman ang bibig nito kung kailan niya nais umupo bilang hari.
Taliwas naman kay Prinsipe Antonio ang pangalawa nitong kapatid. Ang Prinsipe Yñigo naman ay mapaglaro at tuso lalo na sa puso ng mga babae. Ilang dilag na ba ang napaluha ng binatang ito? Ilang binibini na ba ang halos bumukaka na, makindatan lang ng mahal na prinsipe?
Ngunit kapareho ng kanyang kuya, wala rin itong plano pa na magpakasal.Ang ikatlong Prinsipe naman na si Prinsipe Ramon ay siyang pinakamabait at pinakamasunurin sa magkakapatid. Habulin din ito ng mga babae ngunit di gaya ng mga nakatatandang kapatid ay nabihag na ang kanyang puso ng kanyang kababatang si Corazon. Hindi naman tutol si Haring Juancho sa relasyon ng dalawa kahit anak lamang ng katiwala ng pamilya si Corazon. Mabait kasi ito at maasikaso kay Ramon. Mapagkakatiwalaan rin ang dilag.
"Ama, nais niyo raw po kaming makausap." wika ni Ramon.
Ang magkakapatid ay nakatayo sa harap ng trono ng kanilang ama. Nakangiti ito at halatang nasisiyahan sa tatlo niyang anak na napakakisig at may puso para sa mahihirap at nangangailangan.
"Mayroon ba kayong mga dadaluhan bukas?" tanong ng ama.
Napatingin ang magkakapatid sa isa't isa. Tila naguguluhan. "Opo ama. Ako po ay dadalo sa pagpupulong ng mga haciendero sa Negros para sa lupang ihahandog nila sa inyo." Saad ni Antonio.
"Marahil ako rin po ay magiging abala bukas para sa paghahanda ng lugar ng pagdarausan ng inyong kaarawan." Dagdag pa ni Ramon.
"Ah-eh...bukas? Ano--magiging ...ano rin po ako ama, abala sa ano..--"
"Pambababae ba Yñigo?" Sabat ng ama.
At natawa na lamang ang mga kapatid sa sinabi ng Hari.
"Ipaubaya niyo sa iba ang mga gagawin niyo bukas. Bisitahin natin ang inyong ina." Seryosong saad ni Haring Juancho.
Bumakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata. Kung sana ay may nagawa lang sila.
Kinabukasan ay maagang umalis ang mag-aama. Dumaan muna sila sa tindahan ni Mang Lucio upang bumili ng isang pumpong ng pulang rosas na siyang paborito ng kanilang ina.
"Esmeralda..." mahinang utas ni Haring Juancho habang nakatingin sa lapida ng asawa.
"Ilang taon na ba ang lumipas?" Wari ng panganay.
"Tatlo, Kuya." Saad ni Yñigo.
"Matagal na rin pala." Dagdag ni Ramon.
Bumunghalit ng malalim na buntong hininga ang ama. Tila ba inaalala ang mga panahong kasama pa nila ang kanilang ilaw ng tahanan.
BINABASA MO ANG
Cinderella's Tale
General FictionThis story is inspired by the koreanovela Princess Hours. Let us imagine that there is a monarchial system in the Philippines. Viona Indie Gomez is a scholar in an art school in the Philippines where His Royal Highness, Prince Ramon Antonio Yñigo Re...