Epilogue

4.4K 73 19
                                    

"You ready, babe?" Sumilip si don sa pintuan habang nasa loob ako ng banyo at nag aayos nang sarili.

"Malapit na." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagtatakip ng freckles sa mukha ko.

Niyakap ako ni don mula sa likuran at pinatong ang baba niya sa balikat ko. Nagkatinginan kami sa salamin. Bahagya siyang nakanguso na ikinatawa ko. Lately, he's been doing that pout thing at natutuwa ako sa itsura niya. Napakamatipuno ni don, lalaking lalaki ang tindig, matangkad, maganda talaga ang pangangatawan pero ngumunguso siya na parang bata.

"Do you want to know what I said the day I saw those freckles?" Nakangisi na niyang tanong.

Umiling ako at kunwaring sinamaan siya ng tingin. Naalala ko yung panahong nasa bahay ako nila clark natulog at walang make up ang mukha ko. Yun yung nag usap kami ni sarah pero hindi niya sinabi sa akin ang sinabi ni don noong araw na yun.

"I told sarah that you're beautiful that day I saw those freckles. Mas nagustuhan ko iyon ngayon."

"Sus. Inuuto mo na naman ako."

"Asawa ko, hindi ah. Really, maganda ka talaga. Mas gumanda ka nga lang dahil sa mga yan. Kaya huwag ka ng mahihiyang ipakita sa akin yan." Hinalikan niya ang balikat ko. Kinikilig talaga ako sa bagong endearment niya sa akin.

"Tara na? Marami pa tayong papasyalan today. And I can't also wait for tonight."

Nang gigil siyang yumakap sa akin at wala akong magawa kundi ang matawa habang kinikilig. Sabay kaming lumabas ng luxurious hotel room. Hinintay namin sa lobby si dansen at sarah.

Pinili naming sa hongkong mag honeymoon dahil gusto kong mag enjoy kasama ang mga kapatid ko. Pumayag naman si don at gusto niya rin ang ideyang mamasyal kami dito sa hongkong dahil ito talaga ang pangarap kong puntahan lalo na't andito ang disneyland, ocean park at mga iba pang tourist spots na dati ay pinag aaralan ko lang noong college.

Alam kong maraming ibang magandang bansa na mas magugustuhan ko pa pero ang hongkong talaga ang nakapag paibig sa akin. Lalo na sa ancient history at tradition ng mga tao. Gustong gusto ko ding matikman ang mga pagkain tapos gusto ko ding makasakay sa cable car at pagmasdan ang ibang parte ng hongkong.

"Ate, grabe! Excited na ko sumakay sa mga rides." Sabay kapit sa akin ni sarah.

"Hoy! Dito ka nga. Huwag mong istorbohin ang bagong kasal. Moment nila to. Sabit lang tayo." Hinila ni dansen si sarah. Kumindat siya sa amin ni don at sinakay si sarah sa sasakyang nag hihintay sa amin.

Nauna nang umalis ang sasakyan ni dansen at sarah. Inalalayan ako ni don na sumakay sa isa pang sasakyan. May mga driver kami kaya panatag akong hindi kami maliligaw. Isinandal ko sa balikat ni don ang ulo ko habang nakakapit ang kamay ko sa braso niya.

Nag usap kami kung ano ang itinerary namin dito sa hongkong. Dati ko nang nagawan nang itinerary namin kaya naman sinabi ko sakanya iyon. Natutuwa ako dahil walang reklamo si don sa lahat ng sasabihin ko. Lahat ay sumasang ayon siya at hindi tumatanggi. Hindi siya napipilitan dahil nakikita ko naman na gusto niya rin ang mga gusto ko.

Pagkatapos ng kasal namin ay malamang nag make love na naman kami. Pareho kaming sa executive room sa hotel nang mga pineda dumeretcho. May naka-ready doon na champagne at talagang napaka-romantic ng atmosphere. May mga red rose petals sa sahig hanggang sa king size bed. Pati sa banyo ay nagkalat ang mga rose petals sa sahig at sa bathtub na dati nang nakaready. Pati na din ang mga candles ay nakasindi na dati pagpasok palang namin.

We spent our night making love with each other. We made love till we both fell exhausted. Nagising kami ay magtatanghali na. Walang umistorbo sa amin na talagang ikinatuwa ko. After that, dumeretcho kami ni don sa condo niya/namin noon. We spent our night there, too. Buong maghapon kaming nag kwentuhan, kumain, nanuod ng movies, nag cuddle, nag make out na hahantong sa make love.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon