my ANGEL (one shot)

103 4 3
                                    

♥my angel♥ ( ang anghel ng aking buhay) one shot

_micachu_

Bawat isa sa atin  ay may nakalaang tao na magpapaligaya at bibigyang kulay  ang ating buhay, well I hate girls, nakakainis sila, lalo na ang mom ko. Alam ko sa sarili ko na rebelde ako, mahilig makipagbasag-ulo, masungit, walang galang, lahat lahat na, basta masama ako….yun yun .

Pero nagbago lahat, as in lahat , lahat lahat., ugali ko, itsura ko, at kahit ang pananaw ko sa buhay. 

Ang masaklap pa dito, lahat ng yun ay dahil sa babae, babaeng iyakin,mahina, weirdo, mabait, mahinhin, at higit sa lahat masayahin. 

Ang babaeng kabaliktaran ko, ang babaeng nagpabago saakin,  at ang tanging babaeng nagpatibok ng aking puso, pusong bato, pusong manhid. Di ko nga lubos maisip na itong pusong ito ay may mararamdaman pa.

Simple lang naman ako dati eh!, well sabihin nalang natin na simple in my own way , ung tipong ako lang nakakaintindi sa sarili ko, ung laging magisa, ung masungit at ung tipong “gangster type”. 

Masama ako noon, laging may kaaway, laging may kasuntukan at laging nananakit, kaya walang nalapit saakin. Lagi ko rin kaaway nanay ko, naging rebelde kasi ako ng dahil sakanya eh, hiniwalayan niya papa ko, dahilan para ikamatay niya ito, ipinagkatiwala niya rin ako sa iba’t iba naming kamag-anak para mang-ibangbansa, tapos babalik para kontrolin buhay ko, so ayun, pinakita ko sakanya na din a ako si Bart, ung batang iniwan niya dati , wala na yung taung yun, ibang Bart na ang kaharap niya ngayon. 

Bitter ako sa kanya, lagi ko siyang sinusungitan, inaaway, sinasagot, and the worst nasampal ko pa siya.  

Ayaw ko mang gawin, pero wala akong magagawa, yun yung nararamdaman ko, siguro dahil di ko pa siya magawang mapatawad. Ngayon, lahat nang to alam ko na ang dahilan, lahat ng kaguluhan ko ay may dahilan, yun ay ang makilala ko siya.

Madaling araw nun nang una ko siyang nakita, lumabas ako dahil sa pagkabanas ko noon sa nanay ko, nakita ko siya binabastos pero ang nakapagtataka di man lang siya pumalag o sumigaw para humingi ng tulong. 

So dahil nakakaawa naman at banas din ako at naghahanap ng mapagbubuntungan ng inis, tutulongan ko nalang siya. Tinawag ko yung mga bumabastos sa kanya, agad naming tumingin sa ung dalawang lalaki pero nakilala ata nila ako kaya tumakbo aga. Mga duwag naman pala di kayang panindigan yung gulo nilang pinasok. 

Nilapitan ko siya aba’y walang isip isip agad akong niyakap at humarap, weirdo tlga nung una di pumalag kahit binabastos na, sunod yayakap nalang bigla bigla at ngayon naman parang nanalo sa lotto kong makangiti, abot tenga ba naman ang ngiti. 

She’s really weird, and scary.

Pero after that night, di na siya mawala sa isip ko, ang weirdo kasi.

Mga ilang araw pagkatapos nung gabing yun pasukan na.

Ito na siguro ang pinakamagulo pero pinakamasayang taon ko dahil sa nakita ko ulit siya, ung babae nung isang gabi, si Pia.

Ang kulit kulit niya laging nangungulit, pero lagi niya rin akong pinapatawa o let say pinapangiti pero patago, naging matalik kaming magkaibigan, pero di ko inaasahang tuluyan akong mahulog sakanya.

Mahal ko na siya.

Naging Masaya ang mga araw ko na kasama siya hanggang sa isang araw may na tuklasan ako tungkol sa kanya. 

Inampon lang pala siya nang kinikilala niyang magulang, at ang masaklap dito sinasaktan siya at inaalipin ng mga ito. Di rin siya nakakakain ng maayos sa puder ng mga ito, isang dahilan para lagi ko siyang dalhin sa bahay, di din naman nagalit si mama dahil dito, sa katunayan nga eh naging malapit sila sa isa’t isa at sigurado akong napaparamdam ni Pia kay mama ang pagmamahal ng isang anak na di ko magawang ipakita at iparamdam sa kanya. 

my ANGEL (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon