Dylan Wang as Lance Fuentes
Gunter's POV
Nagising ako sa matinding sakit na nararamdaman ko kanang pisngi ko. Tila na mamaga ito at panay ang pagkirot. Hindi ako makakilos ng husto dahil nakatali sa aking likuran ang aking mga kamay. Ang aking mga paa ay nakatali rin. Hindi ko magawang sumigaw para makahingi ng tulong dahil sa tape na nakalagay sa bibig ko. Marahan kong pinagkikiskis ang aking mga kamay para unti-unting kumalas ang tali na nakagapos sa aking mga kamay. Sa ilang minuto kong pagkikiskis ay unti-unti itong lumuwag hanggang sa makawala ang aking mga kamay. Dahan-dahan kong tinanggal ang tape na nasa aking bibig dahil sa kirot na buhat ng pamamaga ng aking pisngi. Nang mataggal ko ito ay halos habulin ko ang aking hininga sa pagtiis ng sakit.
Isinandal ko ang aking ulo sa gilid ng pader at tumingala sa langit. Ano bang gulo itong pinasok ko? First day of school pa lang at napaaway na kaagad ako. Napansin kong malapit na pa lang sumapit ang gabi at baka maabutan ako ni ate Pritz sa ganitong kalagayan. Mabilis kong tinanggal ang taling nakagapos sa aking mga paa at sa ako tumayo ng dahan-dahan. Pagkatayo ko ay nakaramdam ako ng kaunting hilo kaya sumandal ulit ako sa pader. Nang mawala ang hilo ko ay hinanap ko ang aking bag na hinagis ko kanina bago ko sugurin ang hambog na si Lance. Mabuti na lang at hindi niya napansin ito. Pagkakita ko ng mga laman ng bag ko ay nandun lahat ng gamit ko at walang nawawala. Pagkatapos kong isuot ang aking bag ay dahan-dahan akong bumaba sa hagdan.
Mag-aalasais na ng marating ko ang hallway ng school. Walang katao tao dito, parang haunted ang lugar dahil sobrang tahimik nito. May iilan akong nakikitang palakad lakad na mga janitor pero ni isa sa kanila ay walang pumasin sa paglalakad ko. Hirap akong naglakad hanggang sa marating ko ang gate. Mabilis napansin ng guard ang akong ayos kaya lumapit siya kaagad sa akin.
"Ayos ka lang ba boy?" tanong niya. Sasagot na sana ako nang bigla siyang umatras at bumalik sa station niya nang makita ako. Ewan ko ba at para bang nakakita siya ng multo at bigla siyang natakot.
Hindi na niya ako pinansin hanggang sa makalabas ako ng gate. Grabe hindi ko lubos maisip kung anong klaseng school tong pinapasukan ko. 2018 na at nauuso pa rin ang bullying? Anong ginagawa ng DEPED dito? Porke ba mayaman sila ay mas papaburan nila ang mga ito. Kung iisipin mo nga naman ang unfair talaga ng buhay. Kung andito lang sana sina Kei at Andrew, tiyak hindi ko mararanasan ang ganito. Ang kinakatakot ko ngayon ay kung papano ko ipapaliwanag kay ate Pritz ang mga nangyari sa akin ngayong araw. Ano na lang ang sasabihin niya, kakasimula pa lang ng pasukan ay may nakaaway na agad ako. Pero hindi ko naman kasalanan yun eh. Ah basta bahala na nga.
Saktong 6:30 nang marating ko ang aming bahay. Nagtataka ako kung bakit nakapatay pa ang mga ilaw. Sa ganitong oras ay nasa bahay na si ate Pritz dahil hanggang 5pm lang naman ang kanyang trabaho. Gamit ang susi ko ay binukasan ko ang pinto at saka binuksan ang ilaw ng bahay. Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto para kumuha ng damit pamalit. Pagkakuha ko ng damit ay agad akong nagtungo sa banyo. Pagkasok ko ay agad kong napansin ang dumi ng aking uniform. Doon ko lang napansin na may nakasulat na letter 'X' sa likod at harap ng aking uniform. Mukhang spray paint ang ginamit at malabong matatanggal ito sa paglalaba. Kapansin-pansin din ang pamamaga ng kanang pisngi ko at unti-unti itong nagiging kulay violet. Papano ko ipapaliwanag kay ate to?
Tiniis ko ang kirot habang pinapaliguan ko ang aking sarili. Pilit kong iniiwasan wag matalsikan ang aking mukha ng tubig. Nang matapos akong makaligo ay agad akong nagbihis ng damit at saka ako lumabas ng banyo. Dumirecho agad ako sa kusina para magsaing dahil lalong magagalit sa akin si ate kapag nalaman niyang wala pang sinaing pagkauwi niya. Ako kasi ang laging nagsasaing sa hapunan at siya naman ang nagluluto ng aming ulam. Hindi naman naging mahirap para sa akin ang pagsalang ng sinaing. Lumapit ako sa ref at naghanap ng yelo pero wala kaming yelo na mailalagay ko sa pisngi ko. Pumasok akong muli sa aking kwarto para maghanap ng face mask. Dahan-dahan kong sinuot ito dahil masakit talaga ang pisngi ko. Nang maisuot ko ay agad kong tinungo ang tindahan para bumili ng yelo. Mabuti at may nagtitinda dito ng yelo at hindi tube ice. Naisipan ko ring bumili ng vitamilk na double choco kaya bumili ako. Mukhang hindi kasi ako makakakain ngayong gabi dahil sa pamamaga ng pisngi ko at hindi ko pwedeng ipakita ito kay ate Pritz dahil maghi hysterical na naman yun.
May mga iilang taong tinititigan ako, lalung lalo na yung kapit bahay naming madalas kausap ni ate pritz. Mabuti na lang at nagface mask ako malamang magsusumbong yun kay ate kapag nakita niyang namamaga ang pisngi ko. Pagkabalik ko sa bahay ay agad kong hininaan ang apoy sa sinaing dahil kumukulo na ito. Kumuha ako ng planggana at bimpo saka pumasok sa aking kwarto. Binalot ko sa bimpo ang yelo. Huminga ng malalim bago ko idinikit sa aking mukha. Isa,dalawa, tatlo at pigil na hiyaw ang aking ginawa ng tuluyang dumikit ang malamig na bimpo sa aking mukha. Sobrang kirot na may kasamang pamamanhid ang nararamdaman ko. Kasalanan to ng hambog na Lance na yun eh. Humanda siya sa akin bukas at makakaganti rin ako sa kanya. Paulit ulit kong nilalagay ang bimpo na may yelo sa aking mukha hanggang sa lumiit ang pamamaga nito.
Mabuti na lang at nakahingi ako ng straw kanina, kung hindi ay pati pag-inom ng vitamilk ay mahihirapan ako. Hindi pa nangangalahati ang iniinom ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng aming bahay at tinatawag na kaagad ako ni ate Pritz.
"Gunter yung sinaing mo nasusunog na!" sigaw niya. Lalabas na sana ako nang maalala kong meron pa pala akong pasa sa mukha.
"Ate, papatay na lang po may ginagawa po akong assignment eh" pagsisinungaling ko.
"Jusme ka talagang bata ka, napaka iresponsable mo!" rinig kong sabi niya.
Nakahinga naman ako ng malalim ng hindi na siya nagsalitang muli. Patuloy pa rin ang paglagay ko ng yelo sa aking mukha para mapabilis ang paghilom nito kahit na nakakaramdam na ako ng pamamanhid. Nang malusaw ang yelo ay nahiga na lang ako sa aking kama habang naglalaro sa aking Nintendo Switch. Mahigit isang linggo ko na ring nilalaro itong Legend of Zelda at hindi pa rin ako matapos tapos. Nang magsawa ako ay naisipan kong i-message si Kei at Andrew pero hindi pala sila online kaya nag-iwan na lang ako ng message sa group chat namin sa facebook. Maya-maya pa ay narinig ko na naman ang boses ni ate pritz at inaaya akong kumain.
"Ate wala po akong ganang kumain" sigaw ko dahil tiyak hindi niya ako maririnig kapag mahina ang pagkakasabi ko.
"At bakit? Lumabas ka nga dito para hindi tayo nagsisigawan" sagot niya.
"Kumain na po kasi ako ng meryenda bago ka makarating kaya wala pa po akong gana" sigaw kong muli.
"Basta kumain ka mamaya ahh.. nagluto pa naman ako ng paborito mong chopsuey" pagkabanggit niya ng salitang chopsuey ay agad akong nakaramdam ng gutom.
Tiniis ko ang gutom at inaliw na lang ang sarili sa paglalaro. Nang sumapit ang alas-diyes ng gabi ay muli akong tinawag ni ate para kumain pero nagpanggap akong tulog na. Nang inakala niyang tulog na ako ay nagtungo na rin siya sa kanyang kwarto. At nang masiguro kong tulog na siya sa kanyang kwarto ay saka ako lumabas para kumuha ng pagkain at doon kumain sa aking kwarto. Kahit hirap akong ngumuya ay pinilit kong kumain para magkalaman ang tiyan ko. Humanda sa akin tong Lance na to at makakaganti rin ako sa kanya bukas.
Pagkatapos kong kumain ay nagmumog na lang ako kasi hindi ko rin magagawang magtooth brush dahil sa sakit ng pisngi ko. Hinugasan ko ang aking pinagkainan bago bumalik sa aking kwarto. Nanatili akong gising sa kakaisip kong papano ako makakaganti kay Lance. Pero bago ko gawin yun ay kailangan ko munang kilalanin ng husto ang makakalaban ko. Hindi rin nagtagal at nakaramdam na rin ako ng antok at saka nagpasyang matulog.
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romance"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...