Ayumi's POV
Naandito ako ngayon sa loob ng kwarto ni Ian. Nakatulog ulit siya kanina pagkatapos naming mag- usap. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa nakita ko kanina. Hindi ko alam pero parang nakita ko ang mga matang iyon dati pa bukod doon sa napanaginipan kong pusa na may berdeng mga mata.
Sa pag- alaala ko, nagawi ang mga mata ko sa pintuan at nakita ko si Takeshi na nakatayo doon. Kanina pa ba siya diyan?
"Kung tinatanong mo kung kanina pa ako dito, oo ang sagot. Masyado kang maraming iniisip kaya hindi mo ako napansin" sabi niya sa akin.
Napa- irap na lang ako sa kanya at nangalumbaba.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya tumingin ako sa kanya.
"Bakit ka tumatawa? ha?" tanong ko sa kanya na pabalang.
"Wala. Ang asdfghkl" sagot niya.
Teka, ano daw?? Masyadong mahina yung dulo kaya di ko narinig.
"Anong sabi mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"A- ano, wala wala yun. Sabi ko.. Ang pangit mong umirap" sabi niya sa akin ng hindi nakatingin.
Tumitig ako sa mukha niya at nakita ko yung pisngi niyang namumula. Lumapit ako sa kanya at tinapat ang mukha ko sa kanya.
"Teka, anong gagawin mo?" tanong niya sa akin.
Nilagay ko ang palad ko sa noo niya.
"Hindi ka naman mainit" sabi ko.
Nilagay ko ulit ang likod ng kamay ko sa leeg niya.
"Oo nga, hindi ka mainit" sabi ko ulit.
Tinanggal ko ang palad ko at mas inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
"O- oy tigilan mo nga yan!" sabi niya sa akin na nanginginig ang boses.
First time kong marinig ang boses niya na ganyan. Lagi kasi siyang seryoso kaya minsan nahahawa ako ng kaseryosohan niya.
"Pero bakit ka namumula? Pati yung tenga mo namumula oh" sabi ko sa kanya sabay turo doon sa tenga niya.
Napaiwas naman siya ng tingin at tinulak yung noo ko ng mahina gamit ang hintuturo niya.
"Ganyan talaga ako" sabi niya sabay lakad palabas.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa ginawa niya.
Tiningnan ko yung likod niya na paalis ng bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti.
Napangiti na lang ako pabalik at kumaway sa kanya. Kumaway din siya sa akin pabalik at tsaka tumalikod at tuluyan ng umalis.
Ng hindi ko na siya nakita, naalala ko ang ngiti niya...
Napaka- pamilyar ng ngiting iyon pero hindi ko maalala kung saan...
Napabalik ako ng tingin kung saan nakahiga si Ian at nakita kong natutulog siya habang nakangiti...
Ang ngiti niya....
Pamilyar din...
------
Author's note: short update lamang po ito ^^
Short story lang po ito ata? Bahala po kung gusto ko pa pong pahabain o paiksiin ko na lang po...
Thanks for reading ^^
Takeshi sa gilid ^^
BINABASA MO ANG
Girl Detective : The Dark Light
Misterio / SuspensoStatus: Complicated Remaining life: undefined Lifestyle: Not your typical girl P.S. Be ready for badwords