A/N: Enjoy reading, readers! :> don't forget to vote, comment and share! Lovelots :>
__________________________
Chapter 2: TroubleAlmeah's POV
Bigla akong napabalikwas ng biglang may sumigaw ng pagkalakas lakas-,-"What the f*ck, ate?! Ano ba yan?! May natutulog oh!" sigaw ko sakanya at nanatiling nakahiga.
"Bumangon kana jan! Dalian mo!" sigaw niya parin kahit nasa harap ko lang siya, para siyang galit-,-pero hindi naman.
"Bakit ba? Anong meron? At bakit maaga ako kailangan gumising?" mahinahong sambit ko, namewang naman siya, at nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin
"Bangon!" sabi niya medyo huminahon na siya, kaya naman bumangon nako at inayos ang mga gamit ko.
"Ano ba kasing meron? 5am palang oh-,-" inis na sabi ko. Sino ba namang hindi maiinis? Eh gigisingin ka ng maaga tapos hindi mo alam ang dahilan.
"Wala lang, ayus ba ung acting ko? Hehe sasali kasi ako sa laban kung sino pwedeng maging artista" natutuwang sabi niya sabay takbo palabas ng kwarto ko. What the? Ginising niya ako dahil lang doon?
"Waaahh!! Ateeeeee!!" sigaw na sabi ko at nagpapadyak sa sobrang inis. Grrr.
Kesa magsayang ng panahon para sa babaitang yun, maaga akong naligo at nagasikaso para maaga rin ako sa school, 5am tapos 8am yung simula ng klase, ano namang gagawin ko sa school ng ganitong oras? Haay.
1234567890 minutes ago...
Bumaba nako sa sala, kakagulat man pero nakabawi naman agad ako, tsk.. Ang aga naman ng tukmol na toh, tsk. Nakauniform na din-,- aga talaga.
"Oh Nathan? Aga mo naman yata magsi-six am palang ah" sabi ko at umupo sa tabi niya, ngumiti naman siya at nakipagbeso.
"Haha sinabi kasi ng Ate Nazi mo na maaga nagising dahil sa kagandahan niya, at pinapunta niya ako dito para sabay tayo pumasok" sabi niya :< kagandahan? Eh mukhang pasang awa yung mukha niya :<
"Ahh oh tara na" maligayang yaya ko sakanya, nginitian niya naman ako at pinauna akong lumabas sa bahay. Nang makalabas na kami, pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Alangang ako magbubukas-,- buti nalang gentleman etu
Habang nagdadrive siya ay ako naman kumakanta, ano?! Kahit hindi kagandahan boses ko kumakanta parin ako hihihi. Hanggang sa nakarating na kami sa school, sabay kaming pumasok sa gate ng school
Time Check: 6:18am
Maaga pa pero ang dami ng estudyante. Estudyanteng may mga frat-,- at ayun, nagrarambulan.
"Haay. Wag mo nalang tignan para hindi tayo madamay" bulong niya sa tenga ko, nakaramdam ako ng kiliti pero hindi ko pinakita yun.
Napatingin naman ako dahil may biglang sumigaw, sumigaw dahil sa sakit. At pamilyar yun saakin, yung boses-,- at nakita kong nakahandusay, at madaming sugat, at ang nakakagulat ay ng malaman ko kung sino yun.
Si.... BOY BLONDE HAIR JEREMY CHAREVEZ!
Bigla akong naglakad papunta dun at hindi inintindi ang sigaw ni Nathan. Pagdating ko dun ay nagkatinginan kami ni BBH ( Boy blonde hair ).
"Hey! Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa isa sa mga lalaking bumugbog kay BBH.
"At sino ka naman para magtanong?" sabi nung lalaking blue ang buhok at mukhang monggoloid-,-
YOU ARE READING
We're (M̶e̶a̶n̶t̶ T̶o̶ B̶e̶) Enemies
Novela JuvenilMay mga panahon talagang maguumpisa kayo sa away, at hindi mo nalang namamalayan na nahuhulog kana para sakanya, kadalasan din ay siya na ang nakatakda para sayo, pero paano kung ang immortal enemy mo pala ang nakatakda sayo? Kwento ng dalawang maku...