PROLOGUE

8.7K 49 16
                                    

Prologue

Nang mapadako ang paningin ko sa kapitbahay ko na si Craig na mag-isang nakatayo sa gilid ng daan, nabalot na talaga ako ng pagtataka. Naitanong ko sa aking sarili kung bakit wala ang magulang niya dahil sila ang larawan ng masayang pamilya. Dapat nandoon sila dahil siya ang valedictorian sa buong klase. 

Hawak hawak niya ang kanyang cellphone na para bang may kung ano siyang tinitingnan doon. Nakasuot siya ngayon ng polo shirt na white na tinirnohan ng jeans. Kahit bata pa siya'y kita kita na ang taglay nitong kuguwapohan na pinagkakaguluhan ng lahat. At hindi ako napapabilang doon. 

Hindi kami magkasundo ni Craig kahit ba magkapitbahay kami at magkaibigan ang kapwa namin magulang. Kasi kapag nakikita ko siya napupuno ako ng inis. Lalo lang akong nabuwibuwisit lalo na kapag inaasar niya ako. Ang lage niyang bukambibig ay ang daldal ko daw na hindi naman talaga totoo. Hindi ko nalang siya pinansin at inakay ko nalang si nanay patungo sa topakin naming lumang kotse. 

"Nay naman tumigil ka na sa pag-iyak." Hinapo-hapo ko ang likuran ng likod ng nanay ko. 

Iyak siya ng iyak kaninang magsimula ang closing ceremony at hanggang ngayon na natapos na ang graduation. Siguro tuwang tuwang siya na nakapagtapos ako sa elementarya kahit ba hindi ako nakakuha ng honor. Ikinatuwa ko naman na naroon siya sa tabi ko. 

"Hayaan mo na ako anak." Imbis na tumigil ay pinahid niya lang ang luha niya sa kanyang pisngi at patuloy parin sa pag-iyak. "Natutuwa lang talaga ako." Hindi ko alam kung bakit ang pakiramdam ko sa sinabi niya'y hindi totoo. Inignora ko na lamang iyon.  

Bakit ba ako nag-iisip ng ganoon. Siya ang nanay ko at kailanman ay hindi siya nagsisinungaling sa akin. Ito ang isa sa masayang araw sa buhay ko kaya nga para mas maramdaman ko na nakapagtapos talaga ako, suot ko nga parin ang puting toga na hiniram ni nanay sa kaibigan niyang mananahe. Naglakad ako na nakaakbay ang kamay ko sa kanyang balikat palabas ng school campus.  

Ang kinaiingitan ko lang ng araw na iyon ay ang mga magulang na kasama ang kanilang anak na palabas narin. Ang sarili ko kasing tatay ay hindi nakarating. Ang sabi nanay inatupag niya ang kanyang trabaho na may isang bayan ang layo kaysa sa graduation ng sarili niyang anak. 

Hinubad ko ang toga nang makarating kami sa lumang dilaw na kotse. Si nanay naman na hindi na rin umiiyak ay umikot at pumasok sa driver seat na tahimik lang. Wala ni isang salita siya sinabi sa pagpuwesto niya ng maigi sa harapan ng manibela. Pinukulan ko si Craig ng tingin bago ako pumasok ng kotse. Naroon pa rin siya kanyang kinatatayuan. Sa nakikita ko sa kanya'y malungkot siya ngayon na bihira ko makita na nagkakaganoon siya. 

Tahimik lang ako na naupo sa upuan katabi ni nanay nang pinaandar niya ang kotse. Napadaan kami sa kinatatayuan ni Craig at ako'y nakatingin sa kanya. Naroon pa rin iyong lungkot sa mukha niya. Bumuntong hininga siya ng malalim na nagpataas sa dalawa niyang balikat. Ang katulad niyang suplado at perpektong tao'y nakakaramdam rin pala ng lungkot. 

Nagkasalubong ang aming mga mata. Nahuli niya ako kung kaya't ibinalik ko nalang tingin ko sa harapan ng kotse. Ano naman kaya ang iisipin noon sa ginawa kong pagtitig ko sa kanya. Hindi bale nalang. Hindi naman importante iyon para sa akin. Napansin ko sa side mirror ang pagtigil ng mamahaling itim na kotse sa harapan ni Craig at pumasok siya doon. Pumaharorot ang itim na kotse at nilampasan kami.  

Habang nasa daan, bumalik sa alaala ko ang unang pagkikita namin ni Craig. Ikalimang taong kaarawan niya iyon at ako'y naimbitihan dahil magkapitbahay kami. Nang makita niya ako sa na kumakain sa isa sa mga mesa kalapit ng mesang kinauupuan niya sa gitna, bigla siyang nagalit at sinabihan niya ang kanyang magulang na palabasin ako. Siyempre hindi ko gusto iyong ginawa niya. Inimbitahan ako tapos pinahiya niya ako sa lahat ng tao. Doon nagsimula ang pagkainis ko sa kanya. 

Naputol ang pag-aalala ko sa mulling paghagulhol ni nanay habang nagdridrive. Nag-aalala na ako sa itsura niya na ganyan. Ngayon ko lang siya nakita na nagkakaganoon. "Nay, may problema ka ba?" 

"Wala naman anak, hayaan mo na ako. Masaya lang talaga ako para sa iyo." Ang naisagot niya sa akin na nakatutok ang lumuluhang mata sa kalsada. Hindi ko rin naman masyadong maintindihan ng murang isip ko ang nangyayari sa nanay ko. 

Hinayaan ko na lamang siya at tumingin sa labas nang tinahak na ng kotse ang coastal road. Medyo masama ang dagat at malakas ang alon na humahampas sa dalampasigan. Ang hapong araw naman ay hindi ko makita dahil sa tumatakip na maitim na ulap.  

Nakikita ko ang mabilis na paggandar ng kotse sa mga puno sa tabi ng daan. Napatingin ako sa nanay ko pabalik. Gigil siyang nagmamaneho. Ang paa niya'y malakas na nakatapak sa gas ng kotse.  

"Bagalan mo naman nay baka maaksidente tayo." Pasigaw kong sabi sa kanya na nakahawak sa dashboard ng kotse. Sira sira na ang kotse at posibleng mangyari talaga iyong sinabi ko. 

"Mas mabuti na ito anak." Napupuno ng luha ang kanyang mukha. Kumirot ang puso ko sa nakikita ko sa kanya. Nasasaktan ako na hindi ko alam ang dahilan. Bakit nga ba nagkaganoon ang nanay ko? 

"Nay, huwag niyo naman sabihin ang ganyan." Nakakatakot naman ang sinabi ni nanay. Nagsitayuan ang balahibo ko sa aking buong katawan. Pakirawari ko'y gusto niya ng tapusin ang buhay naming dalawa.  

"Kung hindi babalik ang tatay mo sa atin. Mabuti pang mamatay na tayong dalawa." Hindi ko talaga maintindihan si nanay. Bakit siya nagkakaganito. Ang kilala kong nanay ay matapang at malakas na hinaharap ang hamon ng buhay. Pero ng mga oras na iyon parang naging ibang tao siya. 

"Ano ba ang sinasabi mo nay? Hindi kita maunawaan." Lalo pa akong natakot ng pinaharurot pa niya ang kotse sa pataas na daan.  

"Nakipaghiwalay na ang tatay mo at sumama sa kanyang kabit." Ang sinigaw niya sa akin at lalo pa niyang tinapakan ang gas ng kotse. 

Hindi magagawa iyon ni tatay. Napakabait niyang ama at nakikita kong mahal nila ang isa't isa. Bakit ganoon? Ibig sabihin noon iyong mga iyak ni nanay ay hindi para sa pagtatapos ko kung di para sa pag-alis ng tatay ko. Bakit kaialangan niya pang magsinungaling. Napasigaw ako ng makarating sa tuktok ng daan ang kotse at dumiretso sa mataas na bangin. 

Ang lahat na tanong at pagtataka ay umalis sa akin. Ang naiwan nalang ay takot na bumalot sa buo kong katauhan. Ang dagat sa ibaba ay lumapit sa nguso ng kotse hanggang sa tuluyan ng bumagsak sa tubig. Dahil sa bulok na ang kotse, nabasag ang salamin niyon at pumasok agad ang tubig dagat habang lumulubog.  

Tiningnan ko ang nanay ko na walang malay sa kanyang kinauupuan. Ang buhok niyang kulay itim ay naglalaro sa tubig. May nakita akong mapula na nagmumula sa kanyang noo. Hindi ko gustong isipin na dugo iyon. Hinawakan ko siya sa kamay pero hindi siya gumagalaw. Pinilit ko siyang alisin sa kanyang kinauupuan pero hindi ko talaga siya maalis. 

Sa pagsara ng talukap ng aking mga mata'y naubusan ako ng hangin sa aking baga at sumakop ang kadiliman sa aking sarili. 

Fingers On Her Bra Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon