Kenjo's POV
Matagal na kaming magbestfriend ni Jessa halos hindi na nga kami mapaghiwalay kapag magkasama na kami dahil sa sobrang close namin kaya naman ngayong college na kami ay nagdesisyon kaming magkasama pa rin kami sa isang school at sa iisang bahay.
May tiwala naman ang mga magulang namin sa amin dahil matagal na siyang kilala ng pamilya ko at ganoon din naman siya sa akin. Lalaki ako. Ako nga pala si Kenjo Montejo, incoming first year student at 3 weeks nalang ay may pasok na kami. Si Jessa Mae Sandoval ang bestfriend ko. Makikita ko nanaman siya at makakasama nagbakasyon kasi siya sa probinsya nila sa Zambales kaya medyo lonely ako. Wag kayong maingay ha, my HD ako sa bestfriend ko sobrang talino niya kasi at maganda wait mabait pa pala as in siya yung ideal girl mo kaya naman di maikakaila na magkagusto ako sakanya. Hindi niya pa alam ang feelings ko dahil ayokong masira ang matagal na naming pinagsamahan.
Bigla namang nagbeep ang cellphone ko
_jessa_
besttttttffffrrrriend ! nakauwi na ako puntahan mo naman ako dito sa bahay daliii may pasalubong ako saiyo at tsaka namimiss na kita.^_^
+okkk... bestfriend miss na miss na din kita wait bihis lang ako....
Kaya naman nagmadali na akong mag ayos dahil ayokong naghihintay ng matagal ang prinsesa ko nakssss..
*tok tok tok*
Nang pagbuksan niya ako ng pinto ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit yung as in hindi na ako makahinga..
"bestfriend namiss kita sobra..ayaw mo kasing sumama doon eh edi sana nakapamasyal ka kasama ko"
"ayos lang yun bestfriend syempre family vacation niyo yun at wala din naman kasama sila mama sa bahay. namiss din kita sobra"
Ginantihan ko din siya ng yakap dahil talagang namiss namin ang isa't isa pagkatapos ng scene na yun ay pumasok na kami at binigay niya na saakin ang pasalubong ko at para kina mama.
Wala sila tita kaya ang ginawa lang namin buong maghapon ay kumain at magkwentuhan nanuod din pala kami ng horror movie at ang epic lang ng mukha niya takot na takot hahaha
Ng medyo maggagabi na ay nagpasya na akong umuwi kaya naman nagpaalam na ako sakanya dahil baka hinahanap na rin ako.
Lumipas ang 3 linggo at heto na kami sa school na pinili namin dahil pasukan na ngayong araw.
"good morning bestfriend sana madami tayong makilala na new friend nuh?" sabi niya sa akin
"bakit nagsasawa ka na ba sa akin?"
"syempre hindi ikaw kaya ang one and only bestfriend ko. wag ka ng magtampo"
"ay sus oo na sige na pasok na tayo baka malate pa tayo pumangit pa impression ng titser natin" kaya pumasok na kami parehas kami ng kinuhang course psychology.
Ilang buwan ang lumipas at masayang masaya siyang pumasok hindi katulad ng saya niya dati iba yung ngayon
"mukhang sobrang saya mo ngayon ah anong meron?"tanong ko sakanya
"kasi bestfriend nililigawan ako ng crush ko. grabe ang sweet niya ito nga oh binigyan niya akong chocolate. hati tayo dali bestfriend."
"ah busog pa ako eh. sige. congrats. tara na baka time na." bigla naman akong nawalan ng gana ng marinig ko yun masakit kasi ang taong minahal ko ng patago ng matagal ay may ibang gusto.
Kaya naman nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako pumasok. Nagsulat ako ng letter para sakanya. Nakasulat doon yung tunay kong nararamdaman para sakanya.Naisipan kong magtext sakanya dahil namimiss ko na siya.
+jessa- bestfriend ingat ka lagi ah...
Heto ako ngayon naglalakad papuntang tindahan nawawala ako sa sarili ko parang gustong ko nalang mamatay. hayyyy buhay kaya hindi ko na namalayan na patawid na pala ako at nasa gitna na ako ng kalsada ng biglang
*BBBBBBBBBBBEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPP*
At nawalan na ako ng malay. Siguro nga ito na ang huli kong araw. MAHAL NA MAHAL KITA JESSA MAE SANDOVAL.
Jessa's POV
Bigla kong nabitawan ang platong hawak ko kasabay nun ang pagring ng cellphone ko at nakaramdam ako ng kakaibang kaba kaya nagmadali akong damputin ang cellhone ko
+hello tita
-anak wala na si kenjo iniwan na niya tayo at may nakita kaming sulat sa may ilalim ng unan niya siguro ay para saiyo ito dahil nakalagay ang pangalan mo dito Pumunta ka ngayon dito sa hospital anak.
hindi na ako nakasagot kay tita dahil nabitawan ko na ang cellphone ko at para akong yelo na tumigas pero bumalik ako sa katinuan ng maalala kong pupunta pala ako sa hospital kaya nagmadali ako.
"Kenjooo!!!! gumising ka !! akala ko ba walang iwanan!!! kenjooo !! wag ka namang magbiro ng ganyan!" niyugyog ko siya pero wala na talaga wala na ang bestfriend ko.
Ilang araw ang lumipas na balisa ako dahil hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Kaya naman ngayon na ang huli kong masisilayan ang mukha ni Kenjo dahil ililibing na siya. Pagkatapos ng libing ay nagpaiwan muna ako dito dahil gusto kong mapag isa. Araw araw dala dala ko ang sulat ni Kenjo dahil ito nalang ang alaalang meron ako kaya naman ngayon ay bubuksan kona sa harap ng puntod niya.
Bestfriend, ang tagal na natin magkakilala no? 5 taon na tayong magbestfriend pero may takot pa rin dito sa puso ko. Alam mo ang sakit ng malaman kong nagpaligaw ka sa crush mo. Parang gusto ko nalang mawala dito sa mundo dahil ano pang kwenta ng buhay ko kung ang taong mahal ko ay may gustong iba. BESTFRIEND MAHAL KITA MAHAL NA MAHAL HIGIT PA SA INAAKALA MONG PAGMAMAHAL KO SAIYO MAHAL KITA SOBRA HIGIT PA SA PAGKAKAIBIGAN NATIN. NATAKOT AKONG AMININ DAHIL BAKA IWASAN MO AKO DAHIL AYOKO DIN MASIRA ANG PAGKAKAIBIGAN NATING MATAGAL NATING ININGATAN MAHAL KITA JESSA MAE SANDOVAL. MAG IINGAT KA PALAGI.
At doon na nga tuloy tuloy na tumulo ang luha ko. Ang tanga tanga ko bakit di ko napansin yun. Yinakap ko ng mahigpit ang picture niya at ang sulat niya.
"ANG TANGA TANGA KO DAHIL HINDI KO INAMIN SAYO NA MAHAL DIN KITA HIGIT PA SA ISANG BESTFRIEND. PERO KATULAD MO NATAKOT DIN AKO. MAAARING GUSTO KO NGA SIYA PERO IKAW ANG MAHAL KO KENJO."
**********************************************
Sana nagustuhan niyo po ang one shot tragic story ko.. thank you po sa pagbabasa. First one shot story ko po ito. Sana po suportahan niyo
TRUTH BEHIND OUR FEELING
written by:maeje_pinklover
BINABASA MO ANG
Truth behind our feelings (one shot)
Teen Fictionthis is a tragic story so kung ayaw niyo po ng tragic ay bye po:))