Chapter 3

58 6 0
                                    

Kapag gabi naman, nakakatext ko sya o kaya nakakatawagan. At ang pinag-uusapan namin, kung anu-ano lang. Isang gabi, bigla nya ako tinawagan. Syempre, sinagot ko naman agad.

"Hello Venus!" ako ang unang nagsalita.

"Hi bestfriend!" sagot nya.

"Ano? Bestfriend?" nagulat ako sa sinabi nya.

"Yah, bakit? Ayaw mo?"

"Syempre gusto," hindi ko sya kayang tanggihan.

"Kamusta bestfriend?" nagsimula ulit sya ng bagong pag-uusapan.

Nakarinig naman ako ng madaming nagtatawanan dun sa linya nya. Ewan ko ba kung bakit sila nagtatawanan. Sinagot ko muna yung tanong ni Venus, tapos ako naman ang nagtanong.

"Ok lang naman, bakit ba ang daming tumatawa dyan?" tanong ko sa kanya.

"Call center bestfriend ka daw kasi," sagot nya na parang naiinis.

"Ah, ay sya bukas ka na lang ulit tumawag. Baka maubos ang load mo," tinapos ko na yung usapan namin.

"Ah ok, bukas ulit. Ikaw naman tatawag ha," pumayag na din sya.

"Ok, bye bestfriend!" nag-byebye na ako sa kanya tapos in-end nya na yung call.

Hindi ko maintindihan yung sinabi nyang call center bestfriend. Anung connect nun? Saka hindi naman yun nakakatawa. Iniisip kong mabuti iyon. Siguro kaya may call center, kasi mahilig syang tumawag.

Sunod ko naman pinag-isipan yung naging bestfriends kami sa tawag. Ok na din yun, kasi maganda si Venus, mabait pa. Kaya naman ok na ok sakin na maging bestfriend sya.

Kinabukasan, nakita ko sya na nakatambay sa batibot. Lumapit ako sa kanya.

"Bestfriend, EMO ka yata ngayon," sabi ko habang nasa likod nya ako.

"Malungkot ako ngayon bestfriend," lumingon sya sakin. Hindi ko naman makita yung cute nyang ngiti kapag nakikita ko sya. Ngayon ko nga lang pala sya nakitang malungkot. Nasanay na kasi ako makitang lagi syang masaya.

"Bakit, ano bang nangyari?" tinanong ko naman kung bakit sya malungkot.

"Wala, wag mo nalang isipin yun," ayaw nyang sabihin sakin ang problema nya.

Tinabihan ko na lang sya, gusto kong samahan sya sa oras na kailangan nya ako at ngayon yun. Buti na lang at medyo matagal-tagal pa ang next subject ko kaya masasamahan ko sya ng medyo mtagal-tagal din. Ilang oras kaming nakatambay sa batibot na wala namang ginagawang iba kundi tumunganga at tumambay. Natapos na syang mag-senti kaya sabay na kaming pumunta sa building para sa klase namin. Ilang oras din ang nasayang, pero naging makabuluhan ang pagsasayang ng oras na iyon dahil sinamahan ko si Venus noong namomroblema sya.

Alam kong hindi magandang idahilan sa prof kung bakit ako late ng 30 minutes, pero masaya akong sayangin yung oras para damayan ang bestfriend ko.

Alam ko din na hindi ko naman sya natulungan sa problema nya pero nakatulong naman ako para pagaanin ang loob nya.

Para sakin, masaya na akong makatulong, lalo na kay Venus na hindi ko naman alam kung bakit problemado ngayong araw.

Bago umuwi, gusto ko muna syang kumustahin. Syempre ayaw ko naman yung uuwi ako nang hindi manlang makita kung kumusta na sya mula nung naghiwalay kami kanina dahil magkaiba kami ng klase. Hinanap ko sya kung saan-saan pero nakita ko nanaman sya sa batibot.

Tinanong ko sya kung nagugutom, gusto ko sana syang isama sa canteen para kumain. Sabi nya sasamahan nya na lang daw ako.

Pumunta kami sa canteen. Bumili ako 2 egg sandwich at 2 orange juice. Syempre nilibre ko sya, problemado eh. Mapasaya ko manlang sya. Wala na syang choice kundi tanggapin yung binigay ko. Pansin kong unti-unti na syang ngumingiti. Natuwa naman ako kasi kahit papano, napasaya ko sya.Pagkatapos kumain, tumambay muna kami sandali kung saan may mauungkutan. Tapos umuwi na kami.

Pagdating ko sa bahay, tinext ko sya at tinanong kung ok na sya. Kahit kelan talaga, sobrang tagal nyang magreply. Minsan nga, inaabot pa ng 10 -15 minutes bago ko pa malaman kung may load sya o hindi.

Tamad kasi yun magtext, minsan tawag pa ang ginagawa. After 11 minutes, nagreply si Venus. Sabi medyo ok na daw ang pakiramdam nya. Mabuti naman at ok na sya, hindi kasi ako sanay sa ganun. Kahit nung highschool pa ako, pinapasaya ko kapag may bestfriend kapag nalulungkot. Kaya naman naging habit ko na 'yon at nadala hanggang sa college. Napapansin ko na habang tumatagal, nagkakaroon ako ng crush sa kanya. Kahit ganon, ayoko aminin sa kanya. Nahihiya kasi ako sa kanya, tsaka baka mareject lang ako.

Ako naman, nang-rereject din pag minsan. Tinatapon ko sa basurahan na pang-plastic at yung iba naman ay para sa mga organic wastes. Nature-lover kasi ako, mahilig ako mag-alaga ng halaman at hayop.

At naniniwala ako na Earth dati angpinakamagandang planeta sunod sa Venus. Dahil nag-exist ang mga taong hindi marunong mag-appreciate, pumangit ang Earth.

Nagising ako ng 4 am, nakatulog pala ako kagabi habang katext ko si Venus. Lumabas ako ng bahay at nakita ko yung tinatawag nila na morning star. Ang ganda talaga, standout ang ganda ng Venus sa stars na nakapaligid dito. Naalala ko tuloy si Venus, sana ok na talaga sya.

------------------------------------------------

Guys, please Vote or leave a Comment to this chapter.

I am very appreciative to those who support this.

Arigato! Aishiteru Mina!:-)

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon