"Ahhhh!!!", napasigaw naman ako sa sobrang gulat nang may gumalaw sa may kamay ko. Cellphone ko lang pala, nag-vibrate kasi may nagtext.
Nagtext sakin si Venus at ang sabi, "WHO YOU!?"
Bakit sya nagtext ng parang hindi nya ako kilala eh katext ko lang sya kagabi? Tsaka, binura nya ba ang number ko!? Bakit? Hindi ko na lang sya nireplayan, baka mabadtrip lang ako lalo.
Sa klase, tinanong ko sya kung bakit sya nagtext ng "WHO YOU!?" Sabi nya nareformat daw kasi yung cellphone nya, kaya nabura lahat ng contacts nya. Sobrang kulit nya naman ngayon, kung ano-ano ang pinagsasasabi nya. Lalo pa nga akong natuwa dahil sa kakulitan nya. Namiss ko kasi kahapon kaya ok lang kahit medyo sobra na yung kakulitan ni Venus. Lumala pa nung kumakain na kami sa canteen. Nagpalibre pa ulit sya nung kinain namin kahapon. Syempre, ano ba naman ang magagawa ko kundi ilibre sya. Ang sarap talagang panuorin ng bestfriend ko. Kahit parang medyo madami syang gusto, enjoy na enjoy parin ako panuorin sya habang kumakain at pakinggan yung mga joke nya kahit medyo corny.
Siguro nga, crush ko na talaga sya. Yun bang gusto ko lagi syang kinakamusta, tapos masaya ako kapag kasama sya. Baka naman infatuation tong nararamdaman ko, kasi konting panahon ko lang sya nakikilala. Tsaka sa ngayon, kaibigan ang hinahanap ko. Baka naman naisip ko lang 'yon dahil sya lang ang kaibigan ko sa ngayon.
Habang nasa klase, tinanong niya ako kung gusto ko daw tumambay sa mall kasama sya tsaka mga bebe nya. Bebe kasi ang tawag nya sa mga kaibigan nyang babae.
"Baka naman nakakahiya," sabi ko.
"Ok lang yun, tsaka kasama mo naman ako!" pagpipilit nya sakin.
"Sige na nga," pumayag na din ako kahit alam kong baka lang ako ma-OP kasi puro babae ang mga kasama ko.
"Yehey! sige punta ka na lang samin mamayang 5:00 tutal wala na naman tayong klase mamaya," dapat ako ang natuwa dahil isasama nya ako mamaya pero bakit hindi ako excited? Nagtataka tuloy ako sa sarili ko kung bakit hindi ako excited para mamaya.
Nung 5:00 na, pumunta na ako kina Venus. Naabutan ko sya doon sa sala na kasama ang mga bebe nya. Nakakahiya siguro mamaya habang naglalakad kasi lima silang babae tapos ako lang ang lalake sa grupo. Nung nakita ako ni Venus, pinapasok nya ako at ipinakilala sa mga kasama nya. Pagkatapos magkwentuhan, umalis na kami at pumunta sa mall. Pagdating doon, naisip agad nila na manuod ng sine. Buti na lang pala at madami akong dinalang pera, mukhang mapapadami kasi ang gastos ko.
OP ako ngayon, awkward ang pakiramdam. Kasi nasa likod nila ako habang naglalakad papunta sa cinema. Buti nalang at tumigil si Venus at sinabayan ako sa paglalakad.
Tinanong ko naman sya kung bakit ako ang sinabayan nya.
"Syempre, ayokong ma-awkward ang bestfriend ko," sabay killer smile.;-)
"Haha, ang bait mo naman bestfriend!"
Nakarating na kami sa sinehan. Pumili sila ng movie na papanuorin. Showing ngayon yung movie na galing sa Wattpad, yung diary ng panget. Mukha namang maganda kaya yung ang pinili nila. Ang daya nga, ako yung pinapila para bumili ng ticket habang bumibili sila ng kakainin sa loob. Nagpabili lang ako sa kanila ng popcorn tapos pumasok na kami. Tumabi sya sakin nung umupo na kasi malapit nang ipalabas yung movie, syempre sya lang naman kasi ang ka-close ko samin na magkakasama eh. Habang nanunuod, tawa lang sya ng tawa. Kapag natatawa pala sya, nangingiliti sya!? Shet, Im not ready for this. Baka bigla nalang akong humagalpak ng tawa at nakakahiya sa mga kasama namin. Kasi naman bakit bigla na lang sya nangingiliti, naihi tuloy ako bigla. Kaya naman naputol ang pinapanuod ko at lumabas para jumingle. Huwag na kaya ako bumalik, pero nakakahiya naman sa mga kasama ko, baka isipin naman na nang-iiwan ako tapos magalit pag nakita ako paglabas nila. Kaya naman bumalik ako kahit alam kong kiliti lang ang aabutin ko. Sinasabi ko na nga ba at kiliti ang aabutan ko pagbalik at mas malala pa. Buti na lang at naubos na ang tubig sa gal bladder ko.
Ngayon naman ang kalaban ko, baka lumakas ang tawa ko. Nakakahiya, hindi ko naman sya mapigilan.
Pagkatapos manuod, pumunta sila sa food court para kumain. Hindi ako kumain, sinamahan ko na lang sila. Medyo busog pa kasi ako dun sa popcorn.
Umuwi na kami pagkatapos nilang kumain. Medyo nakakapagod din na sumunod ng sumunod sa kung saang gusto nilang puntahan. Walang magagawa, kasama kasi ako kaya no choice kundi ang samahan sila.
Pagdating ko sa bahay, tumawag sakin si Venus. Thank you daw kasi sinamahan ko sila. Sabi ko naman, "no probs, anything for my bestfriend."
"Ang bait mo talaga bestfriend," dagdag nya pa.
"Ano bang ginagawa mo ngayon?" pang-uusisa ko.
"Kumakain ng chocolate na binili natin kanina."
"Wag kang magkakalat ha, itapon mo ang balat nyan sa basurahan na biodegradable:-)," sabi ko sa kanya.
"Yeah, nature lover ka pala," sagot nya.
"Syempre, napunta kasi ako minsan sa bukid kaya nasanay na ako sa mga halaman at hayop."
"Haha, sige. May gagawin pa ako eh, bukas ulet," pagpapaalam nya.
" Sige bye, goodnight," nagpaalam na din ako.
Siguro sa mga susunod na pagkakataon, pwedeng-pwede ko nang aminin kay Venus ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero ngayon, hindi pa pwede. Hindi pa ako handa sa mangyayari kung sya ba ay sumagot at kung ano ang sagot nya sa pag-amin ko.
Kasi masaya na ako sa pagiging bestfriend. Nababantayan ko sya at naaalagaan kahit bestfriend lang ako.
------------------------------------------------
Sorry, medyo matagal bago yung update. Medyo busy kasi eh. Malapit na kasi ang mid-term, haha. Please leave a VOTE or COMMENT for this chapter.

BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Novela JuvenilDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.