Entry 4~ A day with my bff / Banat :">

80 7 0
                                    

SUNDAY. CHURCH WITH IVY :)

Hapon na. Mag-aayos nako. Magsisimba kami ngayon ni Ivy. Bonding time narin namin ngayon. Gusto kong mag-shopping ngayon. Medyo matagal nadin kaming hindi nakakapagbond ni Ivs. (pronounced as AYVS.

To: Ivy

Hoy bruha tapos nakong mag-ayos. Magtext ka nalang kapag papunta kana sa ministop ha? Mag-ingat ka bessy ah? Mwa.

Papunta nako ako sa meeting place namin si bessy. Sa ministop. Malapit kasi sa church yun. This day will be fun! :D

1 message received. From Ivy.

Bessy andito na ako. San kana?

To: Ivy

Malapit na ako. Bessy mag bonding tayo today. Kung okay lang? =)

From:Ivy

Suree bessy. Ingat ka.

Ayun, nagmeet naman kami ni bessy at papunta kami ng mall ngayon dail tapos na ang misa.

"Bessy gusto kong manuod ng movie!" sabi ko kay Ivy

"Magandang idea yan bessy. May gusto akong panuorin. Yung A very special love. Kay sarah at john lloyd?" sabi ni Ivy.

"Ayan nanaman tayo sa mga love story na yan eh. Comedy nalang pwede?" sabi ko

"Ihh bessy ganyan to. Next time ikaw pumili. Ako muna ngayon please?" with matching puppy eyes pa siya kaya napapayag niya ako.

"Bessy shopping muna tayo tapos kain tapos nuod. Ayos ba?" tanong ko.

"Oo naman bessy this is our day. :D" tuwang tuwa na sinabi ni Ivy.

Naglakadlakad kami sa mall at pumasok sa mga store. Bumili naman ako ng bagong blouse. Medyo nagsasawa nako sa mga damit ko eh. Lol haha.

"Bessy pano kaya kung magpagupit tayo? Magpa perm tayo. Yung kulot? Tapos magpa highlights tayo. Ihhhh bessy no?"pilit ni ivy.

"Bessy tagal kong inalagaan tong hairdu ko, tapos papakulot ko lang?" weird na pagsagot ko kay Ivy.

"Sige bessy ganyanan nalang no. Di mo nako mahal." sinapok ko naman siya. Hahahaha ang drama niya.

"Sige nanga! Pag nasira ang buhok ko magagalit ako sayo."

"Yey bessy! Salamat iloveyou!" tuwangtuwa na sabi ni bessy.

"Oo na sige na. Sa David salon ah? :D"

 "Sure bessy. Pero bago ang lahat kain muna tayo ah. Gutom na kasi si mr. tummy ko."

"Sige bessy kahit saan mo gusto. Treat ko. Tutal pinilit kita. :p" sabi ni bessy.

Kumain kami. Tapos nagpakulot at highlights. Parehas kami ng hair ni bessy  at ang cute naming dalawa para kaming magkapatid. ^u^

 (Picture ni Ace sa side -------------------------------------------->)

Tapos nanuod ng A very special love.

John Lloyd: Laida, I didn't ask you to love me.

Sarah Geronimo: Alam ko..

John Lloyd: Then don't make me feel as if I hasve to love you back. Dahil kahit bali-baligtarin mo ako ngayon, wala nakong ibibigay sayo. Maawa ka nga sa sarili mo, itigil mo na yan. Mapapagod ka lang. Mapapagod ka lang umasa. Mapapagod ka lang maghintay. Mapapagod ka lang na umasang mamahalin ka rin.

Sarah Geronimo: Kahit minsan.. Hindi ko naramdamang nakakapagod kang mahalin.. Ngayon lang..

Naiiyak naman ako sa scene na yon. Kawawa si Sarah T-T hindi ko ata makakaya kung saakin mangyayari yon. Na pakiramdam mo walang nagmamahal sayo. Awuuu. Drama mode nanaman ako.

Umuwi naman kami ni bessy pero naghiwalay na kami dahil tutal gabi na naman. Naglalakad lang ako dahil may ilaw pa naman sa subdivision at hindi naman delikado sa amin. Nakarating na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko nang may biglang nagtext.

BZZZT. BZZZT. (Vibration yan ng cellphone haha)

1 message received.

From: Dale.

Hi. Sorry sa istorbo :D Wala lang akong makausap. 

--

Whoa. Automatic na ba yung mga text ni Dale na nakakapagpangiti saakin? Hindi ko maintindihan. Pero parang ang gaan ng feeling. Haha. Nagreply ako.

Ako: Okay lang. Wala naman akong ginagawa. Kumusta ka naman?

Dale: Eto. Naiinip ako. Namiss ko yung nagsusungit saakin.

Ako: Sino naman yun? (Ehhh ako ata yun. Kilig much haha)

Dale: Si ano. Yung makulit. Si A.

Ako: Sino namang 'A'? (pakipot mode. gusto ko lang marinig mula sakanya. haha!)

Dale: Sino pa ba, edi si Aivee. (Ivy)

Ako: Ahhhhh... (Ang weird naman, bakit si Ivy? At bakit wrong spelling siya?)

Dale: Joke lang. Agad ka naman nagtampo. Shempre ikaw yon. Wala kasi akong iniinis eh.

Ako: Ikaw talaga! Palagi mo nalang ako niloloko. (KILIG!)

Dale: Kailan pa kita niloko? Naging tayo ba? Hahahaha joke lang Ace.

Ako: Loko talaga to.

Dale: Haha. Ace, tanga ka ba?

Ako: Hoy hindi ako tanga! 

Dale: Kasi, mamahalin kiTA-NGAyon at magpakailanman. :">

Ako: Ang baduy mo naman. (PERO GRABE KINILIG NAMAN AKO.

Dale: Oh eto seryoso. May ayaw ka ba sakin?

Ako: Wala naman bakit?

Dale: Edi ibig sabihin, May gusto ka sakin?! :"> 

Ako: Walanjo. Bakit ka ba bumabanat? Hahahaha.

Dale: Wala lang. Wala kasi akong alam sabihin. Sorry :)

Ako: Deh. Okay lang. Oh siya tulog na ako. Goddnight. Smile! :D

Dale: Osge, goodnight. :)

END of Conversation

--

Ano bang nangyari sa lalaking yon? Eh bakit nakakakilig siya? Wala akong ayaw sakanya, so it means may gusto ako sakanya? HAHAHAHAHA. Kalokohan talaga. Haha! Goodnight. tulog na ako with a smile on my face.. :">

Then you found me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon