Chapter 3 ~ Biyaya
Mia's POV:
"Anong result?"
Tanong ni Quira. Kakalabas ko pa lang ng banyo ng atat itong magtanong tungkol sa resulta. Namumutla ako dahil sa kaba at excitement na rin.
Hindi ko pa nakikita ang resulta.
Sabi kasi ni Hera kanina, sabay-sabay namin titignan. Mas exciting daw ang ganun. Syempre, gusto ko 'yung naisip niya kaya naexcite na rin ako.
"Sabay-sabay nga nating tignan 'diba? Hindi ka na naman yata nakikinig kanina 'e!"
Inis na sabi ni Hera kay Quira. Napakamot naman sa ulo si Quira at nagpeace sign.
"Teka, sigurado kang hindi mo sinilip Mia ha?"
Tumango-tango ako kay Hera. Iniabot ko sa kaniya ang supot at nandoon sa loob ang PT para hindi namin makita ang resulta. Maarte na kung maarte pero gusto namin na may thrill 'no!
"Tawagan muna natin ang mga boys dahil unfair namin para sa kanila kung wala silang kaalam-alam sa kalagayan ni Mia 'diba?" Napatango-tango kami sa sinabi ni Quira.
Pero kinakabahan ako.
"Asan na kayo mga pare?"
Boses lalaking tanong ni Hera na may halong biro sa kabilang linya. Si Quira dapat ang kakausap sa boys pero uneksena siya. Naka-loudspeaker kaya dinig na dinig namin ang pag-aasaran ng dalawang boys.
"Ano sabi? Ako ang kakausap!"
Sure akong si Quenos iyon. Nag-aagawan yata sila ng cellphone. Sa pagkakaalam ko, si Glen ang tinawagan namin.
Kung ganun, magkasama pala sila.
"Ayoko nga! Cellphone ko 'to at manahimik ka diyan!" Si Glen.
"Hey hey! Asan ba kayo? Ba't ang ingay?" Tanong ni Quira.
"Andito kami sa bar. Bakit ka ba napatawag?" Si Glen.
"Punta kayo dito sa apartment ni Mia. We need to talk about her situation." Si Hera.
"Anong nangyari sa kaniya?" Si Quenos naman ngayon ang nagtanong.
"Bilisan niyo. ASAP."
Binaba agad ni Hera ang linya. Tumingin muna siya sa supot na hawak-hawak niya bago bumuntong-hininga.
"Magluluto na muna ako para sa kakainin nila Quenos at Glen." Sabi ko sa kanila.
"No way! Baka mapagod ka!" Sigaw ni Quira.
"Hindi pa naman natin alam kung buntis nga ako kaya okay lang." Sagot ko.
"Sige na nga! Damihan mo 'ha at sarapan mo na rin! Gutom na ko!" Napailing na lang ako sa kaniya.
Malapit na ring mag-alas dose kaya minadali ko ang pagluluto. Saktong pagkalapag ko nang huling ulam na niluto ko sa mesa ay ang pagpasok ng dalawang boys.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...