Alam Ko

16 1 0
                                    

Probinsyana. Promdi. Banu. Inosente. Ilan lang 'yan sa mga tawag sa kagaya ko--namin na nakatira sa bundok.

Simple lang ang buhay namin. May maayos na tirahan, ilog ang paliguan, pagsasaka ang hanap-buhay, sanay sa arawan, mahirap ang buhay sa bundok pero masaya at maaliwalas. Luntian ang kapaligiran at kay presko ng hangin sa'min.

Nag-aaral ako sa isang mababang paaralan sa bayan ng San Louwis. Pampublikong eskwelahan pero maayos at natuturuan kami ng mga bagay na dapat naming matutunan.

Ang pangalan ko nga pala ay Lijelo. Bakasyon namin ngayon kaya libre ang bawat araw ko. Nasa bahay lang lagi at talagang madalang na lumabas.

Isang araw, may isang taong dumating sa buhay ko at tila sadya ko siyang makikilala para magbigay gulo sa tahimik kong mundo.

Siya si Book, taga syudad sa dakong Maynila. Nasa sa kaniya ang mga katangiang tipikal na nagugustuhan ng babae.

Dapit-hapon noon, ika unang araw ng Mayo. Dumating ang isang magarang sasakyan at sakay noon ang binatang si Book at may kasama rin siyang lalaking mga edad trenta pataas. Nalaman kong apo siya ng kapit-bahay naming si Lola Pini na may-ari ng dalawang palapag na bahay sa may unahan lang namin.

Kinaumagahan niyon ay umalis din ang ginoo dala ang kaniyang sasakyan pero ang binata ay naiwan.

Nang ipakilala siya sa'kin ni Lola Pini, nasabi niya rin sa'king narito lamang daw si Book upang magbakasyon pansamantala dahil nga sa walang pasok. Matanda lang siya sa'kin ng isang taon. Hindi siya arogante at hindi rin suplado gaya ng inaasahan ko. 'Yon kasi ang pagkakaalam ko tungkol sa kanila
pero 'yong totoo, ang sungit niya!

Nang minsa'y pinasamahan siya sa'kin ni Lola Pini patungong bayan ay wala akong nagawa kung hindi pagbigyan siya. Dahil na rin sa mabait si Lola Pini. Minsan na rin kasi kaming natulungan ng pamilya niya nung minsang naubusan ng binhing pananim na palay si Papa ay siya ang nagbigay sa'min ng puhunan.

Ang pagpuntang bayan ay sasakay pa ng dyip at mga isang oras na biyahe para makarating doon.

"PARAA!! MANONG PARAAA!!" Sigaw ko sa dyip na papadaan. Dito kasi may isang dyip lang na bumabiyahe sa isang araw. 'Isa sa mahirap kapag taga bundok ka. Minsan kailangan mo pang makipagsiksikan kung gusto mo talagang makarating sa bayan.

Tumigil naman ang dyip at inaya ko na si Book para sumakay. Mabuti na lang at may espasyo pa kaya nga lang ay siksikan na.

"Ang sikip namaannnnn..." Reklamong bulong niya kaya napatawa ako ng mahina. Hindi nga pala 'to sanay sa ganito. Pinagpapawisan na siya at gulo-gulo na ang may kahabaan niyang buhok, umaabot sa kaniyang batok at halos nga matakpan na ng bangs niya ang kaniyang buong noo. Pero...ang kyut niya pala talaga.

"Ganito talaga dito. Hehehehe." Bulong ko na lang pabalik.

"Psh." Saka siya nagbungtong hininga. "Bakit kasi ang layo ng bayan niyo eh..."

____     ____     ____     ____     ____     ____

"Lije! Yuhooo...labas ka diyan!! Lijeeeeee~"

Nagising ako sa ingay mula sa labas ng bahay namin. Si Mama naman ay hinahawi na ang mapusyaw na kurtinang nakatabing sa bintana. "Anak, kanina ka pa niyan pinapagising sa'kin ni Book. Ang sabi ko nga'y siya na ang gumising sa'yo, aba'y 'yan na nga't ngumangawa na sa labas." Natatawang sambit ni Mama.

"Anong kailangan niya daw sa'kin, Ma?"

"Magpapasama daw siya sayo diyan sa Sentro . Bilisan mo na't kanina pa 'yang batang 'yan naghihintay sa'yo."

Nagmadali akong lumabas at nakita siyang may bitbit na lalagyan ng sabon habang nakikipag-usap kay Papa na nagsisibak ng kahoy.

"Naaayyy, such a sleepy head." Iling niyang bungad sa'kin. "Tara, ligo muna tayo sa ilog..."

Alam KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon