Sunday..
Nagising ako at maliwanag na at tirik na ang araw nakita kong 7:30 na nang umaga.
Nag hilamos ako ng mukha at nag sipilyo.Bumaba ako at nakita ko na may note na naiwan galing kay mama.
-Heyy baby, maaga akong umalis dadating na si manang lora mamaya. Naka ready na ang food mo dyan. Nag iwan ako ng ilang dessert at may damit ako for you para yun ang susuotin mo mamaya sa simba niyo ni iverson. I love you ingat kayo ha :*
Napangiti naman ako.
Kumain na ako. Si manang lora ang kasambahay namin. At parte na siya ng family namin.
Naiwan ako mag isa sa bahay. Nag basa ako ng mga libro at ginawa na ang mga assignments ko. Bandang 9 ay dumating si manang lora dala ang gamit niya.
"Manangggg!!" masiglang bati ko sa kaniya at niyakap ko pa siya.
"Naku hija, galing ako sa initan dahil sa byahe." sabi nito.
" okay lang yun manang , kamusta po kayo? Masaya namanpo ba naging bakasyon niyo sa probinsya niyo?" tanong ko.
"Oo hija, malalaki na ang mga apo ko dun. May mga kaedaran ka dun at kinukuwentuhan ko sila tungkol sayo. Sabi nga nila ay gusto nila na makilala ka. " sabi ni manang.
Nag kuwentuhan pa kami ni manang. Kumain siya at nag pahinga matapos.
3:49pm tapos na akong gumayak. Maya maya lang ay dadating na si iverson kaya naman gumayak na ako.
Bumaba ako sa sala. At naabutan ko si iverson at si manang na nag kakamustahan at nag uusap.
"Gwapo ka pa din hijo ha. Wala ka pa din bang nobya sa edad mo na yan?" tanong ni manang na ikinagulat ni iverson..
"Haha! Manang kusa naman pong dadating yun.. " sabi niya.
"Nako manang wag kayo maniwala kay iverson, snobero kasi sa school kaya walang magustuhan." sabi ko.
"Ohh nandyan kana pala hija. Mag sisimba pala kayo mag iingat kayo ha." sabi ni manang.
"Mamaya maya pa kami aalis manang alasingko pa naman ang misa." sabi ni iverson.
"Ganun ba, maiwan ko muna kayo ha." sabi ni manang naiwan kami ni iverson sa sala.
"Hindi mo manlang ba ako pag m-miryendahin bree?" tanong niya.
"Kuha ka sa ref." sabi ko.
Natatawa na lang siyang tumayo at tumungo sa kusina namin kung saan nanduon ang ref.
Pag balik niya nagulat ako ng makitang hawak hawak niya ang starwaberry cake na bi-nake ko kahapon sa shop.
"Sino nag bake si tita ba?" tanong niya habang kumakain.
"N-no." sagot ko.
"Sino?" tanong niya.
"A-ako, ako nag bake niyan kahapon sa shop." sabi ko.
"Really? Lasang lasa na kqtulad ng kay tita. " sabi niya. Napangiti na lang ako.
"Ohh mag juice muna kayo." sabi ni manang na may dala dalang juice.
"Miryenda tayo manang" sabi ni iverson kay manang.
"Katatapos lang hijo." sagot ni manang.
Nag kuwentuhan lang kami ni iverson at saka umalis na.
Pag dating namin sa simbahan ay mag sisimula na ang misa.
Nakinig lamang kami.
May mga nakakita sa amin na kaklase namin. Ang iba ay nag 'AYIIEE' pa dahil mag kasama kami ni iverson.
Natapos ang misa at tumambay muna kami sa cave malapit sa simbahan.
"Nakapag bawas ka din ng kasalanan." sabi niya. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Wow ako pa daw baka naman Iverson" sabi ko na natatawa pa.
"Hay nako. Tara na nga lang sa 7-11 tambay tayo dun para may makain na din." sabi niya.
"Puro ka kain!" sabi ko.
Inakbayan na lang niya ako habang papunta sa kotse niya.
(7-11)
Siya na ang umorder at nag bayad sa counter. Syempre dahil mautak ako nag palibre ako sa kaniya. Haha!
"May pasok na naman bukas." sabi niya sa akin.
"Oo nga eh."sabi ko sa kaniya.
"By the way, 2 hours bake lang naman ang gagawin bukas, then 1 hour na break, tapos tuturuan lang tayo mag halo ng wine kaya exciting yun." sabi niya.
"Yeah, aishh, minadali ko pa naman kanina assignment ko nakalimutan ko na ganyan lang gagawin." sabi ko.
Nag kuwentuhan lang kami hanggang sa mapunta sa love life ang usapan.
"Bakit ba wala pa din nanliligaw sayo ha? Maganda ka naman,may pag ka maldita nga lang." biro niya.
"Kusa naman dadating yun ulol! Saka isa pa bakit ba ako ang tinatanong mo niyan ha. Ikaw bakit wala ka pa din girlfriend? Nililigawan wala din baka kaba ?" tanong ko sa kaniya.
"Oi! Anong bakla baka pakita ko pa sayo 6 pack abs ko! Saka etong mukha na toh magiging bakla! Letse reh." natatawang sabi niya.
"Haha apaka pikon mo joke lang naman eh pero seryoso bakit ba kasi wala ka pang nililigawan?" tanong ko.
"Wala lang." sabi niya.
Nakuwento sakin ng mommy niya na wala pa daw nagiging girl friend si iverson. Masyado daw seryoso sa pag aaral.
Nag kuwentuhan pa kami at umalis na. Hinatid niya ako sa bahay.
"Thanks sa libre at sa ride!" sabi ko.
"Your welcome, basta ikaw." sabi niya habang nakangiti.
Biglamg bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko maitatanggi na kinikilig ako.
"A-ahh l-late na for sure h-hinahanap kana ng mom mo b-bukas na lang g-goodnight" sabi ko hindi ko alam kung bakit nauutal ako.
"Sige good night din." sabi niya. Inalalayan niya akong lumabas at umalis din matapos nun..
Napangiti ako habang tinitignan kong makalayo ang kotse niya. Ng mawala na sa paningin ko yung kotse niya ay pumasok na ko sa loob.
"Ohh musta baby, nasan si iverson?" si mama
"Umuwi na po, sa friday daw po pala mag o-overnight siya dito." sabi ko kay mama.
"Ohh buti naman na m-miss ko na ang batang yun ah." sabi ni mama.
"By the way kumain kana ba?" tanong ni mama.
"Yes ma kumain na kami ni iverson treat niya. Eto pala ma, pinabibigay ni iverson." sabi ko kay mama.
Nag kuwentuhan kami at umakyat na din ako papunta sa kwarto ko.
Nag bihis ako at natulog matapos.
YOU ARE READING
Hiding Feelings
Roman pour Adolescents"Sa bawat saglit handang masaktan kahit hindi mo alam" -December avenue Ang hirap pag na fall ka sa isang tao, sa taong alam mo na agad na hindi ka niya magugustuhan kahit kelan. So all you need to do is to hide your feelings even it's hard. Wel...