Good morningggg MONDAY!! ( ̄3 ̄)
MASAYA akong bumangon naligo ako at nag bihis. Pababa pa lamang ako ng hagdan ng maamoy ko ang niluluto ni mama.
"Good morning ma." sabi ko at yumakap pa sa kaniya patalikod habang nag luluto siya.
"Ohh mukhang maganda ang gising ng anak ko ahh, good morning din anak. Maupo kana at malapit na 'tong matapos." sabi ni mama.
Naupo na ako. Nag lagay siya ng plato sa harap ko at nilagay sa lamesa ang bread, eggs, bacon, hotdog and also yung fried rice.
Kumuha ako ng bread at tig-isa ng bacon, egg at hotdog saka kumain.
"anong oras ka pala uuwi mamaya baby?" tanong ni mama habang kumakain kami.
"2 pm ma." sagot ko.
"Mag m-mall kami ni tita Vennie mo baka gusto mong sumama?" tanong ni mama.
Si tita vennie ang mommy ni iverson.
"Sure ma." sabi ko.
May sarili akong kotse pero si mama na ang nag hatid sakin sa school para daw iisang kotse na lang ang gagamitin namin mammayang hapon susunduin na lang din daw niya ako matapos ang klase.
"Ingat baby i'll call you later okay? See yah." sabi ni mama nang nasa tapat na kami ng school.
"Bye ma, ingat ka." sabi ko at bumaba na ng kotse. Umalis na din si mama matapos nun.
'ang bigtime talaga ni bria noh?'
'Sinabi mo pa nakaka inggit siya tapos kaibigan niya pa si iverson'
'Siya na my god. Maganda na, mayaman na pero di siya sexy well lamang pa din tayo'
'ano ba gurl baka marinig niya tayo!'
Kabi-kabilang bulungan ang narinig ko habang nag lalakad ako papunta sa room.
Oo mayaman ang family ko, Mayaman ang angkan ni mama at sa father side ko kaya nakapasok ako sa private school. Maganda daw ako sabi ng iba dahil kuhang kuha ko ang mukha ni mama. Maganda naman talaga ang lahi na meron si mama at papa. Kahit naman sila lolo at lola ( mom at dad ni papa) ay magaganda at gwapo pa din sa edad nila. Chubby ako. Oo, well masarap kumain eh ba't ba?!
^_^
Pumasok na ako sa room at naupo din aa upuan ko.
Napatingin ako sa upuan ni iverson na katabi ko lang. Wala pa siya 6:37 am pa lang 7am naman kasi nag sisimula ang klase.
Naupo ako at nag basa na lamang ng wattpad sa cellphone ko.
Nag dadatingan na ang mga iba kong kaklase pero wala pa din si iverson.
Napagpasyahan ko na mag tungo muna sa comfort room para mag ayos.
I'm on my way papunta sa C.R ay nahagip ng mata ko si iverson. Hindi siya mag isa may kasama siyang------- BABAE?!
6:40 pa lang sinundan ko muna sila at hindi na ako dumiretso sa C.R syempre hindi ako nag pakita baka kung ano ang isipin nila eh.
Huminto sila sa likod ng bldg. Nag tago naman ako sa puno malapit dun.
"Thank you for this iverson." sabi ng girl at ngiting ngiti kay iverson.
Nakita kong may hawak si ate girl na bulaklak at paperbag.
"Basta ikaw." sabi ni iverson.
"S-sinasagot na kita." sabi ni ate girl na siya namang kinagulat ko.
YOU ARE READING
Hiding Feelings
Fiksi Remaja"Sa bawat saglit handang masaktan kahit hindi mo alam" -December avenue Ang hirap pag na fall ka sa isang tao, sa taong alam mo na agad na hindi ka niya magugustuhan kahit kelan. So all you need to do is to hide your feelings even it's hard. Wel...