Bakit Hindi Nalang Ako?

16 1 0
                                    

"Bakit Hindi nalang Ako?"
Ni:Camille Malate
Kaibigan alam mo bang mahal kita?
Alam mo bang andaming nang effort ang aking nagawa?
Kaibigan? Andito lang naman ako diba?
Pero bakit may mahal kang iba?
Hindi ba pwedeng ako nalang?
Ako nalang ang diyan sa puso mo?
Pero bakit may hadlang?
Iba ang laman ng puso mo!
Andito lang naman ako
Pero bakit iba parin ang hanap mo?
Iba parin ang nilalaman ng puso mo
Kahit ako ang kasama mo?
Mahal kita aking kaibigan!
Pero bakit kahit anong gawin ko wala akong panama
Bakit hindi ko siya kayang matapatan?
May kulang paba?
Saan ako nagkulang aking sinta?
Sabihin mo! Meron ba?
O sadyang hindi mo lang makita?
Makita ang pagmamahal ko sayo ng sobra?
Araw-araw tayong nagkikita at nagkakasama
Pero bakit iba parin ang nasa isip mo?
Bakit hindi nalang ako?
Tutal kilala na rin naman natin ang isa't isa?
Matalik na magkaibigan rin naman tayo?
Bakit hindi nalang ako?
Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko?
At siya parin ang gusto mo?
Bakit ba ayaw mo saakin?
May mali ba saakin?
Bakit kahit aking sikapin
Ika'y hindi ko kayang abutin?
Samantalang abot kamay lang naman kita?
Ganoon kaba talaga kahirap abutin?
Na kahit gustuhin man kitang abutin ay hindi ko parin kaya?
Ganoon kana ba talaga kalayo kahit malapit kalang sakin?
Nasasaktan ako pag siya ang iyong bukambibig
Pero ano naman ang magagawa ng aking pag-ibig
Kung siya naman ang iyong iniibig?
Kaya walang laban ang aking pag ibig
Pag ika'y nangungulila sakanya
Ako ang iyong karamay at kasama
Ako ang umuukupa upang mabawasan ang iyong pangungulila
Ngunit ako parin sayo ay baliwala
Habang ako'y napapalapit lalo saiyo
Aking napapansin
Ang iyong tuluyang paglayo
Paglayo saakin ng hindi ko alam ang dahilan
Siguro nga hindi mo man alam ang aking nararamdaman
Na higit pa sa ating pagkakaibigan.
Hindi ko maiwasan
Na ako'y hindi masaktan
Sa iyong tuluyang paglayo
Ang aking mundo
Ay para ng gumuguho
Dahil tuluyan na nga akong binaliwala mo
Araw-araw ako'y nasasaktan
Ng hindi mo namamalayan
Araw-araw binabaliwala mo ako
At nadudurog durog ng pino ang ang aking puso
Bakit ba kasi hindi nalang ako?
Bakit kailangan  siya pa kaibigan ko?
Ano bang meron sakanya na wala ako?
Kailan ba ako'y magbago?
Siguro nga hindi tayo ang itinadhana,
Minsan man akong pinaglaruan ng tadhana
Ako parin ay patuloy na aasa
Na balang araw higit pa sa ating pag kakaibigan ang iyong sakin ay makikita
Mahal na mahal kita
Kahit na ako'y nasasaktan na,
Kahit na ika'y wala na
Ako parin at magmamahal sayo sobra
Kaya aking kaibigan
Hindi ako titigil
Kahit na minsan na ako'y pinagkaitan, Mahal
Tatandaan mo kahit anong mangyari ikaw parin ay aking mamahalin.

Unspoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon