♥ Kapit-Bahay, Kapit-Puso ♥

2.6K 104 78
                                    

A/N: hi.. grechelle.. ^__^ eto na yung hiling mo.. wahaha.. sana magustuhan mo.. salamat.. ^___^ short lang po.. :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Goodmorning, Chelle." bati sa akin ni Kevin, ang makulit na kapit-bahay namin.. Nagkasabay kasi kami paglabas sa paglabas sa gate ng mga bahay namin.. 

Si Kevin.. Ang lalaking walang araw na pinalampas sa pang-aasar sa akin.. Ang lalaking araw-araw sumisira ng mood ko.. But at the same time.. Nagpapasaya  at bumubuo ng araw ko.. 

Yes! Kevin.. The man I truly love.. Ang lalaking walang ginagawa kundi guluhin ang sistema ko.. Ang lalaking hindi nagpapatulog sa akin sa gabi sa kakaisip ko.. 

"Chelle, morning." nakangiting bati pa rin sa akin ni Kevin ng hindi ko pansinin ang una ngang pagbati.. 

"Walang maganda sa umaga kung ikaw ang bubungad sa akin." mataray na sabi ko na may kasama pang irap..

"To naman! Lagi ka siguro may buwanang dalaw noh? Taray eh." sabi niya sabay ngisi.. Heto na naman po kami.. Magsisimula na naman siya.. Inismiran ko lang.. Naglakad na ako patungo sa tambakan ng basura na malapit sa bahay namin,. upang itapon ang dala kong basura.. Maya-maya kasi ay daraan na ang magbabasaura.. 

Napansin ko na kasunod ko pala si Kevin.. "Bakit mo ako sinusundan?" nakapamewang na tanong ko ng humarap ako sa kanya.. 

"Oy, hindi ah." tanggi niya.. "Magtatapon din ako ng basura oh." sabi niya at itinaas ang dala niyang basura sabay kindat.. Hay nakow! Kikiligin na sana ako.. Kaso, napahiya lang ako.. Akala ko lang naman sinusundan niya ako eh.. Napailing na lang ako at muli siyang inirapan.. Naglakad na ulit ako pabalik ng bahay namin.. "Chelle!" tawag sa akin ni Kevin ng medyo nakalayo na ako sa kanya..

Nilingon ko siya.. Ay potek.. Kinindatan lang ulit ako.. Muli ko lang siyang inirapan at nagpatuloy sa paglalakad.. Pagdating ko sa bahay.. Agad akong nagtungo sa kwarto ko.. Dumapa sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko at impit na tumili.. 

"Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhh." pagpipigil ko sa tili ko.. Baka kasi marinig ako nina Mama.. "Kinidatan niya ako.. Waaaaaaaaaaaaaaahhhhhh." tili ko sa pagitan ng pagtatakip ng unan sa mukha ko.. Taas-baba pa ang mga binti sa sobrang kilig.. 

"Ahahahahaha." tawa ng kung sino mula sa labas ng binatana ko.. Paglingon ko.. Waaaaaaaaaaaaaahhhhh.. Shocked was understatement.. Si Kevin.. Nakaakyat sa puno at nakatunghay sa may bintana ng kwarto ko.. 

"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo dyan?" mataray na tanong ko ng bumangon ako sa kama at lapitan siya.. 

"Ahahahahaha." patuloy niya sa pagtawa.. "Kinikilig ka nuh?" tanong niya sa pagitan ng pagtawa niya.. 

"H-hindi ah." waaaaaahhh.. Bakit bigla ako nautal? Nag-iwas din ako ng tingin..

"Kinikilig ka ih." panunudyo pa niya.. "Kindatan ulit kita." sabi niya at sunud-sunod na kumindat.. 

"Heh! Magtigil ka nga!" nakow! Maha-high blood ako sa lalaking 'to..  

"Ahahahaha. Crush mo ako nuh?" pang-aasar pa niya.. Nag-init ang pisngi ko.. Waaahhhh.. Nakakaloka talaga 'tong lalaki na 'to.. "Ahahahaha. Crush mo nga ako. Namumula ka na ih." sabi niya..

"Ang yabang mo!" singhal ko.. "Hindi kita crush noh. Tsura mo!" sigaw ko kahit halos magkalapit lang naman kami..

♥ Kapit-Bahay, Kapit-Puso ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon