HANGGANG DITO NALANG (One Shot)
'Memories are just memories' ika nga nila. Di ko alam kung matatawa ako dahil parang sa quotes na yun. Sobrang relate na relate ako. Ang hirap na sa tuwing mag-iisa ako bigla bigla nalang may susulpot na isang masayang alaala sa isip ko.
Pagkarating ko ng Pilipinas, walang pahinga pahingang naglibot ako sa hometown ko, kung saan ako tumino at kung saan ako natutong magmahal.
Una kong pinuntahan ang dati kong sa school ang Ferrer Academy. Dito sa lugar na ito ako pinakamaraming memories na kahit ayaw ko ng alalahanin ay hindi ko maitatangging gustung-gusto kong balikan.
Pumunta ako sa dati kong room syempre, ang III-Diamond
FLASHBACK...
"Oyy ano na Frish, kelan mo ba ako sasagutin? Ha! Tagal tagal ko na sayong nanliligaw di mo pa ako sinasagot. Kainis ka naman eh" sabi ng walang hiyang Maxriel na'to
"Kelan mo ako niligawan, sapakin kaya kita dyan" sabi ko
"Ayan ka na naman sa mga line mo eh 'sapakin kita dyan'" panggagaya niya sakin
"Bahala ka dyan, talagang hindi kita sasagutin. Bleeeh :P" sabi ko sa kanya. Sa totoo lang gusto ko rin naman siya eh, tinetest ko lang siya kung talagang seryoso siya saken. 3 years na nga siyang nanliligaw sakin. Syempre hindi naman ako manhid para hindi ko maappreciate yung effort niya para lang ligawan ako.
"Talaga, kelan? kelan? Anong date?" masayang sabi niya
"Lapit ka? Ibubulong ko sayo" sabi ko tsaka niya naman nilapit yung tenga niya sakin.
"ASA KA PA! Hahahahaha" bulong ko sa kanya sabay tawa ng malakas, yung mukha niya parang binagsakan ng lupa.
End of Flashback
Hahahaha! Simpleng pangyayari pero ang saya paring balikan. Nakakamiss rin pala yung Maxriel na yun. Bwiset yun.
Naalala ko pa yung time na pinagselos niya ako. Lintek yun, akala niya hindi epektibo sakin. Pero tang'na ang sarap sapakin nung hayup na yun eh.
Flashback...
Naglalakad ako sa corridor nung time na yun kasi galing akong comfort room. Nakita ko siyang may hawak na bunch of flowers at may chocolate pa, tapos nakita kong inabot niya kay Maxshin.
Pwede ba kitang ligawan?
Ano ulit? Paki-ulit?
Pwede ba kitang ligawan?
Pwede ba kitang ligawan?
Pwede ba kitang ligawan?
Tang'na. Kapal din pala ng apog niya eh. Nililigawan niya ko tapos may nililigawan rin pala siyang iba. Lintek tong lalaking toh ah, ang landi.
"Paki-ulit? Tama ba yung narinig ko?" tanong ko sa kanya ng nakataas ang kilay. Agad naman siyang napalingon sakin at nabigla.
"F-frish? A-anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya sakin.
"Tingin mo? Diba daanan toh malamang dadaan ako. Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Nanliligaw? Sino siya ba? Ha? Ano magsalita ka." sunud-sunod na tanong ko sa kanya
"F-frish, mali ang iniisip mo." sabi niya
"Shut Up! Tang*na, gagawin mo pa akong tanga eh rinig na rinig ko naman. Na nanliligaw ka sa mukhang kambing na yan. Siya ba?" pasigaw na sabi ko sa kanya
"Frish are you jealous?" tanong niya sakin ng nakangisi
"HELL NO! ASA KA PA!" sigaw ko
"You sound jealous, don't deny it?" tanong niya