Chapter 4: Lefted

206 4 3
                                    

          Bago kami umuwi ni Jeo naglakad lakad muna kami matapos magtrabaho...pumunta kami sa isang playground wala naman masama kung maging isip bata kahit paminsan minsan eh. ^__^

"Sana habang buhay nalang akong bata no? para walang problema..malaya...walang obligasyon"

"Pinapatawa mo ko! eh muka ka naman talagang bata! as in para kang bata!" pang aasar ni Jeo.

"Bata ka diyan!!!! 19 na kaya ako!" bulaslas ko.

"Oo nga pala...dumaan ang kaarawan mo na parang ordinaryong arraw lang...ayaw mo nun hindi ka tumatanda?"

"Sana nga talagang hindi na ko tumatanda...sana kaya kong hilain pabalik yung oras..."sagot ko.

"Imposible naman...mahirap na ngang maghabol ng oras ibalik pa kaya?"

"Jeo...paano lang ha? paano kung binigyan ako ng pagkakataon na ibalik yung oras sa tingin mo ba magagawa kong pigilan si Mark? kung maibabalik ko siguro ang oras makakagawa ako ng paraan para hindi na umalis si Mark...para hindi niya na ko iwan?"

"Si Mark nanaman..."

"Ha?"

"Ah...ang sabi ko...ang hirap naman ng pinagagawa mo kay Mark..."

"Eh hindi naman si Mark ang gagawa...kung di ako...tingin ko kasi ako yung may pag kukulang kaya nawala saakin si Mark...kasalanan ko..."

"Hay nako! hanggang ngayon pa din ba sinisisi mo ang sarili mo sa pagkawala ni Mark? Setong , kapag oras na ng tao wala ka ng magagawa..."

"Pasensiya na...miss na miss ko na kasi si Mark...."

JEO's POV: nararamdaman ko na nalulungkot si Setong sa mga oras na ito....ayokong nakikita siya na nagkakaganito...kailangan makaisip ako ng paraan para mapasaya ko siya.

"Setong...tumayo ka nga diyan!" kumuha ko ng labingwalong gumamela sa di kalayuan at agad naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa swing.

"Oh para saan naman yan?"usisa ni Setong.

"Halika dali" sabi ko tapos kinuha ko yung mga kamay niya na para bang sasayaw kami sa isang debut.

"Jeo...anu ba tong ginagawa natin? hindi naman ako magaling sumayaw! lakas trip mo!" sabi ni Setong.

"Sa ngayon 18 gumamela muna.....pag nagkapera ako bibilan kita ng rosess hindi lang 18 madaming madami pa naisip ko kasi na dumaan na ang debut mo pero hindi ko man lang naalala"

"Jeo...aanin ko naman yun? wag na...gumamela lang solve na ko"

"Talaga? eh solve ka na ba saakin? kasi ako ang first dance mo....2nd dance...3rd 4th..." natawa ko sa sinasabi ko hindi ba awkward?

"Jeo talaga! Oo naman solve na solve na ko sayo! 18 in 1 san ka pa!" sagot ni Setong nagtawanan kami.

"Alam mo Jeo...gusto kong magpasalamat kasi kahit anung mangyari hindi mo ko iniiwan...tapos lagi mo pa akong pinapasaya sobrang thankful ako na maging bestfriend ka" dagdag pa niya.

             BESTFRIEND...tama muntik ko na palang makalimutan...yun nga pala ang turing saakin ni Celestine...kung sa bagay hindi niya naman alam kasi duwag ako para sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko....ang totoo kasi niyan bago niya pa makilala si Mark mahal na mahal ko na siya...

"Oy Jeo! narinig mo ba ko? ang sabi ko salamat!"

"Ah...wala yun! ikaw pa! lakas mo saakin eh"

"Hmm Jeo paano kung mag partime tindera din ako? para naman may kita man lang ako pocket money ganun eh para hindi lang trabaho ko sa restaurant diba? malay mo kung magiging regular na ko dun tapos pasahudin na ko ng malaki oh diba? makakapag aral na ko next year ng di umaasa kay mama"

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon