" UNLOCKED "
ERIKKA / ADMIN AMBI
" HYACINTH PUNCH!!! "
Erikka : Anong!?!?..
SHRRRKK!!!
Erikka : Aaargghh!!
Bill Jaw : Hahahahaha!
Hinampas ng mga Higanteng Dahon si Erikka.
Bill Jaw : Hanggang saan ka dadalhin ng Pagiging Matibay mo!!?! HAHH!!!
Erikka : Iigghh!! ... ( " Kungdi lang dahil sa Bihag niya si Admin Ambi. Kanina ka pa Patay sa 'kin! " )
Bill Jaw : Mukhang nag-aaksaya na lang ako sa'yo ng Oras, Lobo! Sigurado maganda na lang kung Patayin ko itong Mahal mong Guro sa harapan mo! Hehehe
Erikka : Huwag!!!
Bill Jaw : Pasensyahan na lang sa'yo Mahal na Guro! Nagkaroon ka ng Walang Silbing Mag-aaral. Hehehe!!!
Dito ay inumpisahan ng unti-unting sakalin ng Baging ni Bill Jaw si Admin Ambi.
Admin Ambi : Akkhh! Kakkhh!! Kahh!!
Erikka : EOMMAAAA!!!
Bill Jaw : Hehehe!!! Kawawang Bata! Wala man lang magawa na mamamatay sa kanyang harapan ang kanyang Pinakamamahal na Guro!
Admin Ambi : Arrkkhhh!!...Erikkakkhh!!..Huwag mong...Akkhh..Sisi...Kakkhh!
Erikka : Eommaaaa! Hayop ka---Huh!?... Ano yun!?
Bill Jaw : Ano yan? Desperado ka na? Papalingunin mo 'ko sa Likod pero ang Totoo Aatakihin mo ako sakaling malingat lang ak----
THADOOMMM!!!
May kung anong Tumama kay Bill Jaw na kinabagsak nito at ang pagkakataon na rin para mabitawan si Admin Ambi.
Erikka : Eomma!
TACH!
Maswerteng nasalo niya si Admin Ambi sa tiyak na pagkakahulog.
Admin Ambi : Uhuggh! Uhugghh! Uhuugghh! Uhuugg!! Ahakkhh!
Erikka : Eomma! Eomma! Kumusta po!?!.. Patawad po at hindi ko po kayo natulungan.
Admin Ambi : Iiigghh..Ayos lang ako, Anak! Wala kang dapat alalahanin. Alam kong mahirap para sa'yo ang Desisyon na yun...Teka, Ano nga palang nangyari?
Erikka : Hindi ko po alam. Basta po may nakita na lang akong Isang Bagay na Pabulusok sa Kalaban at ito na nga po ang nangyari.
Samantala...
" Whooo!! Muntik na yun ah! "
Si Mayee pala ang bumulusok na yon, na kasamang bumagsak ang isang Pterodactilla na umatake sa kanya na namatay pagkatapos ng pagbulusok.
Erikka : Huh!?
Mayee : Hm? Um?? Hmm??... Hi! Hihihi
Admin Ambi : S-Sino ka iha?..
Mayee : Ah..Ako ba?.. Ako si Mayee ng Lapiz Laoille
Admin Ambi : La-Lapiz Laoille? Napakalayong Bayan yun mula dito ah!?..
Erikka : Siguro nagkaproblema ang sinasakyan nila kaya nahulog siya?..
Mayee : Naku! Naku! Hindi! Dito talaga ang Sadya namin! Kaya lang nagkaproblema ako sa Pagbaba. Hehe! Medyo Lampa Hihi..
