Boys-23

384 6 0
                                    

Seth's POV.

Nakakabakla man para sa iba ang umiyak pero pucha nasasaktan ako tuwing na aalala ko kung bakit ayaw ko sa kapatid ko. Siguro iniisip ni katreng kung bakit ako umiiyak dahil sa loob ng 18 years ko siyang nakasama naipakita ko sa kanyang masaya ako at sa iba ko pang kaibigan?! Pero ang totoo mahina ako pag dating sa pamilya ko lalo na sa kapatid ko'ng si mara. Pinipilit ko namang maging OK sa kanya pero hindi ko talaga magawa dahil nauuna yung galit at inis!

"bakit hindi mo subukang sabihin sakin? seth hindi mo lang ako pinsan kaibigan mo din ako'ng masasandalan at ayokong nakikita kang nahihirapan ayoko nakikita kang umiiyak hindi ako sanay na mahina ka! sanay ako yung palagi kang masaya, sabihin mo sakin makikinig lang ako iintindihin kita lalo na kung  iniisip mo'ng hindi kita maiintindihan" katreng

SIGH. Tama seth hindi mo lang siya pinsan, kaibigan mo siya

"pasensya na kung nakikita mo kong ganito ngayon pero dahil naman kay mara kung bakit ganito ako eh.."

7 years simula nung magalit ako kay mara at grade 4 kame nun. Tanda ko pa nung grade 1 kame at ate pa ang tawag ko sa kanya! Nakita ko kase siya noon na binilhan ng papa ko ng bagong laruan kaya kinausap ko siya, date nag kakausap pa kame at masaya pa kame nun bilang mag kapatid

Flashback.

Grade 1

Nasa kwarto ako nun ng marinig ko ang sasakyan ni papa, dali-dali akong bumaba para ipakita sa kanya ang dalawang star na nakuha ko kanina sa math subject namin.

"papaaaa!" sigaw ko

Madali ako'ng tumakbo kay papa na nakahanda ang dalawang braso sakin para yumakap

"kamusta hugh? ang gwapo naman ng anak ko"

Aniya papa sabay gulo sa kulot ko'ng buhok. Natawa ako sa pag lalambing ni papa

"papa look oh nakakuha ako ng dalawang stars ang galing po diba?" masayang sabi ko

"ang galing naman ng baby boy ko" papa. Sabay baba sakin sa pag kaka-buhat

Nakangiti naman ako'ng sumusunod kay papa hanggang sa makita kong papunta siya sa kwarto ni ate mara. Bahagya ako'ng sumilip at nakita ko kung pano yakapin ni papa si ate sabay abot ng bagong laruan.

Dahan-dahan ako'ng lumapit sa kanila ng nakangiti.

"wow ate ang ganda naman ng bagong toy mo?"

"oo nga eh bigay ni papa" mara

"osige iwan ko muna kayo ha aalis muna si papa" papa

Tumango lang ako dito at yumakap sa mga binti nito hanggang sa guluhin ulit nito ang buhok ko. Nang makalabas si papa ay agad ako'ng humarap kay ate

"ate bakit may bago kang toy? tapos ako wala?"

"ha? bakit naman? nagulat nga ako eh may bago na naman ako'ng laruan galing kay papa" mara

Nung una iniisip ko kung bakit siya may bagong toy hanggang sa mag kibit balikat ako. Pero bago ako  lumabas ng kwarto niya lumapit pa ko sa kanya para yakapin ito.

"siguro naisip lang ni papa na baka sad ka kase wala ka ng daddy kase nasa heaven na kaya binilhan ka niya ng toy? diba ate?"

Pero hindi niya ko sinagot bagkus ngumiti lang ito sakin at hinalikan ako sa noo.

End of flashback.

"akala ko nung una ok lang sakin na siya lang yung laging bilhan ni papa ng laruan, pero habang tumatagal parang nag iiba? parang mas priority ni papa si mara?!"

One of the Boys ( KathNiel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon