Ang Tunay Na Pagkatao Ni Jodee

149 3 0
                                    

(Jhon's P.O.V)

Inaakyat ko ngayon ang malaking gate ng simbahan habang iniisip ko pa din ang nangyari kanina. Kung pano nagawa ni Jodee na patayin ang apat na aso ng walang kahirap-hirap, samantalang kaninang paalis pa lang kami sa mercury ay takot na takot sya. Pero ngayon iba na ang ikinikilos nya.

Pagkatawid ko sa malaking gate ay sumunod naman si Jodee at eksaktong pagkapasok nya ay may nagsalita mula sa likuran namin.

"Sino kayo?" tanong ng isang may edad na lalake, siguro nasa 40 na sya na naka black leather jacket ay may bit-bit na shotgun na nakatutok sa amin.

"Bat di kayo magsalita? Sumagot kayo!" pasigaw na nagtanong sa amin.

"Sino po sila kuya Rico?" isang babae naman na ka-edad namin ang bumungad mula sa likuran nung matandang lalake na Rico ang pangalan.

"Ah ako nga pala si Jodee." pakilala ni Jodee na nakangiti pa.

"Melissa wag ka lumapit sa kanila. Hindi tayo sigurado kung kakampi ba sila." saway sa kanya nung Rico.

"Kuya Rico ano ka ba naman. Isang maling galaw lang nila mato-todas sila ni Jerry at Kim." sabay tingin sa taas ng kampana na may dalawang sniper.

"Salamat kaninaaaaaaa!" sigaw ni Jodee

"Hoy ano bang ginagawa mo? Wag ka ngang sumigaw jan baka bigla tayong barilin ni tanda." saway ko naman kay Jodee pero ngumiti lang sya.

"Sige na po kuya Rico papasukin na po natin sila." sabi ni Melissa kay tanda. Medyo naiinis kase ako sa kanya e kaya tatawagin ko syang tanda.

Dinala nila kami sa loob at pinakilala kami sa iba pa nilang mga kasamahan.

"Nagpapasok pa talaga kayo. Alam nyo namang tama lang sa atin ang pagkain."

"May dala kami wag kang mag-alala." mataray na sagot ni Jodee

"So ano balak nyo?" mataray na tanong naman nung babae na nakapuyod ang buhok.

"Tama na nga yan Alexx. Malamang andito sila para magtago." sagot naman ni Melissa

"Melissa asan si Matt? Pakisabe tapos na naming ayusin ang mga sasakyan. Pwede na itong gamitin sa paghahanap ng mga survivors. Mas matibay pa ito sa inaasahan nyo. Kinapalan namin ang ding-ding." -sabi ng isa nilang kasama

"Jacob?! " - napatingin kaming lahat kay Jodee ng tawagin nya ang lalake.

"A-ate Jodee?!" -sagot naman nung lalake

"Magkakilala kayo Jodee?" -tanong ko sa kanya.

Lumapit si Jodee kay Jacob at niyakap nya ito. Umiiyak si Jacob habang magkayakap sila. Ilang sandali pa ay kumawala na si Jodee sa pagkakayakap kay Jacob.

"Ano mo sya Jodee?" -tanong ko pero hindi nya ako pinansin

"Buti nakaligtas ka Jacob. Hinanap kita dun sa building dahil bigla kang nawala." -sabi ni Jodee

"Pero ate hinimatay po tayo pareho nung may biglang m na usok mula sa aircon. At nagising nalang po ako sa isang stock room." -sagot naman ni Jacob

Kaming lahat na naandun maliban sa dalawa ay hindi sila maintindihan hanggang sa ipaliwanag nila ito sa amin.

Si Jodee at Jacob pala ay para ng magkapatid. Pareho silang mga wala ng mommy at ang daddy naman nila ay magkasama sa trabaho bilang scientist. At sabi pa nila ay marahil ang daddy ni Jacob ang may gawa ng kaguluhang ito sa pamamagitan ng pag imbento nung virus. (Yung dad nga pala ni Jacob ay stepfather nya lang.)

"Okay tapos na ang reunion." -biglang putol ni tanda sa pagmo-moment ng dalawa.

"Mamaya na kayo mag-usap dalawa at kakain na."

Masaya kaming kumakain lahat. Parang normal lang. Si Jodee naman at si Melissa ay nag-uusap. Masaya silang nag-uusap.Pagkatapos naming kumain ay lumabas ako ng simbahan at sumunod naman si tandang Rico saken.

"Anong ginagawa mo dito?" -tanong ko kay tanda.

"Hmmm ako ang magbabantay ngayon."

"Samahan na kita."

"Wag na. Don nalang kayo sa loob."

Panay tanggi ni tanda pero hindi ako pumayag kaya't wala na syang nagawa. Nag usap lang kami at napag-alaman kong may pamilya sya pero hindi na nya alam kung asan na ang mga ito ngayon dahil nagkahiwalay sila nung tinatakasan nila ang mga zombies. Napaluha ako kase naalala ko ang nanay ko. Nung hindi pa nag-umpisa ang delubyong to nagpaalam ako sa nanay ko na maghahanap ako ng pera para makabili ng gamot nya. 68 years old na ang nanay at may sakit sya kaya sa tuwing naaalala ko sya kahit sabi nila badboy ako ay napapaiyak pa rin ako.

"Sana ok lang ang nanay."-bulong ko

"Maiba ako. Astig yung kasama mong si Jodee ah. Ano mo sya?"-biglang tanong sakin ni Kuya Rico. Kuya Rico na ang tawag ko kasi medyo ok na rin kami. At naaawa ako sa kanya.

"Nagtataka rin ako e. Yung dating matatakutin ay naging palaban na ngayon at hindi lang basta palaban dahil hinarap nya mag isa ang mga asong zombie kanina. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Araw Ng Mga PatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon