Boys-24

381 7 0
                                    

Kath's POV.

Kahit pinsan ko si seth at mara ngayon ko lang nalaman yung side nila. Yung kay seth alam ko na pero pano naman yung kay mara? Akala ko dati tungkol lang sa mag kaiba sila ng papa pero may iba pa palang dahilan.

"sorry seth, all this years ang alam ko lang kaya ayaw mo kay mara dahil mag kaiba kayo ng papa pero yun pala mas may malalim pa palang dahilan. Siguro kung maaga ko lang nalaman baka nagawan ko pa ng paraan, natulungan pa kita. Alam mo naman kung gano ka kaimportante sakin diba?"

Ngumiti lang ito sakin saglit at tsaka ginulo ang buhok ko.

"haaays ikaw talaga hindi mo naman kailangan gawin yun away namin yun away pamilya yun! Ayokong nadadamay ka" seth

"pero pamilya mo naman din ako diba?!" *pout

"HAHAHA ang panget katreng huwag kang mag pout hindi bagay"

Bahagya ko itong hinampas sa braso na kinatawa naman niya.

"nakakainis ka talaga iyakin ka naman haha-"

"HOOOY ano'ng ginagawa niyo diyan mag pinsan kayo ha?!" katsumi

Unang tumayo si seth sabay abot ng kamay nito sakin para alalayan ako'ng tumayo. Pinagpagan nito ang pantalon niya at ganun din ang ginawa ko sa palda ko, sumilip ako saglit at nakita ang barkada na tila kanina pa nag hahanap samin.

"ano'ng trip yan?!" daniel

"wala ka'ng pakialam!! una na ko!"

Badtrip siya mamaya pag tripan na naman ako nun eh, paalis na sana ako ng hilahin ni lester ang kamay ko? Ngumiti lang ako dito at tiningnan ng Ano-yun-Look?

"saan ka pupunta? may klase na" lester

"ah diyan lang hahanapin si juls"

"what? close kayo?? why?" mara

Nakita ko si mara na umirap sakin pero nag kibit balikat lang ako

"tss" seth

"ah oo medyo haha sige una na ko guys"

Lumakad na ko palayo sa kanila para hanapin si julia kailangan ko makausap yung babaeng yun kung ano meron sa kanila ng pinsan ko, Siguro next time na lang si mara mas mabuti kung huli ko na siyang kakausapin.

-

"saan ba pwede pumunta yun?"

Kanina ko pa nauli ang campus pero mukhang wala si julia. Bago pa ko mawalan ng pag asa eh nilibot ko uli ang tingin ko sa buong paligid hanggang sa may mapansin ako'ng babaeng nakaupo at nakalay-lay ang paa sa taas ng rooftop.

"OMG JULIAAAA!"

Hala ka?! ano'ng trip nun konting  kibot lang niya pwede na siyang malag-lag dun. Mabilis pa kay flash na tinakbo ko ang kabilang building para lang mapuntahan si julia!

Pag karating na pag karating ko ay niyakap ko agad si julia kahit hingal na hingal ako.

"woooh b-besty nam-an!"

"besty? ano'ng nangyari bakit haggard ka?" julia

Sa sobrang inis ko hindi ko napigilang batukan to,

"sira kaba? pinakaba mo kaya ako tapos aasarin mo lang ako?! ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo at nakaupo kapa diyan? hindi mo ba alam na sa konting galaw mo lang diyan pwede ka ng malag-lag mula dito hanggang dun sa baba ng building?!"

"besty?" julia

Dahan-dahan ito'ng lumapit sakin at niyakap ako, kahit papano nawala yung kaba ko grabe parang kanina lang halos gusto na lumabas nung puso ko sa sobrang inis!

"sorry hindi ko naman alam na mag aalala ka, tsaka nag papahangin lang ako"

Ngumiti lang ako dito gayun din ang ginawa niya. Inaya niya ko'ng umupo nung una ayaw ko dahil baka malag-lag pa kame pero nung sinabi niyang safe yun eh pumayag din ako.

"bakit mo ba ko hinanap?" julia

Matagal bago ko siya sinagot dahil pinag mamasdan ko ang mga estudyanteng nakikita ko mula dito sa taas. Nakakatuwa silang panuorin para silang mga langgam na busy sa ginagawa nila

"about sainyo ni mara? ng pinsan ko?"

Tumawa pa ito sakin pero halata mo namang sarcastic yun lalo na nung makita ko siyang umirap sa hangin. Inayos nito ang buhok niya dahil sa sobrang lakas ng hangin dito sa taas, Tumingin ito sakin at tsaka ngumiti

"sabihin na nating bestfriend ko siya dun sa france pero nabago yun nung ipag kumpara kame sa  isa't-isa"

"huh?" hindi ko gets -.-

"mahabang kwento.."

"bakit hindi mo ikwento?"

Bumuntong hininga lang ito, may inilabas siya sa bulsa ng skirt niya at tiningnan yun. Nakita ko ang isang litrato na silang dalawa mismo ng pinsan ko, kung titingnan mo dun sobrang saya nila pareho

"nag simula yun nung pumunta ako sa paris para dun mag aral ng college diba? dahil nga fashion industry ang gusto ko? at dun ko nakilala si mara" julia

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang siya parang binabalikan ang masasayang araw nila ng pinsan ko dati.

One of the Boys ( KathNiel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon