Nag break sila ng ex-girlfriend niya dahil sa walang kwentang bagay. Ngayon si guy gumagawa parin ng effort kahit wala na sila ng ex-gf niya Para mapatunayan niyang sincere siya at seryoso siya kay girl. Siya yung tipo ng lalaki na handang umintindi sa anumang bagay. Marunong siya rumespeto at gumalang ng isang babae. Naawa nga ako kay guy e. Gumagawa siya ng effort pero si girl binabaliwala na lang siya. Alam mo yung sobrang bitter niya. Kahit papaano naman minahal nila ang isa't-isa kahit hindi perpekto ang pagmamahalan nila. Ngayon dahil moved on na si girl at si guy ay umaasa parin na magkakabalikan sila. Pero nakakafeel parin na may feelings parin si girl kay guy. Ngayon si guy gumawa siya ng bonggang surpresa kay girl. Sobrang effort ito. Pumunta si guy sa school ng ex niya kasabwat ang friends niya Binigyan ni guy ng mga cards ang friends ni girl na nakalagay na "L-A-S-T-C-H-A-N-C-E" Nakasabay ni girl si guy na may hawak ng bouquet ng flowers sa elevator. wala silang imik.. at nung palabas na ng elevator si girl andun din ang mga friends niya na may hawak na cards.. Lumuhod si guy at sinabi: "Babe bigyan mo pa ako ng chance please. Itatama ko ang lahat ng pagkakamali ko. (teary eyes) Girl: "Naappreciate ko ito. Alam mo naman mahal kita kita. Mahal na mahal Pero, wala na akong nararamdaman para sa iyo. At mayroon na rin ako napupusuan. Pasensya na"
Ang sakit diba nun. Tangina lang. :(( Sobrang effort nabaliwala pa. At nang in rel na si girl sa new bf niya. Si guy ganun pa rin. Umiiyak, laging iniisip si girl. Konti nalang ang mga lalaking ganyan. Grabe lang. :(( Siguro after 7 or 8months napagdesisyon na niya na mag move on na din. Wala na siya feelings para kay girl as in wala na. Yung feeling na sobrang sikat si guy sa campus niyo tapos ginanun lang siya ng ex niya. Actually tingin ko sa guy perpekto na e. Saludo ako kay guy. Na, kahit wala na sila ng girlfriend niya hindi siya sumuko. Alam naman natin na maraming nagpapakatanga sa pag-ibig. Hindi kasi utak ang ginagamit pag nagmamahal. Puso lang talaga. Etong si girl at new bf niya lagi na nagaaway, walang tiwala sa isa't-isa. Akala ni girl yung ex niya parehas sila ng new bf niya. At narealize ni girl mas better si ex. Shempre diba. Nag break sila ng ex niya dahil lang sa walang kwentang bagay at hindi pagkakaintindihan. At sinabi pa ni girl sa ex niya na hindi deserve ag love na binibigay niya para kay guy. Sakit nun :( Masaya na si guy. Masaya siya dahil andiyan ang mga kaibigan niyang handa siya intindihin, pangitiin. Kontento na siya. Si girl naman gusto na niya bumalik sa ex niya. Sobra siya nanghinayang sa ex niya dahil wala na siyang makikitang lalaki na katulad niya na handa siyang intindihin kahit sobrang busy siya, nirerespeto at iginagalang siya at higit sa lahat napaka sweet ni guy sa kanya. Sana maging okay na si girl. Pero sobrang natuwa ako kay guy. Sana meron pang lalaking katulad niya.
