Kabanata 12

53 4 1
                                    

Kabanata 12

Homesick

Napatingin ako kay Lola na hindi na pala nakikinig sa amin ngayon dahil may kausap na kasambahay bago bumaling ulit kay Alexis na ganoon parin ang posisyon.

Kung papansinin ay nasa lebel siya ng kagwapuhan ni Chico. Mukhang palangiti pero ang mas nakapagpamukhang bata sa kaniya ay ang buhok niyang kakaiba ang kulay. 

And to think of it. I'm not into these usual type of guys.

I really never had any preferences back then. Hindi ko rin alam kung paanong sa lahat ng lalaki ay si Sandro pa ang nakakuha ng atensyon ko. Maaring nagustuhan ko sa lalaki iyong tingin palang ay nakapanglalambot na nang hindi ko namamalayan.

There's just something in Sandro's eyes that is still a mystery up until now. And I'm only one of the many who drowned myself into it.

Snap out of it Lyrae! He just admitted that he's a Samaniego!

Nadagdagan ang gitla sa noo ko. Is it possible that he's related to Sandro?

"What's with the face?" aniya at humalakhak na mas nakapagpasingkit sa mga mata niya.

Sometimes I'd like to think that he's retarded but then I'll realize that I'm too harsh to him.

This is what jealousy gets you sometimes eh?

I licked my lower lip before I fired him questions. "May kilala ka bang Sandro? Are you somehow related to him?" His lips slowly parted. Gulat sa mga tanong ko.

Naguguluhan niya akong tinitigan ng mabuti and that's when I noticed that his eyes is not the expressive as Sandro's. Kahit ang kay Caley at kay Aly ay hindi ko mahinuhang may pagkakapareho sa kaniya.

Isang bagay na halatang pagkakapareho ng mga Samaniego.

Masasabi kong nakakaintimidate ang mga mata ng pamilya nila. Even their air, at itong nasa harapan ko? Ni katiting walang bahid ng mga Samaniego na kilala at alam ko.

Maybe I'm just assuming things? After all hindi lang naman sila ang may gano'ng apelyido dito sa pinas.

At isa pa, lahat ng kamaganak nila Sandro ay matagal nang dumito sa pinas. Sa pagkakatanda ko, si Alexis ay matagal na sa ibang bansa lumaki at nanirahan. Kaya talagang imposible ang naiisip ko.

How stupid of you Lyrae.

Umiling ako bago ibinalik ang tingin sa plato pero tumikhim siya kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya.

Saglit siyang nag isip bago umangat ang gilid ng labi at umiling. "I don't know anyone named Sandro," I sighed in relief.

Atleast a confirmation from him is enough right? I should believe him? But why does a part of me shouts that I should not...

Tinanguan ko nalang siya, still torn if I should believe him or not, at tumingin na kay Lola na tapos na sa pakikipag usap sa kasambahay.

"So? Alexis, How's your province?" ani nito with her usual lovely smile. Ngumuso ako at tinignan ang pagkaing nilapag ni Meredith, one of the housekeepers.

I eyed her and saw that she's blushing habang pasulyap-sulyap sa gawi ni Alexis. Napailing nalang ako at sumandok na ng kanin.

I, too, can't deny that Alexis is already a good looking man of his age.

Hindi nga lang masyadong pansin na mas matanda siya sa 'kin dahil sa baby face niyang mukha dagdag pa ang blonde niyang buhok at aura niya na light lang na mas nakapagpabata sa kaniya tignan kung ikukumpara sa aura ni Sandro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon