Simula
Dimos Matthaios's P. O. V
"Mommy! Mommy! Wait!" tawag ko kay Mommy habang pilit ko siyang hinahabol tanglaw ang dilim ng gabi. Kasabay ng pagsigaw ko ang sunod-sunod na pagkulog ng langit at lalo pang pagbuhos ng ulan. Tila ba'y may buhay at sumasabay sa pagtangis ko. Mommy don't leave me, Please!
Halos di ko na siya makita dahil sa bawat liko ay pulos naglalakihang puno ang tumatakip. Di ko inalintanan ang malakas na buhos ng ulan sa akin mukha pati ang takot sa dilim. Kanina pa kami tumatakbo dito sa gitna ng kagubatan. Nanlalamig na ang basang katawan. Nagpalingalinga ako sa kadiliman nang di ko na makita si Mommy.
"Mommy! Please don't leave me! Where are you?!" malakas na sigaw ko at halos pangapusan ako ng hininga. Isang hikbi ang lumabas sa aking bibig sa takot na naiwala ko siya. Sa nanlalabong mga mata ay pilit ko pa ring sinuyod ang daan na tinahak nya. Pinunasan ko ng aking maliliit na kamay ang luhang pilit ko mang pigilan ay mas lalong pumatak. Luha't ulan ang nagkalat na sa aking pisngi. Isang liko ay nakita ko ang kinang ng itim na buhok ni Mommy na sadyang umaangat sa dilim.
"Mommy!" tinakbo ko't hinabol siya.
Di ko na mabilang kung ilang oras na kaming tumatakbo. Kanina'y makailang beses akong nadapa dahil sa mga nakausling malalaking ugat ng puno. Alam ko ring puno na ng sugat ang aking binti't braso. Pati nga siguro ang aking mukha dahil sa pagtama ng mga sanga ng mga halaman na aking nadaanan. Ngunit wala akong pakialam sa mga ito. Dahil alam kong kapag mahabol ko't makita ni Mommy itong mga sugat ay siya mismo ang gagamot dito.
Napakislot at mariin akong napapikit kasabay ang pagtakip sa tainga nang isang malakas na kidlat kasunod ng kulog ang dumagundong dito sa gubat. Halos mayanig ang buong kapaligiran kasunod ang tunog ng nagambalang gubat-hayop. Kasabay nito ang malakas na pagdagundong ng aking puso. Lakas loob kong binaliwala at pinagpatulo'y ang pagtakbo.
"Wait! Mommy! Mommmy!!" isang mahabang sigaw ang ginawa ko, nagmamakaawa. Kanina ko pa siya tinatawag pero ayaw niya akong lingunin. Ayaw kong huminto kahit nananakit na ang maliliit kong mga paa. Ngunit ni anino niya ay 'di ko na makita, napaiyak ako ng tuluyan.
"Mommy! Mommy! Mommy!" habol-hiningang tawag ko ulit sa kanya.
"M-mommy.." paulit-ulit kong bigkas sa pangalan niya sa nanginginig na boses. Ang hikbi ay naging hagulhol nang kahit anino niya'y di ko na talaga makita. Tuluyan ko na siyang naiwala. Takot ang lumukob sa buo kong pagkatao. Takot na di ko na siya makita ulit at makasamang muli. Takot na mawawala na naman ulit siya sa amin.
Ni bakas niya'y di ko matanaw. Ramdam ko ngayon ang panghihina't sakit sa patpatin at maliit kong katawan. Lalo na sa maliliit kong mga paa. Nanlalambo't pati kalamnan. Di ko alam kong ano ang aking gagawin ngayon. Sinubukan ko uling hagilapin siya, nagbabakasaling makita aking dulo ng kaniyang buhok. Ayaw magpasuko sa nararamdaman, sinubukan kong iapak ang mga paa habang iniikot ang mga mata.
Nanlaki ang mga mata nang isang malalim na ungol galing sa mabangis na hayop ang narinig ko. Sa sobrang linaw, alam kong malapit lang iyon sakin. Ang dati nang malakas na pagtibok ng puso ay mas lalo pang lumakas. Dahan-dahan ako sa lahat ng galaw. Nakikiramdam. Kahit walang makita sa dilim ay sinubukan ko namang linawan ang pandinig. Kahit halos malakas na tibok ng puso ko ang nangingibabaw.
Isa pa uling malakas at malinaw na ungol ang narinig ko galing sa likod. Mas malakas sa una. Di ko namalayang pigil na pala ang aking hininga. Kasabay ang malakas na ulan ay naging ambon. Sa naginginig na binti'y unti-unti kong inikot ang sarili. Sa pagtalikod ay wala akong nakita kundi dilim. Dilim na sa bawat paglipas ng sigundo ay nadadapuan ng sinag ng buwan. Sa may dulong parte ay nanatiling madilim. Ang sinag ng buwan ay di makalagpas sa mga dahon nagtatayugang puno. Napakislot ako nang may gumalaw sa likod ng mga dahon.
BINABASA MO ANG
Red Hair
General FictionMontenegro. Just my last name, the power it holds, and every girls flocks and kisses my feet. Lumaking pinaluluguran ng lahat. Sunod sa layaw at kalukuhan. Ni walang gustong sumuway at malilintikan sa akin. I have everything. Money, power, perfect f...