Si Ayah nalang ang sinabayan ko pauwi paano ba naman ni hindi man lang nag paalam saakin si Setong! bakit naman sumama yun sa crown prince? kung sabagay wala naman siyang choice...nakakatampo tuloy nag aalala na din ako baka kung anong mangyari sa kanya ano kayang sasabihin ko sa tiyahin niya?
"Sabi saakin ni Setong highschool palang kayo close na talaga kayo"
"Ah...talaga na kwento niya yun?"
"Hmm naitanung ko lang kasi ang cute niyo kasing tignan"
"Madami din nag sabi niyan saamin"
"Kayo ba?"
"A-ano????"
"Bakit ka nag blu-blush?"
"A-ako??? hindi...hindi naging kami"
"Talaga?" usisa ni Ayah
"Oo...walang namamagitan saamin sa totoo lang magkaibigan lang talaga kami...hanggang dun lang yun"
"Hanggang dun lang yun? hmm"
"Ah..."
"Tingin ko kasi higit pa doon ang nararamdaman mo sa kanya...sa totoo lang kanina naramdaman ko na naiinis ka sa nangyari"
"Eh sino naman hindi maiinis eh ano naman kaya ang sasabihin ko sa pamilya ni Setong paano pag may masamang ngyari sa kanya? normal lang na mag alala ang isang kaibigan"
"Eh bakit nagagalit ka?"
"Ah...hindi...hindi ako galit"
"Pasensiya ka na saakin"
"Okay lang Ayah...saan ka umuuwi? hatid na kita"
"Wag na diyan lang naman yun eh"
"Hatid na kita....nasanay kasi ako kay Setong na hindi kaagad dumederetsyo sa bahay eh madalas tumambay muna kami kung saan....kagaya sa playground"
"Edi tumambay muna tayo"
"Okay lang ba sayo?"
"Oo naman"
"Alam mo ba minsan parang bata yan si Setong gustong gusto niya na tinutulak ko siya sa swing tapos mag slide pa yun!"
"Talaga? nakakatuwa naman pala siya"
"Palangiti siya pero ang totoo napaka lungkot ng buhay ni Celestine"
"Ganun ba...muka ngang may pinoproblema siya mdalas kasi siyang lutang eh"
"Bata pa lang si Setong ng iwanan siya ng ama niya...sumakabilang bahay ika nga, yung mama niya nag abroad at nag kapamilya sa iba din kaya si Setong lumaki sa Lola niya pero hindi naman tumagal ang lola niya...pinalad ang mama niya sa ibang bansa at yumaman nakapag aral si Setong sa mga universidad kung saan nakakapag aral ang mga anak ng mayayaman...prinsipe at prinsesa hanggang sa nakilala niya si Mark...ayaw kasi ng mama ni setong kay Mark masyado pa daw bata si Setong...mahal nila ang isa't isa ipinaglaban ni Setong si Mark sa mama niya kaya naman nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nila ng mama niya hindi na pinag aral si Setong at hinabilin sa tita Ellyn niya na muka naman pera"
"Ganun ba...eh bakit kasi ayaw ng mama ni Setong kay Mark? masama ba ang ugali ni mark?"
"Siga ng campus si Mark...mataas ang standards ng mama ni Setong akala niya siguro basta basta si Mark eh may kaya din naman..hindi gaya ko na scholar lang natanggalan pa."
"J-jeo?"
"Ah...I mean hindi naman talaga magkasundo si Setong at ang mama niya kaya ganun sila..."
"Eh nasaan na si Mark?"
"Matagal ng patay si Mark"
"Ikinalulungkot ko..."
BINABASA MO ANG
Searching the Casanova's Prince
Teen FictionNot everything will stay, Even some memories will fade away. But you are the one who will choose your way. It's either facing the nightmare of the past or accepting the present and move forward. Indeed, everything is hard... But the search is not ov...