MOT One Shot Story

18 1 0
                                    


"Minsan , Magigising ka nalang sa katotohanang hindi mo akalaing ganun pala talaga. "

Elise POV

Bakit kaya ganun ? May mga tao kang makikilala at bandang huli mauuwi sa dating parang wala lang, parang walang pinagsamahan.

Bakit kailangan pang kilalanin mo siya kung alam mo din namang bandang huli iiwan at iiwan ka niya.

Bakit kung sino pa yung taong ayaw mong mawala ay siya din ang kusang lalayo sayo.

Pero  isa lang ang sagot sa mga tanong ko. Kung bakit, Ano , at Paano.

Kung bakit ? Suguro dahil aalisin ni god ang isang bagay lalo na't nakakasakit ito satin.

Kung Ano ? Kung ano pa yung gusto natin ay hindi natin makukuha ng madalian , Kasi gusto ni god deserve natin ang bagay na ibibigay niya.

Kung paano ? Paano kung ok naman lahat kaso biglang bumagsak , biglang naghanap ng iba , bigla kang iniwan ? Edi Finish na.

Kung May iba na siya , Pabayaan mo. Ang Pagmamahal ay hindi digmaan. Ang pagmamahal ay kalayaan at hindi ipinaglalaban.
Ito kasi yung meron tayo , Meron tayo kaya hindi na dapat pang ipaglaban. Kontento na.

Mahirap kasi yung , Ipinaglalaban mo pa pero siya suko na.
Ipinaglalaban mo siya pero siya pala , sa umpisa palang ayaw na niya.
Ipinaglalahan mo siya pero ikaw nalang pala tong lumalaban.
At ang pinakamasakit ?

Ang Ipaglaban mo siya kahit na alam mong may mahal na siyang iba.

Ang Haba ng introduction ko , puro kakornihan. Magpapakilala na nga lang ako.  Ako si Elise Salvador. 2nd year college Fine Arts.  Yeah , I'm an artist.

Luch Break namin tapos heto ako nag iisip habang umiinom ng lemon juice. Favorite ko to , Share ko lang. Bat nga ba kasi usong uso ngayon ang skl , sml ? at hakdog. Kaloka. Parang tong kinakain ko hakdog.

" Hi " Napatingin ako sa harap ko ng may magsalita. Sino ba to ? May alien putek. Bigla biglang sumusulpot , gwapong kabuteng alien.

i just look at him and smile a little bit. Kaloka to , Matangkad naman siya. I think nasa 5'9 " siya. Mapungay na mga mata , Kissable lips , Matangos ilong , Medyo kahawig niya si jungkook.

Oh My Ghad Jungkook my labs charoott ang landi ko putek. Kalma lang , gwapo lang siya.

" What ? " Tanong niya ng mapansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya.
" You look Familiar " i said.
" Ah , yah. I'm Kristof , Edward's friend — your cousin. You're Elise right? " - Kristof kuno.
Oo nga noh ! Siya yun , siya yung lalaking naghila sakin noon nung  nakita ko si Harry na may kahalikang iba. Kung sino si Harry ? Siya lang naman ang magaling kong ex . Putek siya!

" You. " Utal kong bangit sa kanya.
" Yah , Yung humila sayo para lang hindi ka makita ng ex mo ? "  sinamaan ko siya ng tingin.
" so what ! " Pagtataray ko sa kanya.
" Haha , It's been 2 years at hindi ka pa din nakakamove on. " Seryoso siyang nakatingin sakin.
" Yeah , you're right haha. Kasalan ko ba ey nagmahal lang naman ako. " Sagot ko sa kanya kahit hindi naman siya nagtanong. Kumunot ang noo niya at napangiti nalang ako ng mapait haha. Adik ako , Nagma-milo ako tuwing gabi.

" Seryoso ? , Uso mag move on " Natatawa niyang sabi. Aba't

" Wait lang ah? Kung makapagsalita ka parang di ko alam yun! Pakyo ka , Nagmomove - on ako talagang di ko pa makalimutan ! " Sigaw ko sa kanya. Kala niya dyan , duh.

Natawa lang siya sa inakto ko at
" Haha adik , Wag mong sayangin yung oras mo na iisip isipin mo lang ang nakaraan niyo." Sagot niya sakin

" Hala , kung makapagsalita! Bakit ikaw nasaktan ka na ba? " Singhal ko sa kanya.

" Oo , Mahal ko siya kaso may mahal naman siyang iba. 4 years ko na siyang kilala pero dalawang beses ko lang siya nakausap. " Ngiting aso niyang sagot.

" ay weh ? tapos " tanong ko.
" Ayun , inaantay ko lang siyang tanggapin ang katotohanan at bigyan ng pagkakataong sumaya. ow yah " With matching pukpok pa sa lamesa ang ginawa niya sabay dab. Napatawa tuloy ako.

" Alam mo ba , Noong unang kita ko dun wala akong pake sa kanya. Mukha din naman siyang walang pake ei. Pero nung nakita ko kung pano siya nag-alala sa mga pinsan niya. Nashock ako , as in. Kasi Sa mukhang yun , may care pa. " Natatawa niyang kwento , ako naman napapatawa din kasi mukha siyang babae kung magkwento may pa-eme eme pang nalalaman haha.

" Tapos ano nangyari ? " Natatawa kong tanong.

" Ayun , kapag pumupunta ako sa bahay ng pinsan niya lagi ko siyang naabutang tulog sa sofa ng pinsan niya. Para siyang lalaki  kung matulog tapos nung one time na nag-ingay yung pinsan niya binato niya ng unan. Hindi man lang kami napansin haha. Astig niya nga ey " Tuwang tuwa niyang kwento.

" Edi nagkagirlfriend ka na ? " Natanong ko  lang , sa itsura nyang yan at sa ugali niya sino ba namang hindi magkakagusto.

" wala pa , NGSB ako. " Proud niyang sagot sakin.

" Hahaha Weh ? pakyo  hahaha " Natatawa kong sabi sa kanya. Yan napakyo tuloy kita haha.

" Hahaha oo nga , kahit tanong mo pa kay edward. " Sabi niya.
" di na hahaha , Mukha ka namang totoo ey kaya paniniwalaan muna kita sa ngayon " sagot ko hahaha malay ko bang bakla pala to.

" Hmm. Pwede Favor ? " Tanong niya 
"Ano yun ? " Tanong ko naman pabalik sa kanya.
" Pwede picture tayo kahit isa lang haha , para may memembrance " Natatawa niyang sagot.
" Hahaha sige. akin na cp mo. " Ibinigay niya naman sakin yung cellphone niya at nagpicture kami.

" Tatlo na yan baka di pa sapat putek. " Sabi ko sa kanya.

" haha thank you , i have to go na talaga bye. " Ngumiti nalang ako. Loko yun haha. atleast kahit papano napasaya ako. Napangiti niya ko.

Narealize ko lang , Tama siya. Tama siya na huwag kong sayangin ang oras ko sa mga nakaraan. Hayaan ko munang sumaya ako. Whaa. Oh My Ghad Kristof haha.

Ang kulit haha , yung pag-uusap namin kanina pwede nang pamagatan ng " Moment of Truth ". Wala lang. ewan ko ba hahhaa tama naman kasi siya haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moment of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon