Chapter Twenty-Seven: Truth (2)

1.7K 40 5
                                    

Marceline’s POV

Accidents…

Traumas…

Amnesias…

“Ganyan mo na ba sila ka-miss kaya naman natutulala ka na?”

Nawala ako sa mga iniisip ko ng marinig ko ang malumanay na boses ni Ate Lourdess. Lumingon ako saglit sa kanya at ibinigay niya sa’kin ang nakakakalmang ngiti niya. “Natapos na ang bagong taon at lukot lukot na yan mukha mo. May problema ba?”

Umiling ako. Hindi naman siguro problema ‘to. “Wala, ate. Tama lang kayo, namiss ko lang yung makukulit kong mga amo.”

“Daig mo ang isang nanay! Makakulit ka naman dyan,” natatawang sabi ni ate. Tinabihan na niya ako dito at pinisil ang pisngi ko. “Tawagan mo na. Baka naman kasi hindi mo pa sila tinatawagan…”

Natawa na rin ako. “Makulit naman kasi talaga sila, ate. Tsaka natawagan ko na sila. Sadyang namimss ko lang silang mga Young Masters ko.”

Hinimas himas ni Ate Lourdess ang likod ko. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Ganitong-ganito rin kami bago pa ako lumipat sa Manila. Kapag alam ni ate na hindi maayos ang pakiramdam ko, tatabihan niya lang ako at hihinasin ang likod ko.

“Oo nga pala, nasaan na ba yang si Marco-conut na yan?” Si Ate talaga!

Natawa na naman ako. Noong nagcelebrate kasi kami ni New Year, nagpunta dito si Marco, ayun na naging close na siya sa pamilya ko. Lalo na dito kay Ate Lourdess, wala na nga silang ibang ginawa kundi mag-asaran kaya naman nabuo ang Marco-conut at Lourdaldal.

“Nasa Manila, mamayang gabi na kasi yung birthday nila Ma’am Celina at may susunduin lang daw siya,” sagot ko. Hindi ko alam pero inaantok na yata ako.

Pinagpatuloy lang ni Ate Lourdess ang paghihimas sa likod ko.

“Sino ka ba?” tanong ko at tinignan mabuti ang lalaking nasa harap ko.

“Ako ang tatay mo, anak,” sabi ng lalaki sa harap ko at niyakap niya ako. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at napaiyak na lang din ako.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng napakainit na pakiramdam. Tumatagos iyon sa puso ko. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako na ligtas ako, na hindi na ako masasaktan. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya, alam kong magiging maayos na ang lahat.

“Maraming salamat sa lahat…” rinig kong sabi ng babaeng kausap ni Tatay.

“Na sayo ang pasasalamat ko. Mag-iingat kayo,” iyon lang ang sinabi ni Tatay at niyakap ako ulit.

Tumingin ako sa babaeng naglalakad na ngayon, hindi ko mintindihan pero nalungkot ko ng makita ko siya lumalayo na sa’kin… Ate

Pawisan at umiiyak akong napabalikwas sa kama. Napakabilis din ng pagtibok ng puso ko pati ang pagbigat ng paghinga ko. Panaginip.

Napahawak ako sa ulo ko, bigla yata akong nahilo. Umiling-iling ako. Ngayon ko lang na pansin na nandito na pala ako sa kwarto namin  nila Ate Lourdess. Kanina pa ba ako dito? Anong oras na ba? Ibinaba ko na ang mga paa ko sa kama pero parang nahihilo pa rin ako.

Ano bang meron sa panaginip kong iyon? Tungkol saan ba yun? Dahil sa totoo lang, hindi ko maintindihan. Wala akong maalalang ganung nangyari na… Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ‘nun. Bakit ba kailangan ko pa yung mapanaginipan?

Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon