Nung araw din iyon, pumasok ng paaralan si Kenneyjay. Bakas sa kanyang mukha ang tila pagkabahala sa nangyari sa kanya nung araw na iyon. Di parin mawala sa kanyang isipan ang mga eksena ka kanyang masamang panaginip at ang nangyari sa kanyang kama. Pagdating sa paaralan ay naisipan niyang maghintay doon sa mini forest. Napa-aga pa pala siya sa pagdating dahil kunti pa lang ang mga tao na nandoon. Nakaramdam siya ng pagkainip kaya naisipan niya na maglibot-libot muna . Sa kanyang paglilibot, nakaramdam siya ng uhaw kaya bumili siya ng isang boteng softdrinks na nasundan pa ng isa. Bumalik siya sa mini forest at na-upo sa isa sa mga upu-an.
"Umagang-umaga, nag so-softdrinks kana." sambit ng isang boses sa kanyang likuran.
Biglang sinukuban ng takot si Kenneyjay, ni hindi na siya nakagalaw sa kanyang kinauupu-an. Tila namumutla na siya sa takot. Laking gulat na bigla siyang binatukan.
"Hoy!!" wika ng boses sa kanyang likuran.
At dun agad na napatingin siya kung sino ang tao sa kanyang likuran. Nakahinga siya ng maluwag nang si Calai lang pala yun. Agad naman nau-po si Calai sa kanyang tabi.
"Watta mess!! Akala ko kung ano na!!" sambit niya.
"Ano?! Ano ka diyan!! Baka sino... Ano kaya yun." wika ni Calai.
"O, bat mukha kang stressed?! At tapos yan!! Umiinom ka na naman ng softdrinks. Umagang-umaga... Akin na nga yan!!" agad na inagaw ni Calai sa kanyan ang bote ng softdrinks at inimon.
"Umaga daw oh... Bat ka mo naman ininom?!" pilit niyang inagaw ang kanyang softdrink sa kaibigan.
Bigla niyang tinigil ang kanyang ginagawa. Naisipan niya na ikwento ang nangyari sa kanya kagabi. Batid niya na makikinig si Calai, lalo pa na alam niya na mahilig ito sa mga nakakatakot na kwento. Ang hindi niya lang mabatid kung maniniwala ito sa nangyari sa kanyang kama. Kaya naisipan niyang ikwento ito sa kaibigan.
"May kwento ako sayo. Tungkol ito sa panaginip ko kagabi.".
"Ah... Yung magigising ka dahil sa kadena. Tpos eh hahatakin yung kama mo at pag gustong mong kumawala ay hindi kana maka-alis dahil nakagapos kana. At pagtumigil yung kama makakakita ka ng isang anino. Tpos mararamdaman mo na parang tinutusok ang tagiliran mo ng isang matulis na bagay."
Gulat na gulat si Kenneyjay sa narinig sa kaibigan. Laking pagtataka niya kung bakit alam ni Calai ang tungkol dito.
"Paano mo nalaman. Di pa nga ako nagkwekwento sayo." habang kumukunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka.
"Hindi lang ikaw yung nakaranas nun. Marami pang iba. Sa pagkaka-alam ko, Yung anino na nagpakita sayo ay isang maligno. Mabuti ay anino lang yung nakita mo, hindi yung tunay na anyo niya. Parehong-pareho ang napanaginipan ninyo. Paminsan-minsan ay mga mata niya lang ang makikita mo. Yung parang mga matang nanlilisik. Minsan naman buong mukha niya. Minsan, tumatawa siya ng pagkalakas-lakas. Tapos...". biglang tumigil si Calai at uminom ng softdrink.
"Tapos ano?!" pagtatanong ni Kenneyjay.
"Tapos... Tapos na! Yun lang yung alam ko eh.".
"Ganun lang yun? Eh tapos nun kung magigising ka makikita mo na nasa ibang sulok ng kwarto yung kama?!".
"Huh?! Sa pagkakaalam ko sa panaginip lang siya magpapakita. Hindi niya kayang magpagalaw ng mga bagay." laking pagtataka ni Calai.
"Pero wag mo na masyadong alalahanin yun. Hindi na sya magpapakita ulit sayo. Malamang makakahanap naman ng iba yun. Malay mo... Baka ako yung isusunod niya.".
"Malamang ikaw nga!!" sabay tawa ni Kenneyjay.
"Hmmmp...Pero hindi pa ngayon... Tignan mo yung anino ko..." habang unti-unting nawawala na ang mga ngiti sa kanyang mukha.
Akala niya nag-bibiro lang si Calai kaya tinignan niya nga ang anino ng kaibigan. Lakit gulat niya nang nakita niya na may mga nanlilisik na mga mata sa anino ni Calai. Bigla siyang napatingin kay Calai at ang nakita niya ang mismong anino na nasa harapan niya. Napa-atras siya sa kanyang kina-uupuan hanggang sa mahulog siya doon. At ang nagpagimbal pa sa kanya ay bumalik siya sa kanyang kama. Nagdilim ang paligid. Humangin ng malakas. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya. Gusto niya sanang umalis pero andyan na naman ang mga kadenang nakapulupot sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata na tumambad sa ibabaw ng kanyang kama ang aninong iyon. May mga mata na ito na parang nanlilisik. Hindi lang yun, Unti-unti din itong ngumiti sa kanya. Hanggang sa bumuka ang kanyang bibig at nagsilabasan ang mga ipis at uod. Pilit ni Kenneyjay na kumawala. Bakas sa kanyang mukha ang matinding takot. Habang nagpupumiglas siya para makawala, biglang tumawa ng malakas ang anino. Kitang-kita ang kanyang matatalim na mga ngipin. Habang ang mga ipis at uod ay unting-unti gumagapang sa katawan ni Kenneyjay. Masayang-masaya naman ang anino. Sa sobrang saya nito ay nagwawala na ito sa ibabaw ng kama at biglang itinaas niya ang kanyang mga kamay at tumambad ang unti-unting humaba nitong mga kuko. Nang sa isang iglap ay bigla niya itong sinaksak sa katawan ni Kenneyjay. Walang habas niyang pinagsasaksak ng kanyang mga mahahaba at matutulis na mga kuko si Kenneyjay. Patuloy parin ito sa kanyang mala demongyong tawa. Habang si Kenneyjay naman ay patuloy sa pagsigaw, humihingi ng tulong, nagmamakaawa sa anino na itgil na ito. Hindi na siya makapagsalita pa nang may mga ipis na pumasok sa kanyang bibig. Ang mga uod naman ay gumagapang sa kanyang nakaluwang bituka. Hindi makapaniwala si Kenneyjay na nakikita na niya ang kanyang bituka na agad namang kinuha ng anino at pinagkakagat. Damang-dama niya ang matinding sakit dulot nito. Halos mapuno na ng dugo ang kanyang kama. Sa isip niya parang wala na itong katapusan hanggang sa...
"Hoy anak!! Tanghali na!! Di ka papasok?" tanong ng kanyang ina.
Bigla naman siya tumayo sa kanyang kama. nasa dati parin itong posisyon. Kinurot niya ang kanyang sarili para malaman kung nanaginip parin siya. Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang pagkurot sa sarili. Napanatag naman ang kanyang kalooban. Nagmadali siyang naligo at nagbihis at pumunta sa paaralan.
Tinanghali nga siya ng gising. Mag-aalas onse na siya nang nakarating sa pinapasukang paaralan. Kaya agad na siyang pumunta sa dating karinderyang kinakainan. Doon nakita niya si Calai na mag isang kumakain kaya agad siyang bumili ng ulam at dinoblehan niya na ito dahil hindi niya na magawang kumain ng agahan sa kanilang bahay. Agad naman siya pumunta sa kinaroroonan ng kaibigan. Hindi na niya nagawang ikwento ang napanaginipan kagabi. Sa halip ay nanood nalang siya ng TV.
Kinabukasan, habang tumatambay siya sa mini forest. May nakita si Kenneyjay ng mga nagkukumpulang mga estudyante. Narinig niya na nagkwekwento ang isa sa mga ito tungkol sa napanaginipan kagabi. Parehong-pareho din ito sa kanyang panaginip.
"Nakakita na naman siya ng kanyang bagong biktima. Hindi talaga siya titigil hanggang hindi siya nagsasawa." pabulong na sinabi niya sa kanyang sarili.
"Hindi pa ako tapos sayooooo..." sambit ng isang kakaibang boses.
Agad naman siyang lumingon sa pag-aakala na iyon parin ang anino sa kanyang panaginip. Pero si Calai lang pala na nagbibiro sa kanya. Agad naman silang umalis papunta ka gym at nanood ng volleyball.
~End~