CHAPTER 7
DAMIEN JACOB's POV
" Wala kang pake" saka siya naglakad paalis.
Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa tenga ko yung sinabi niya. Nakatingin lang ako sa likod niya habang naglalakad siya palabas ng greenhouse.
Nag iiba na tuloy tunog nung pake ngiging kape na. Tsssk (¬_¬)ノ
" Psst san punta nun?" Paglingon ko sa kanilang tatlo ay nakalapit na sila sakin at tinatanaw ang dinaanan ni Cecilia.
" A-ah ewan ko nga eh. Bigla na lang akong tinarayan. Concern lang naman ako"
Nag iwas ako ng tingin sa daan na dinaanan niya at liningon sila. Binigyan ko sila ng ngiting sa tingin ko ay ayos lang. Yah ayos lang.
" Hay nako pasensya ka na dun ah? Medyo may topak lang ngayon kasi may nakitang di kaaya-aya" Paliwanang ni Janica saka tinignan pa yung dalawang kasama niya.
" Oo nga. Pero wag kang mag alala dun, pag wala ng topak yun? Para paring may topak haha-aray!" Natawa narin ako sa sinabi niya. Kahit papano eh alam ko namang mas kilala nila si Cecilia, mas matagal nakasama kaaya panigurado eh kilalang kilala niya na ito.
" Hay nako! Ganun talaga yun. May topak, may toyo, may sapak, malakas ang trip. Hayaan mo na! Ano ba sabi sayo?" Binatukan pa ni Kade si Yael dahil sa paang uusisa niya sa huli. Kaya natawa ako.
" Tinanong ko lang kasi kung ano masakit tapos sinabihan ako ng wala akong pake. Medyo nahurt naman ako kaya hindi ko na kinulit" natatawa pa kunyaring kwento ko. May pagka half lie nga lang.
" Buti hindi mo kinulit hahaha" Si Yael
" Oo nga kundi baka tulog ka ngayon" Eh? Bat naman ako makakatulog?
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kade. Napanguso naman ako ng marinig ko siyang nagsabi ng slow.
" Pag ramdam muna na hindi siya okay. Wag ka na magtanong kung okay lang siya kasi panigurado mababasag ka lang. Sayang kagwapuhan mo nun" tango tango pa si Yael habang sinasabi niya yun.
" Saka pag nabasag ka niya basagin mo din! Panigurado di ka na kakausapin nun haha pero pag wala talaga siya sa mood mas babasagin ka nun tipong pati pagkalalaki mo mababasag niya" hindi naman siguro literal na pagkalalaki yun ano?
" Hindi literal na pagkalalaki! Haha may times lang talagang ganun siya mabilis magbago ng mood. Bipolar hahah" May balak pa atang i share si Yael kaya lang natigil ng tumikhim si Janica.
Sayang. Masasabayan ko na sana ugali niya nun kung magsasabi pa si Yael ng tungkol sa kanya. ಥ_ಥ
" Hay! Hahah wag na natin siyang pag usapan baka mamaya masamid pa yun" Nag iba ang tono niya habang sinasabi niya yun samin.
Nag yaya na silang ituloy ang tour kaya pumayag na lang din ako.
Naisip ko naman habang naglalakad kung nasan si Cecilia.
Hindi ba nila hahanapin si Cecilia? Hindi ba niya ata masyadong alam to ah?
" Eh pano na siya?"
" Ha? Sino?" Si Janica
" Oo nga" Si Kade
" Si Cecilia ba yan?" May halong pang aasar na taanong ni Kade. " Uuuuuuy" Halos pamulahan naman ako ng mukha ng makita ko yung mga pamang asar na ngisi nila.
BINABASA MO ANG
LOVING HER
Fanfiction[ Formerly 'Loving my Gangster Fiance!' ] Pamilyang parehong makapangyarihan ngunit isa ay mas nangingibabaw. Pamilyang iba ang pagpapalaki sa bawat miyembro nila. Ngunit parehong pamilya ay bumuo ng pagkakasunduan. Killua Cecilia Berdin. Babaeng s...