" Strange "
Aisteru's POV
Maaga akong gumising para maghanda ng aking sarili. Papunta kami ni nanay sa Maynila, kila tita Emily ang pinaka-close naming kamag-anak.
Hinanda ko na din ang aking mga dadalhin, dahil sa Manila na kami titira for good.
" Nak bilisan mo jan at aalis na tayo ... " sigaw sa akin ni nanay.
" Opo nay pababa na po " sigaw ko din sa kanya kaya binilisan ko na ang pag aayos ng mga gamit ko para maka-alis na kami ng maaga at hindi kami maiwan ng bus.
Pagkatapos kong mag-ayos ay binitbit ko na ang mga dadalhin ko papuntang Maynila. Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko naman si nanay sa sala.
" Nay tara na at baka maiwan pa tayo ng bus " tawag ko kay nanay.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng jeep papuntang Terminal ng bus at nakasakay na kami ng bus pabiyahe papuntang alam nyo na Manila.
Ay hindi pa pala ako nakakapag pakilala...
Ako po pala si Zir Aisteru Leocadio, 15 years old. Maputi ako, maganda ( echo's ), maliit, tahimik, matalino, at masipag. Mahirap lang kami dahil sa tatay kong sumakabilang bahay kasi hindi siya nakuntento sa nanay ko kaya naghanap ng iba. Pero ang pinaka important information na pwede ninyong malaman about sa akin ay bakla ako, yes I'm gay and I'm proud of it so walang pakiilamanan. Hahahahah jowk po.
Back to reality. So eto na nga nandito na kami sa Manila ni nanay at hinihintay na lang namin sila tita Emily dahil susunduin daw nila kami.
Habang naghihintay kami ay nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si nanay kaya napatalon at napasigaw din ako dahil sa gulat.
" Aaaaaaaahhhh nay bakit ka sumisigaw " at nang humarap ako kay nanay ay nakayakap sa kanya si tita Emily. Tinawag ko si tita at yumakap din sa kanya.
" Tita na miss ko po kayo " kuda ko habang yakap ko siya.
" ako din at ang laki mo na, mas lalo ka pang gumanda ha " kuda din ni tita sa akin kaya bumitaw na ako sa kanya.
" Tara na at para makapag ayos pa kayo nang anak mong si Aisteru sa bahay, Anna. " pag aaya ni tita kay nanay. Oo nga pala Anna ang pangalan ni nanay hindi ko sya napakilala sa inyo kanina. Sorry poh.
" Jiro bitbitin mo tong mga gamit ni Aisteru " pagtawag ni tita sa lalaking nakatayo sa likuran namin.
" Yes mom " sagot nito na may pagkairita kay tita. Sabay kuha ng mga gamit ko.
" Ako na, kaya ko naman na to " pagkuha ko sa mga gamit koh.
" Hindi ako na " pagkuha nya sa akin ng mga gamit ko at tinitigan niya ako ng masama.
" Bahala ka " bulong ko sa sarili ko para hindi niya marinig.
Nang makarating na kami sa sasakyan nila tita ay nilagay na ni Jiro ang mga gamit namin sa likod ng kotse. Pumasok na si nanay sa passenger's seat at si tita naman ay sa driver's seat kasi siya ang mag dadrive ng kotse
Kami naman ni Jiro sa back's seat.Habang bumabiyahe kami ay may napapansin akong nakatingin kaya tinignan ko si Jiro at tama nga ako kasi titig na titig siya sa beautiful face ko hahahahah. Jowk
Nung tinignan ko siya ay bigla siyang nagsalita.
" So... You're Aisteru ha " sabi niya ng may pagtataka.
" Yes I am. Bakit may problema ba? " tanong ko sa kumag na toh.
" Nothing " maikli niyang tugon sa akin.
Kaya tumingin na lang ako sa bintana at tinanaw ang mga dinadaanan namin na mga kabahayan. Merong mga batang naglalaro sa putikan na kala mo ay mga nakawala sa kuwadra at nagbabatuhan pa ng putik.
Pero parang may nakatingin pa rin sa akin kaya tinignan ko ulit si Jiro at ayun nga nakatitig pa rin sya.
" ahm... Pwede bang wag mo akong titigan, nakakailang kasi eh. " pagsaway ko sa kanya.
Hinayaan ko na lang siyang tumitig sa akin buong biyahe kasi ayaw nya naman magpaawat. Nang makarating na kami sa bahay nila tita ay namangha ako sa laki ng bahay nila.
Kinuha ko na ang mga gamit ko sa likod ng kotse at sumunod kay tita Emily. Pumasok na kami sa mansyon nilang bahay at ang ganda, halos lahat ng designs and furniture's ay halatang mamahalin.
" Ahmn... Jiro " pagtawag ni tita kay Jiro. Lumingon naman siya kay tita.
" Ihatid mo si Aisteru sa magiging kwarto niya " utos ni tita kay Jiro.
" Follow me " may awtoridad nyang sabi, kaya sinundan ko siya hanggang sa makadating kami sa isang kulay pink na pinto sa second floor at huminto kami don.
" This will be your room " pagbasag niya sa katahimikan.
" Sige... Salamat " sagot ko sa kanya, umalis na siya ako naman ay pumasok na sa aking kwarto.
Pagkapasok ko ay bumulaga sa akin ang isang paraiso, sa sobrang ganda ay para na akong isang prinsesa. Halos lahat ng gamit ay puro pink. Yung mga furniture's, yung kulay ng mga wall at yung kama pink din. Pero bago ako maulol sa sobrang ganda ay inayos ko na ang mga gamit ko sa drawer at naligo na rin, nagbabad ako sa bathtub kaya medyo tumagal ako. Alam nyo na first time ahhaahaha.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at bumaba, nakita ko naman si tita at nanay sa hagdanan kaya pinuntahan ko na sila.
" Oh... Nanjan ka na pala. Do you like your new room " tanong ni tita sa akin.
" Opo gustong gusto ko po " magiliw na sagot ko kay tita sabay yakap sa kanya.
" Let's go and well have dinner " pag-aya ni tita sa aming dalawa ni nanay.
" Sige po " sagot ko naman sa kanya at sumabay na ako sa kanila papuntang kitchen at nadatnan namin doon si Jiro na dumudugo ang kamay kaya nataranta ako at dali-dali kong hinablot ang kamay niya at itinapat sa sink.
" Tita pahingi po ng alcohol and bandage " sabi ko kay tita at tumalima naman siya at inabot sa akin ang aking hiningi.
Agad kong binuhusan ng alcohol ang kamay niya.
" Aaahhh " ungol niya dahil sa hapdi, nilagyan ko na rin ng bandage ang kamay niya at niligpit na ang mga ito.
" Okay na ba yang kamay mo?? " nag-aalalang tanong ko sa kumag na to.
" Oo... Thank you " sagot niya sa akin.
****************************Jiro's POV
Nagulat ako kanina nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at humingi siya kay mom ng alcohol and bandages.
Tinititigan ko lang siya habang ginagamot niya ang sugatan kong kamay. Maganda siya kahit alam ko naman na lalaki siya, maputi, matangos ang ilong, basta lahat ng M nasa kanya na yata.
Nang matapos nya ng gamutin ang aking kamay ay niligpit niya na ang alcohol at bandage.
" Okay na ba yang kamay mo?? " nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Oo... Thank you " sagot ko sa kanya. Parang may kakaiba sa akin nung nakita namin sila ni tita Anna sa Bus Terminal kaninang umaga, parang may strange akong nararamdaman sa dibdib ko.
Pero hindi ko pa naman to sure eh, pahihirapan ko muna siya at aalamin ko kung ano ba itong nararamdaman ko...
------------------------------
Author's Note:
Sorry po kung maikli lang itong chapter 1... Sorry po kung Hindi po maganda pagtyagaan nyo na lang po... Hahahhahh
# Vote and Comment if you like it.