1

15 1 0
                                    

Dora's POV

''Bakit mo yun ginawa?! '' -muntik na akong mabilaukan nang dahil sa sigaw ni Lisa, bestfriend ko. Langya, sabunutan ko kaya to?

''Ang alin? '' -inosenteng tanong ko. Eh sa hindi ko alam kung ano yung ginawa ko eh. Ano ba ang ginawa ko? Kumakain lang naman ako ng pudding sa bahay namin ha? Masama ba yun?

''Yung pagreject mo kay Allen? Nako te! You lost 50% of your youth. Sa gwapo-gwapo nyang mukha, nireject mo lang? Pinabayaan mo lang? Sinaktan mo lang? Ganun na lang? ''

''Gusto mo ng sampal? Manahimik ka nga at umupo ka jan. Wag kang tumayo, sumasakit na yung leeg ko sa kakatingala sa'yo eh. '' -pagrereklamo ko. Umupo sya at nagsalita ulit.

''Hoy. Donnalyn Rachel Uy. Kailan ka pa ba matututong magmahal? '' -tanong ni Lisa. Kinuha ko yung tissue at tinapon ito sa mukha nya.

''Ha-ha. Patawa ka rin eh no? Ano? Ano ba ang makukuha ko sa pag-ibig na yan? Pera? Karangyaan? Di ba hindi? '' -pagdedepensa ko. Tama naman ako di ba? There's no advantage when you fall in love with your opposite sex o kahit similar sex mo lang?

Nang dahil nga sa pag-ibig eh, nasisira yung mga kinabukasan ng mga kabataan eh. Teenage pregnancy. Mga bisyo na hindi dapat gawin ng mga kabataan ay ginagawa pa rin nila nang dahil sa naiimpluwensyahan sila sa pag-ibig na yan. So why fall in love, kung wala naman itong advantage?

''Happiness. '' -seryosong sabi ni Lisa. Hinawakan nya yung kamay ko and she continue to speak. '' Happiness, Dora. Kung magmahal ka man, kaligayahan ang makukuha mo. Masaya ka dahil nagmahal ka at masaya ka dahil mahal ka ng mahal mo. Teenage pregnancy nang dahil sa pag-ibig? Hindi mo yan matatawag na pag-ibig, Dora. Kaya-- '' -bago pa sya magsalita ay inunahan ko na sya.

''No. Nagmahal din ako noon, Lisa. Pero... may kaligayahan ba akong natanggap? '' -natahimik sya. '' Di ba wala? '' -napayuko sya. ''Tama ako? '' -umiyak na sya. Takte na!

''S-sorry. '' -sabi nya habang pinupunasan nya yung luha nya. Crybaby nga pala to. - -

''Shh na. Alam kong nag-aalala ka lang sa lovelife ko eh. Pero.. wag kang mag-alala. Ok na ako. '' -sabi ko. Naalala ko na naman kasi yung first boyfriend ko eh. Si Diez Go. Sya yung lalakeng first kiss ko, first hug, basta lahat first! Pero.... iiniwan nya ako sa dahilan na hindi ko malaman.

''Sorry ha? Pinapaalala ko na naman sa'yo si Diez. Sorry. ''

''Ok lang. Nakalimutan ko na yung mokong na yun! '' -sa totoo lang hindi pa. Pero hindi ko na sya mahal. Asa! Leche sya eh!

''Yada, yada! Wag ka na ngang umiyak! Ayokong magdramahan tayo dito eh! '' -sabi ko.

''Hehe, oo nga. Sorry ulit. '' -sabi nya at tsaka sya ngumiti.

''Dora? ''

''Hmm?''

''Bakit mo nireject si Allen? ''

''Trip ko lang. ''

''Heartbreaker. ''

''I know right. ''

----

Kinaumagahan....

Maaga akong gumising nang dahil may nagdo-doorbell.

''MA! Buksan mo yung pinto! '' -walang sumagot. Naala ko na. Wala pala si Mama dito. Nasa Japan, nakikipaglandian. De joke. Nagtatrabaho sya dun. Lecheng trabaho na yan! Ako lang ang mag-isa sa bahay!

''Oo na! Oo na! Bubuksan na! Bwisit'' -nagsuot muna ako ng bra at shorts at tsaka bumaba. Tumutunog pa rin yung doorbell. Seriously? May pagkaignorante ba sya sa doorbell? Parang ngayon lang nakapindot ng doorbell eh.

Dora The HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon