fault in our code

1.5K 66 40
                                    

[!!!] edited: 04/16/17


This was written way back in 2014.



      Another tiring day has passed for our main character; Kyungsoo, who's now on his way home from his part time job.

       Mag aanim na buwan na siyang nagtatrabaho sa restaurant ng kanyang kaibigang si Junmyeon. Ever since his parents went to Canada, naiwang mag-isa si Kyungsoo sa apartment niya but thanks to his bestf riend Baekhyun, hindi siya nalulungkot dahil paminsan minsan ay dinadalaw siya nito doon kasama ang nobyo nitong si Chanyeol. 

       Nakarating na siya sa apartment niya at humandusay sa couch. He was about to doze off to dreamland nang may kumatok sa pintuan niya.

      Who the hell is it?

      tinignan niya ang relo na nakasabit sa pader and it's already 11:43 in the evening. Nakapikit siyang lumapit sa pintuan at pinagbuksan ang kung sino mang hinayupak na kumatok. Halos basagin niya ang flower vase na hawak niya dahil kinuha niya iyon pang self defense daw. Baka mamaya magnanakaw na pala pero nainis siya dahil isang malaking box ang tumambad sa mukha niya. Isang napakalaking karton na mas malaki pa sa kanya. Sinilip niya kung sino ang nagdala nito doon pero wala siyang nakita. Wala siyang nagawa kundi ang ipasok ang karton sa loob at tignan kung sino ang nagpadala nito sa kanya.

      Limang minuto na siyang naghahanap ng card kung saan nakasulat kung sino ang nagsend pero wala. Kumuha siya ng gunting at hinupit ang red ribbon na nakabalot sa karton. He opened the box and he saw a naked guy with his eyes closed standing inside the box.

       "AHHH! SOMEONE SENT ME A CORPSE! A FUCKING CORPSE!" sigaw ni Kyungsoo.

       Ikaw ba naman padalhan ng bangkay sa ganoong oras, tignan natin kung di ka magtititili jan. He hid under the kitchen table at sinilip ang bangkay sa sala niya. Pinagmasdan niya ito dahil baka daw gumalaw.

      After seeing na defenseless naman ito, nilapitan niya ang bangkay at may nahagip ang kanyang mata. May hawak itong notebook kaya kinuha niya ito at binasa.

      Manual

     Isa itong manual. Manual para saan? Binuksan niya ito at binasa.

     That cyborg is called Kai. Please take care of him and enjoy all the moments you'll be sharing with him. Remember all the memories you'd create together with him and he'll make you a promise.

     P.S One and only rule you shouldn't do with that cyborg; do not let him touch any liquid or else.

     Nanlaki naman ang mga malalaking mata ni Kyungsoo. So ibig sabihin, hindi bangkay ang nasa harapan niya ngayon kundi isang cyborg?

     Woah, he couldn't believe this. Why would someone want to spend millions for this thing para ibigay sa kanya? Umupo siya sa couch habang iniisip kung sino ang posibleng magbigay sa kanya ng ganoong nakakalokang regalo. Hindi niya naman birthday eh, weird. Imposibleng si Baekhyun ang nagbigay nun, kuripot yung baklang yun eh. Hindi rin naman pwede ang parents niya since he know that his parents wouldn't give him such a thing.

     He sighed as he walked towards the cyborg. Isa lang ang gumugulo sa isipan niya ngayon; paano niya matuturn-on itong cyborg na ito? 

      Alas tres na ng madaling araw at may eyebags na rin si Kyungsoo. Tatlong oras niyang hinanap ang switch ni Kai pero kung anong ikinalaki ng mata niya ay wala rin naman itong silbi dahil di niya makita ang switch. Isa na lang ang pwedeng gawin niya at baka iyon ang magpapaturn-on kay Kai.

KAIBORG » kji.dksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon