PROLOGUE =]
"FRIENDSHIP often ends in Love, But Love in FRIENDSHIP ? NEVER .."
Naranasan mo na bang masaktan dahil sa pagmamahal? Makaramdam ng Galit at Sama Ng Loob? Makaramdam ng Takot magmahal ulit? Umiyak? Magwala? Maging Bitter? At Mahirapan? Paano kung isang araw , dumating ang isang taong di mo inaakalang magiging mahalaga sa iyo? Na makakapagpasaya sa iyo ng todo at makakapagpalimot sa iyo lahat ng sakit na naramdaman mo noon? Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, eh nahulog na ang loob mo sakanya? Paano kung malaman mo na parehas pala kayo ng nararamdaman? Handa mo bang isugal ang pagkakaibigan niyo o mas pipiliin mo nalang na maging magkaibigan kayo? Handa ka bang magtiwala ulit at kalimutan ang takot na nararamdaman mo? O pipiliin mo nalang lumayo at pigilan ang nararamdaman mo?
--------------------------
Ako si Ashleen. Masayahin daw. Maganda. Kyut. Masipag. Artistic. Mabait sa pilidong tao at mataray na sa iba. Sige, Matalino na rin nga. Lahat na! OO, Lahat na! :) Mayabang na kung mayabang , AANGALKA? Pero tulad mo.. o ng ibang tao.. may katangahan rin akong tinataglay. Nature ko na yun... Ang maging tanga para lang sa iba.. Hay. Senti. Onga pala, pag tungkol sa LOVE, OUT na ko -- walang kuwenta yun. Sakit lang sa ULO. Alam kong di mo tinatanong, sinasabe ko lang para malaman mong LAOS na ang pagiging IN LOVE . ITAGA MO PA SA BATO !
First DAY of school .
Getting to know each other part! Kailangan pa kasing magpakilala eh . Bakit kasi may mga transferees pa ? Di nalang pumermi sa iisang eskwelahan . Tsk.
Mark : Uyy ?
Ashleen : o.O ( hindi pinansin at tumuloy sa paglakad)
Mark : HOY !
Ashleen : ( Lumingon at humarap kay Mark ) Ako ba tinatawag mo ?
Mark : Ay Hindi .. Baka sarili ko -_- Obvious ba ?
Ashleen : May pangalan naman kase ako .
Mark : Natural . Alangan namang wala .
AshleeN : e alam mo naman pala eh ? Bakit hinohoy-hoy mo pa ko dyan ?
Mark : Hindi nga kita kilala eh >.<"
Ash : Ashleen . ( Pagpapakilala nito)
Mark : Ikaw si Ashleen ?
Ash : Ay hindiiii -- BAKA IKAW SI ASHLEEN .
Mark : ( ngumiti ) NICE TO MEET YOU . ( makikipagkamay sana ..)
Ash : (Tinaasan ng kilay si Mark) Allergic kasi ako sa lahat ng lalaki eeee . ( At tinalikuran na si Mark )
Mark : Huh ? o.O
------------------------
Sorry po kung masyadong maiksi ang chapter 1. :) First story ko po sa wattpad kaya medyo nangangapangapa pa ho ako :) Medyo boring po sa simula pero sana subaybayan niyo pa rin! :)
----> Chapter 2: Annoying Mark.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Novela JuvenilLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?