Augustine Rae
-----
Nakahalukipkip ako habang nanatiling nakatingin ng masama kay Khalil na kasalukuyang nakaupo sa pang-isahang sofa.
Kapwa namin hinihintay ang bagong maga-assist sa akin. Pinaalis na nila ang babae kanina, mukhang kilala naman yata nila ako magalit. Tsk. Buti naman. I can't be in a place with a bitch.
Ewan ko pero naba-badtrip pa din ako dito sa Khalil na ito. Masyadong fucboi. Anong final average ng lalaking ito noong college sya? Siguradong bagsak.
Mas matanda ng dalawang taon si Khalil sa akin at kasalukuyan lamang itong kumukuha ng masteral nya. Kaya balik eskwelahan ang gago. How come nakakapag-masteral pa sya?
"Bayaw, kanina pa masama ang tingin mo kay insan. Baka ina-eye raping mo na ang pinsan ko sa isipan mo ha." malisyosong bulong nitong nagfi-feeling close na pinsan ng ugok na si Khalil.
Inirapan ko lang sya. "Sino ka ba? Bukod sa pagiging pinsan ni Khalil, anong lugar mo sa buhay ko at napaka chismoso mong unggoy ka?" hindi ko mapigilang giit.
Natawa ito. Hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko.
Kumunot ang noo ko ng bigla ako nitong akbayan at bahagyang inilapit sa kanya.
"Alam mo, bayaw. Sabihin mo lang kung type mo 'ko, hindi ako magagalit. Kusa kitang aagawin kay insan. Hahaha!" kumalas ako sa pagkaka-akbay nya sakin at walang pakundagang binatukan sya.
"Aw! Ang harsh mo lumandi, bayaw!" pinanlakihan ko sya ng mga mata.
Anong pinagsasabi ng malisyosong to?
"Spice." napalingon kaming dalawa ni Khalil na kunot na ang noong nakatingin sa amin.
Ngumisi ang pinsan nya. "Huwag ka mag-alala, insan. Hindi ko aagawin itong chiks mo. Maliban nalang kung mahulog sya sakin. HAHAHA!" tumawa syang mag-isa.
Oh my god, I'm being surrounded by weirdos.
Nasaan na ba ang pesteng substitute ng bitch na yon?
Natahimik kami ng bumukas ang pintuan at niluwa ang isang babaeng nakangiti sa amin. Wow, another bitch.
Napailing ako ng nakating nakangisi na naman ang malisyoso. "Uyy, bagong bespar mo ba yan bayaw?" kumunot ang noo ko.
"What?"
"Hindi ba't bitch yung kanina? Panibagong bitch na naman ngayon. Ang dami mo talagang bespar pag dating kay insan. Hahaha! Pengeng kagwapuhan, tol." tsk, gwapo nga, sira ulo naman.
Hindi ko maipagkakailang gwapo din ang pinsan nitong si Khalil. Nasa dugo na nila.
"Uy, bayaw. Hindi ko nagugustuhan ang tingin mong yan. Alam kong gwapo ako pero ayoko pang mamatay. Aha-ha-ha-ha." pumeke ito ng tawa bago dumistansya ng upo sa akin.
Kumunot lang ang noo ko sa kanya. "Baliw." palihim kong bulong.
"Rinig ko yon a!"
Umismid ang babae at bahagya na namang ngumiti. "Good morning ma'am and sirs. Ako po si----"
"No one asked for your bitch name. I'll call you bitch no. 2 instead." bitter kong sagot.
BINABASA MO ANG
Married By Accident
RomanceAugustine Rae tries to escape from her 'accidental marriage' to a man named Khalil Galvan. Kasalanan naman nya, she just ruined an engagement party and a damn relationship. They all thought that she was the 'Mistress' of Khalil, at dahil doon, Khali...