- 21 -

17 1 0
                                    

Miruelle

Mabilis natapos ang ensayo namin sa pagsasayaw kung kaya agad kaming nakapagtanghalian. Tutal wala na kaming ibang gagawin buong maghapon ay nagkaayaan kaming maligo sa dagat. Gusto daw kase magpa-tan nila lalong lalo na si Laudia.

Pinili kong isuot ang kulay royal blue na two piece ngunit pinatungan ko ito ng oversized t-shirt na halos nasa kalahati na ng hita ko. Wala kase akong balak na maligo. Gusto ko lamang silang samahan.

Nauna na si Margs kaya ako nalang mag-isa ang bumaba papunta sa kanila. Pagkarating ko dun ay naabutan ko silang naglalaro ng beach volleyball liban kina Klint, Gina, Klea at Matt.

"Beshy! Buti naman bumaba kana. Akala ko next year kapa bababa eh." Hiyaw sa akin ni Margs na may kasama pang pagkaway.

In fairness ang sexy ng beshy ko suot ang red two piece niya na may nakapatong na short.

"Miru! Come here. Seat beside me!" Sigaw sa akin ni Gina kaya agad naman ako lumapit sa kanya at nakipag beso.

"Hi Klint, Klea... Matt." Bati ko sa kanila.

Tinanguhan lang ako ni Matt samantalang si Klea ay hindi ako tinapunan ng tingin.

"Matty, can you please scratch my back. Ang itchy kase eh." Sambit ni Klea at agad naman sinunod ni Matt.

Wow. Ganun na ba niya kagusto si Klea?

Bigla ako natigilan sa panonood kina Matt at Klea nang bigla akong kurutin ni Gina sa mukha.

"A-- Ouch." Hiyaw ko dahil sa pagkabigla.

"Babe, nasasaktan si Miruelle." Saway ni Klint kay Gina.

"Waaah. Babe gusto ko yung mukha ni Miru. She's so beautiful. Pwede bang isama natin siya pauwi please." Naglalambing na sabi ni Gina sa fiancée niya.

"Wooh. Mukhang pinaglilihian ka ni Gina, Mir." Ani ni Eros na kakatapos lang maglaro ng volleyball. Tumabi naman sa akin si Gleo at yung iba ang kanya-kanyang inom ng inumin. Nakapabilog kase kami. Sa gitna ay ang mga pagkain.

"Babe naman." Napakamot nalang si Klint dahil sa request ng asawa niya.

"Why babe? Ayaw mo?" Naiiyak na si Gina.

"No babe, I mean hindi naman kase pwedeng--."

"Waaaah. Ayaw ni babe Miru. Hindi na niya ako love." Hagulhol ni Gina at yumakap sa akin.

"Babe of course I love you. I'm sorry please stop crying."

"No! Hindi mo na ako love! Ayaw mo na sa akin. I will live with Miru nalang. Right Miru?"

Napaawang nalang ako ng bibig dahil sa natutunghayan ko. Maski ang iba ay natigil sa ginagawa nila dahil sa nasaksihan.

"Arkin promise hindi ako magkakaganyan pag nabuntis ako." Naningkit mga mata kong napatingin kay beshy.

"Seriously Margaret!?"

"Hehe. Peace beshy."

"Girls are really hard to understand." Nailing na komento ni Eros saka umalis.

"Ah oh. Mukhang may kasal na hindi matutuloy bukas. Pffft." Pigil tawang komento ni Erol. Sinamaan naman siya ng tingin ni Klint.

Si Gina ay sinusuyo pa rin ni Klint. Maging si Matt ay nakikialo na rin. Ang hirap palang aluin ang mga buntis.

"Gina, I am here. I can live with you and you can pinch me too."

"No! I don't like you. You're not pretty! I only want Miru." Humihikbi na sabi ni Gina.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon