Chapter Eight

98.9K 3.4K 905
                                    

Numb


Andromeda S. Consunji's

"YOU did good, Andy. I'm so proud of you."

Pagkatapos na pagkatapos ng quarterly meeting ay niyakap agada ko ni Pops. He went to the meeting just to watch me conquer the boardroom kahit na wala naman akong masyadong ginawa kundi ang ipiniliwanag lang iyong nasa graph na ginawa ko noong nakaraan. Also, I had to approve the budget for the next quarter, wala kasi si Hya kaya ako ang pinaharap siya sa Pillars.

"Wala naman akong ginawa, Pops." I smiled. I kissed his cheek.


"Ano ka. Kulang na lang i-cheer kita roon. You are very good, Hya. Ayaw mo ba ulit mag-aral? You can take up business now." I only smiled at him. Wala naman akong balak mag-aral ulit. Wala na akong oras.

"Ikaw talaga, Pops. Byahe na ba kayo ni Mommy mamaya papunyang CLPH?" I asked him. Ayoko ng pinag-uusapan namin.

"Baka bukas na kami ng umaga. Hihintayin ko pa kasi si Yllak. Para sabay – sabay na kami. Ikaw, sasabay ka ba sa kapatid mo?" Tanong niya sa akin.

"Yes, Pops. Sabay na kami ni Cassie. Hindi mo pa ba kakausapin ang kumare mo?" Napangiti si Papa sa akin. Inungutan ko na siya. "Pops, kausapin mo na kasi. Miss ka na noon."

"I missed her too. But I have to teach her a lesson. I have to go, susunduin ko pa ang Mommy mo. Kasama niya ang Tita Liway mo." Hinalikan ako ni Papa sa noo at saka umalis na. I could only watch him. My father is a great man and I love him even more for that.

Naisip kong magpunta sa office ni Orion. Nagkita kami kanina umalis rin sila agad ni Red dahil may appointments pa daw sila. I just had to visit my brother and my new friend Victoria. Gusto ko siyang kamustahin lalo na ngayon ay kababalik niya lang mula sa leace niya.

Habang naglalakad ako palayo ng conference room ay nasalubong ko si Cassie na may dalang dalawang cups ng coffee. She gave me one cup.

"Cofeee, just black. Si Pops?"

"Umalis na. Manunundo daw siya." Sumama na sa akin si Cassie sa Elevator. Sinabi kong pupunta kami kay Orion. She was excited about it. Ako naman, okay lang. May mga nararamdaman akong hindi dapat at may iniisip akong ayokong isipin naman. I sighed.

I cried all night last night. I didn't know why but I did. Isa lang ang paulit – ulit na naiisip ko kagabi habang umiiyak ako hawak ang isang bote ng red wine.

Si Ruel.

Paulit -ulit kong naririnig iyong sinabi niya sa akin na bigyan ko daw siya ng isang linggo. Ayoko siyang hintayin. Hindi ko siya hihintayin dahil wala naman siya sa plano ko. Ano pa bang kailangan niya sa akin at nagpapahintay siya ng isang linggo? Anong buhay ang maibibigay niya sa akin? Wala naman akong kailangan sa ngayon. Kaya kong mabuhay nang nag-iisa at hindi ko kailangan ng isang Ruel De Leon para roon.

I sighed again. Hindi ko kasi dapat pinatagal ng ganito. Attachment can be fatal. It is proven and tested. Kaya lang naman ako nagkaganito ay dahil kay sobrang attachment ang naramdaman ko sa kanya. Sa maikling panahong magkasama kami, may binuhay siya sa kalooban ko na matagal ko nang pilit pinapatay.

"Ate, okay ka lang?" Cassie asked me.

"Yeah, why?" She shrugged.

"Heard you speaking to Mom last night, babalik ka ng Hawaii? Hindi mo ako isasama?"

"Luka, babalik rin ako dito. May gagawin lang ako roon." I smiled at her. I took a sip of coffee. I swallowed it.

The reason why I love black coffee is because I couldn't taste the bitterness of it. Wala na kasi akong panlasa. Matagal na. But it didn't bother me. Kumakain ako at iniisip ko na lamg kung anong lasa noon. Magaling akong mag-imagine. I laughed at myself when I remembered that I told Ruel that his cum is sweet – it's just my imagination.

TreacherousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon