6 years ago...
"May magagalit ba?" tanong mo sa akin.
Tumaas ang isang kilay ko. "Ano?"
Tumawa ka. "Sabi ko may magagalit ba?"
Nag-isip ako kung anong ibig mong sabihin pero lumipas ang ilang minutong pagiisip, isa lang ang naging sagot ko.
"Hay nako. Ewan ko sayo." sabi ko at iniwan ka.
Hindi mo ako pinigilan na umalis.
Hindi mo ako tinawag para tanungin muli... Mabuti nalang dahil hindi ko talaga ma gets kung ano ang ibig mong sabihin.
Lumipas ang araw, habang ako'y handa nang matulog, naisip ko na naman ang tanong mo sa akin.
"May magagalit ba?"
Hindi ko parin talaga ma gets. Ano ba ang ibig mong sabihin?
Palipat-lipat nalang ako ng pwesto sa kama dahil hindi ako makatulog kakaisip sa kung ano ang ibig mong sabihin.
Hanggang sa sumapit ang alas dose ng gabi.
Hindi kaya ang ibig mong sabihin ay, kung may magagalit ba kung manligaw ka sakin?
HA? Ano ba naman itong iniisip ko. Nag a-assume na naman ako.
Siguro hindi yun ang ibig mong sabihin, diba?
Imposible na iyon ang ibig mong sabihin dahil, kaibigan lang naman ang tingin mo sa akin, di ba?
Pinilit ko ang sarili na makatulog at sa awa ng diyos, nakatulog ako.
4 years ago...
"Oi." biglang sabi mo sa akin ng minsan tayo'ng nagkasabay papasok sa skwelahan.
Aba, himala at ako ay iyong kinausap muli.
ilang taon na ba ang lumipas mula ng ako'y huli mong kinausap?
Sa pagkaka-alala ko, hindi mo na ako kinausap pa pagkatapos noong tinanong mo ako ng "May magagalit ba?" .
Sa pagkaka-alala ko, hanggang ngiti at simpleng tango nalang ang iyong binibigay sa akin kapag ako ay iyong nakikita sa skwelahan.
Dalawang taon na pala ang lumipas.
At ngayon, kinausap mo muli ako.
"O?" sagot ko at sabay tayong naglakad papunta sa building mo, na daanan ko papunta naman sa silid aralan ko.
Ngumiti ka. "Classmate mo si Faith?" Tanong mo.
Tumigil ako sa paglalakad. "Faith Eduave?" tanong ko sayo.
Tumango ka. Napansin ko na biglang pumula ang iyong pisngi.
"Crush mo?" tanong ko ulit sayo.
Tumango ka ulit at inabot sa akin ang isang papel. "Pakisuyo naman, oh? Pakibigay sa kanya." sabi mo.
Tinanggap ko ang papel kahit na ayaw ko.
Ayaw ko. Masakit. Bakit sa akin ka pa makikisuyo?
"Salamat, Amy." sabi mo at naglakad papunta sa hagdanan patungo sa classroom mo.
Naiwan ako doon. Hawak ang sulat mo para sa kaklase ko.
Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Kaya kahit hindi ko gustong gawin ang pabor na hiningi mo, ginawa ko.
BINABASA MO ANG
May Magagalit Ba? (One Shot)
Teen FictionThere is this guy. He treats me as his friend. I treat him as a friend too. BUT as years pass by, I had different feelings towards him... He asked me once "May magagalit ba?" and I didn't understand what he meant about his question for me so I star...