~ Kung makeup lang pala ang tanging nakakapagpaganda sayo, bat di mo subukang kaninin para naman gumanda yang ugali mo.
Wag magpalinlang, maging natural (:
____________________________________________________________________________
*****@Terminal, 8:45am.
15 minutes advance? Baket hindi. :-)
Nung tinanong ko sya kahapon kung okay lang ba na ako na lang sasama sa kanya papunta sa bahay ng lola nya..
“Really? Ayos lang sayo? I mean, free ka tomorrow?”
Limang sunud-sunod na tango lang naman ang naisagot ko.
“Wow, super baet mo talaga Brian! Thank you ha? So, kita nalang tayo sa terminal ng 9am. ^___^”
Iyon na nga ang dahilan kung baket maaga pa lang nandito na ko sa sakayan. Mas maaga, mas good shot este mas maganda. Hahaha. Ayoko naman na sya pa ang maghihintay saken. Yun ang hinding hindi ko sa kanya gagawen.
*****@Terminal, 9:34am.
Paminsan nakaupo lang o kaya naman nakatayo habang hinihintay si Keena.
Hm, nasan na sya? Baket di ko pa itext?
May load ako at kung gusto mo tawagan ko pa. Kaya lang ang problema eh hindi ko alam kung anong number nya. Hindi nya din naman kase binigay at higit sa lahat, hindi ko kayang hingin yun sa kanya. O____O
After 49 minutes naaninag ko. Ramdam ko ang presensya nya lalo sa babaeng natatanaw ko na..
“Ui, Brian sorry na-late ako. :|”
[ Hihingal hingal na sabe nya agad pagkatuntong pa lang ng paa sa harap ko. ]
“Kanina ka pa?”
“Hi-hin-de nam-man.”
[ Kagaya nga ng sabe ko kanina, di ko sya paghihintayin at wala akong balak na sabihin sa kanya ung nanyare. ]
“Na-late ako kase ang tagal bago naluto netong ibibigay ko dapat sayo.”
“Ha? Pa-ra sa-ken?”
“Yeps, ginawan kase kita ng simple breakfast kaya tuloy hindi ako nakarating ng 9am sharp. Sorry ulet ha? Sana sa food na to, makabawi naman ako sayo.”
Hanep, pinagluto nya daw ako? Simple o komplikadong agahan man to, tatanggapin hindi lang ng tsan ko pati na rin ng puso ko. Hehe
Sabe na nga ba hindi sya mahuhuli ng walang dahilan. At sa lahat ng dahilan na narinig ko na, ito ang pinakamasarap sa pakiramdam. Balewala na ang ilang minutong paghihintay, ang importante naman dumating sya diba?
“Tara, upo muna tayo dun sa table para makakaen ka na.”
“Ah eh si-sige.”
Fried rice, bacon, tocino, itlog na may smiley na nakadrawing ng ketchup sa ibabaw at may kasama pang kape. Cute :)
“Umiinom ka ba ng kape? Nilagay ko muna sa tumbler para hindi lumamig agad. Actually, ako mismo gumawa nyan. Mahilig kase ako sa ganun eh. Ahehe”
Nung sinabe nya pa lang na sya ang nagluto, ayoko sanang kainin at baka pwedeng i-preserve na lang para gawing remembrance. Haha. At kahet na hindi ako umiinom ng kape, I’ll make sure na walang matitira.
“You like it?”
[ Tanong nya nung patapos na ko. ]
“O-o.”
YOU ARE READING
Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)
Teen FictionDati nagkalat ang mga BASURA. Ngayon nagkalat pati mga PAASA. !@#$%